ALBOL ~ Two

667 17 5
                                    

Nakahiga na ako sa kama at matutulog na (kahit na alam kong hindi pa ako makakatulog dahil sa insomnia ko) pero hindi ko pa din makalimutan yung mukha ni Mr. Painter – yun na lang yung itatawag ko sa kanya dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya eh. Ewan, hindi ko talaga mawarian kung bakit bigla na lang tumibok ng ganon yung puso ko nung magtama ang tingin namin.

God, that was the first time! But well, maybe not. Kasi yung first time na naging ganon ang aking puso ay nung high school pa. Pero ang tagal na! 2 years nang walang nagpapaganon sa puso ko eh. Akala ko nga hindi na siya marunong tumibok. Heh, ang korni.

Tumayo ako ng kama at kinuha ang cellphone ko saka ako nag GM.

“Ang ganda ng mata niya.

Makikita ko kaya ulit siya bukas?

*GM”

After nun, natulog na ako. Bukas na lang ako magb-blog, pagod na talaga ako ngayong araw.

***

“Ate, gising!”

“Hmmm..”

“Ate, gising!!” naramdaman ko pang may kumakalawit sa balikat ko.

“Eh ano ba, mamaya na!”

“Anong mamaya na? Eh anong oras na kaya! Alas dose na ng tanghali!” tapos narinig kong naglakad papalayo yung kapatid ko saka binalibag yung pinto.

Kinuha ko naman yung cellphone ko at tinignan ang oras. Alas dose na… nanlaki ang mata ko. Alas dose na! at agad na napabangon sa kama. Shemay, alas dose na! “Sheyt! Bakit hindi mo ako ginising kanina?!” sigaw ko.

Dumungaw naman ulit yung kapatid ko sa may pintuan. “Kanina pa tunog ng tunog ang alarm mo, hindi ka gumigising!” sagot niya pabalik.

“Ano ba, may interview ako ng 10am eh! Wala na! Hindi na ako naka-punta!” frustrated kong sagot.

“So kasalanan ko pa?” masungit niyang tanong saka sinara ulit ang pintuan ng kuwarto. Siyempre, sumigaw na lang ako out of frustrations at bumuntong hininga. Lately, napapansin kong palagi na lang akong bumubuntong hininga. Tch.

“So ano? Kamusta na dude?” tanong sa akin ni Leila, ang best dude ko (ayaw niya ng friends, dude daw para cool), sa cellphone.

“Okay lang, hindi ako nakapunta dun sa interview sana kaninang umaga. Nalate ako ng gising, hindi kasi ako makatulog kagabi.” Paliwanag ko habang naglalakad. As usual, papunta na naman ako dun sa lakeside. Wala naman kasing magawa sa bahay eh.

“Hindi ka na naman naka-punta? Eh kamusta yung kahapon?”

“Wala, walang kuwenta. Hindi ako nakapasa dun sa last step. Callsim yata ang tawag don.” Paliwanag ko.

“Ehm okay lang ‘yan! Sama ka bukas sa akin? Mag-a-apply ako eh.”

“Saan?”

“Eastwood.”

“Ikaw lang mag-isa?”

“Nope. Kasama ko yung dati kong classmates.” Tumango-tango naman ako kahit hindi niya nakikita.

“Nah, ma-op pa ako. Kung ikaw lang mag-isa sasama ako.”

“Oh I see, o siya, maya na lang ulit! May pinapagawa pa eh.” Saka niya in-end ang call. Nag GM din muna ako saka ko tinago ang cellphone sa aking bulsa. Tumunog-tunog pa nga, ibig sabihin may nagtext pero hindi ko na binasa. Mga GMs din naman ‘yon. Sabi ko nga, hindi ako mahilig makipagtext.

A Little Bit of Love [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon