***
Hailey's POV
9 pm na kaming nakauwi ni Daddy dahil sinulit namin ang araw na free kami. Hindi na kami nag dinner at dumiretso na kami sa taas, hinatid muna ako ni Daddy sa kwarto.
"Magsusulat ka ba ng diary?" Tanong ni Daddy.
"Yes, Dad... Pagkatapos kong magpunas." Binuksan ko ang closet at kinuha ko ang pantulog kong damit.
"O sige, after that, matulog ka na." Pagkatapos niyang mag good night kiss ay lumabas na siya sa kwarto ko. Inilagay ko naman ang teddy bear na kamukha ni Raine sa tabi niya.
Pumunta muna ako sa banyo upang magpunas. Paglabas ko, kinuha ko kaagad ang diary ko.
Dear Diary,
Pumunta kami kanina ni Daddy sa Wedding's Place para sa gown fitting. Ang ganda ng gown ko para akong si Cinderella dahil kulay ng gown ko ay sky blue pero ang design niya ay parang gown ni Belle. Para na akong isang Prinsesa.
Pumunta naman kami kaagad sa Mall upang kumain ng lunch. At sabi ni Daddy sulitin nalang namin ang araw na ito, 'Father and Daughter's day' namin. Masayang masaya ako dahil miss ko na ang bonding namin ni Daddy dahil sa work niya. Pumunta naman kami sa arcade at naglaro kami ng basketball at kung anu ano pa. Nakakuha naman ako ng maraming ticket at pinagpalit namin ito ng isang teddy bear na kamukha ni Raine. Ibibigay ko ito kay Tyler bukas, sana magustuhan niya.
Yan lang sa ngayon, good night na Diary.
Love, Hailey ♥
Pagkatapos kong magsulat ay natulog na ako kaagad tulad ng sabi ni Daddy.
--
Maaga akong nagising, katabi ko ngayon si Raine at ang teddy bear na nakuha ko kahapon. Hindi ko pa siya binigyan ng pangalan kasi ang gusto ko kaming dalawa ni Tyler ang mag-iisip ng pangalan.
Bumangon kaagad ako at inayos ko ang sarili ko. Binuksan ko naman ang pinto ng terrace ko upang tingnan kung gising na ba si Tyler. Pero sarado pa... Maaga pa naman din kasi. Excited na akong ibigay ng teddy bear kay Tyler mamaya.
Lumabas na muna ako sa kwarto. Nasalubong ko naman si Daddy na kakagising lang din niya.
"Oh, Baby, Good Morning." Sabi ni Daddy.
"Good morning, Dad!" Bati ko.
"Ba't ang aga mong nagising? Hindi ka ba nakatulog?" Sabi niya sabay karga sa akin.
BINABASA MO ANG
I Wish (OnGoing)
RandomIn the end, it's still best to wait for the one we want rather than settle for what's available. It's still best to wait for the one you love rather than settle for the one who's around. It's still best to wait for the right person because life's to...