***
Hailey's POV
Ilang araw na din na hindi kami inaaway ni Bradley. Siguro pinagalitan siya ng Mommy or Daddy niya.
Andito kami sa school ngayon, gumagawa ng activity na binigay ni Teacher Joan. Pagkatapos naming magdrawing, biglang lumapit sa amin si Bradley...
Nang mapansin yun ni Tyler, bigla niya akong hinarangan upang hindi makalapit si Bradley.
"Don't worry, Tyler, hindi ko kayo aawayin ni Hailey." Nagulat naman kami sa tono ng boses niya. Hindi kasi nakakatakot, hindi tulad ng dati.
"Anong kailangan mo?" Sabi ni Tyler.
"Gusto ko lang humingi ng sorry sa inyong dalawa dahil sa ginawa kong pag-agaw at pagkain ng cookies ninyo." Halata naman sa mukha niya na sincere siya.
"Okay lang yun, kalimutan mo na... Past is past. Nakita ko naman na nagsisisi ka sa ginawa mo. Pinapatawad na kita Bradley." Nagulat naman si Tyler sa sinabi ko at hinarap niya ako. Sa mukha niya, halatang naiinis siya sa sinabi ko.
"Bakit mo siya pinatawad? Mali yung ginawa niya.. Paano kung uulitin niya yun?" Alam ko kung bakit ganito si Tyler, nasaktan kasi kami sa ginawa ni Bradley kaya naiintindihan ko siya.
"Eh, kasi Tyler... Kitang-kita naman sa mukha niya na sincere siya... Ilang araw simula nun na hindi niya tayo binubully... Iniiwasan pa nga niya tayo. Siguro may problema siya noon kaya nagawa niya yun. Sige na Tyler, patawarin na natin siya." Sabi ko sa kanya.
Natahimik naman si Tyler at tumingin kay Bradley. Tinitigan niya ito ng matagal at pagkatapos tumingin siya ulit sa akin.
"Sige, pero wala pa rin akong trust sa kanya. Pero pipilitin ko na hindi na magalit sa kanya kung yan ang gusto mo." Ngumiti siya sa akin.
Masaya naman ako sa sinabi niya kaya niyakap ko siya, "Thank you, Tyler."
"Pinapatawad niyo na ako?" Nagsalita ulit si Bradley.
"Hindi agad-agad. Dapat iprove mo muna na nagsisisi ka nga sa ginawa mo. Dapat ipakita mo. At hindi mo na daat awayin ang iba pa nating mga classmate." Sabi ni Tyler. Hindi na ako nagsalita kasi kontento na ako sa sagot ni Tyler.
"Promise... Hindi ko na kayo aawayin. Salamat Tyler, Hailey." Ang lapad ng ngiti ni Bradley nang marinig niya ang sinabi ni Tyler. Inalok niya ang kamay niya sa amin.
"Wag kang mag-promise. Do it." Sabi ni Tyler, at inabot niya ang kamay niya. Nagshakehands sila at kami rin ni Bradley.
"Friends?"
"Friends..."
Ngayon ko lang nakitang ganito si Bradley. Hindi kasi siya palangiti noon, lagi na lang nakasimangot at parang galit.
--
Pagkatapos ng activity namin, nag-lunch na kami. Habang kumakain kami, lumapit na naman si Bradley dala-dala ang lunch box niya.
"Can I join?" Tanong niya sa amin.
Tumingin ako kay Tyler biglang paghingi ng permiso na pasabayin namin si Bradley sa pagkain. Ngumiti naman ito at tumango.
"Yes, sure..." Sagot ko.
Iniharap niya ang upuan na nasa harap namin at doon umupo. Binuksan niya ang lunchbox niya at ishinare niya yung baon niyang hotdog.
"Gusto niyo? Nagpaluto ako kay Mama ng maraming hotdog para ibigay sa inyo." Sabi niya habang kinukuha niya ang mga hotdog at inilagay niya sa mga baonan namin.
"Naku! Nag-abala ka pa. Salamat Bradley." Sabi ko.
"Salamat Bradley... Ito oh, bacon..." Ibinigay naman ni Tyler ang isang bacon kay Bradley.
BINABASA MO ANG
I Wish (OnGoing)
RandomIn the end, it's still best to wait for the one we want rather than settle for what's available. It's still best to wait for the one you love rather than settle for the one who's around. It's still best to wait for the right person because life's to...