Chapter 24: Happy Saturday

10 1 0
                                    

***

Zach's POV

Masaya palang kasama sina Tyler at Kuya Greg, in-invite ko sila kahapon na mag-bonding...

--flashback--

Nag-aabang ako ngayon habang umuupo sa swing nina Hailey sa labas ng bahay. Hinihintay ko kasi silang umuwi.

"Mag-merienda ka muna." Dinalhan ako ni Ate Reese ng cookies at gatas.

"Salamat, ate." Umupo naman siya sa katabing swing.

"Hinihintay mo ba sila?"

"Oo..."

"Mukhang masaya ka dito ah..."

"Siyempre, nag-enjoy ako. Akala ko kasi kayong dalawa lang ni Hailey ang makakasama ko for a month. Nakakabagot kaya yun." Binatukan naman ako ni Ate.

"Ate naman!"

"Anong nakakabagot kaming kasama? Hindi ka lang maka-gets!" Naka-pout niyang sabi.

"Wag kang mag-pout jan, di bagay sa'yo. Nagmukha kang pato. Hahahaha..."

"Aughhh! I hate you!"

"Bakit? Sinabi ko ba sa'yo na I love you?"

"Ewan ko sa'yo." Sabay walk out niya. Hahaha. Minsan talaga hindi niya ako matatalo.

"Si Kuya Greg oh!" Bigla naman siyang napalingon naman siya sa gate. Ooooie! I smell something's fishy...

"Hala... Ate, crush mo si-"

"Hindi no? Hindi talaga..." At pumasok na siya sa loob. Mukhang guilty ah.... May bago na akong pang-inis kay Ate.

Si Kuya Greg... Parang crush niya kasi si Kuya Greg. Huli ka, Ate!

Maya-maya, dumating naman ang kotse ni Uncle Paul. Agad ko namang binuksan ang gate...

Pumasok na ang kotse at lumabas si Hailey.

"Zach!" Salubong niya sa akin.

I Wish (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon