ALBOL ~ Fourteen

267 11 7
                                    

“Naku Jeremy, hindi ko alam kung bakit, pero nagpapasalamat talaga ako na sumulpot ka bigla kanina!” bulalas ko kay Jeremy nang makaupo na kami sa bench.

“Walang anuman, kitang kita ko kasi na naiilang ka so I decided na lapitan ka na. Ex mo ‘yun?” tanong niya sa akin nang may halong mapang-asar na ngiti.

“Uhm, oo.” Tipid ko namang sagot.

“Nagkaroon ka na pala ng boyfriend?”

Medyo ako'y natameme. Naiilang ako sa usapan. “Ahm, yep. Actually, siya pa lang ang nagiging boyfriend ko.” Pag-amin ko sabay tungo. Nahihiya kasi ako eh, hindi ko alam kung bakit.

“PA lang. Ibig sabihin may balak ka pa?”

Napa-angat naman ako ng ulo sa tanong niya. Kung kanina nakakaloko ang ngiti niya, mas nakakaloko ngayon. “Ah,” nasambit ko. Gusto ko sanang sabihin na siyempre gusto ko pang magkaroon ng boyfriend! Pero parang ayoko na rin kasi.

“Uy joke lang, huwag mo namang seryosohin ang tanong ko. Binibiro lang kita,” sabay kurot sa aking pisngi.

Lub. Dub. Lub. Dub.

Napahawak agad ako sa dibdib ko. What is that?

“Pero Meryl, anong feeling?”

Bumalik agad ako sa realidad nung tinanong niya iyon. Bigla kasing sumeryoso ang mukha niya, hindi ko na naman alam kung bakit.

“Feeling ng ano, Jeremy?” tanong ko pabalik.

“Feeling ng makita mo ang ex mo ng may kasamang iba.”

Napa-‘aahhhh~’ naman ako sa utak ko. Ayun pala yung tinatanong niyang feeling. Akala ko naman tiinatanong niya yung feeling na kinurot niya ako sa pisngi.

“Ahm, sakto lang. Normal lang? Medyo kinabahan. Ganun. Bakit mo natanong?”

Umiling naman si Jeremy sa tanong ko sa kanya. “Wala, wala lang. Gusto ko lang itanong.”

“Nye. Ano kaya yun? Pwede kaya yung gusto mo lang itanong? Syempre may dahilan yun ano!” bulalas ko. Para kasing may tinatago siyang lihim. I can see it in his eyes!

“Hehehe,” napakamot siya ng ulo. “Gusto ko kasing malaman kung ano ang feeling na nakita mo yung ex mo na may kasamang iba. Gusto ko kasing malaman kung may naramdaman ka rin bang sakit nung makita mo silang magkaholding hands sa harapan mo. Gusto ko rin malaman kung gusto mo rin bang sapakin yung bagong kasama niya… kaya ko natanong.”

Natulala ako sa kanyang sinabi. Pero sa sobrang dami ng litanya niya, isa lang ang napansin ko. Bakit may ‘rin’? Ibig sabihin nagkaroon na siya ng girlfriend?

“Uy Jeremy, may laman ‘yang mga sinasabi mo ah? Bakit, nagkaroon ka na rin ba dati ng…” tumango-tango na si Jeremy kahit hindi pa tapos ang aking tanong. So. It. Means!!!

“Yep. Kaso hindi rin naman kami nagtagal. Pinagpalit niya kasi ako agad agad eh.” Ngumiti na naman siya sa akin, pero that time, hindi na full happiness, may halong konting lungkot.

“Bakit?” ang tanging reaksiyon na nasabi ko.

“I don’t know. Maybe I’m just not enough for her na pati best friend ko, minahal niya rin.” Seryoso niyang sabi. Nanlaki naman na ang mata ko sa aking narinig. Totoo? Ang saklap naman! “Pinapili ko siya kung sino ba sa aming dalawa ng best friend ko ang mas mahal niya. I was confident that she was going to choose me, but then mali ako. Akala ko lang na ako yung mas pipiliin niya kasi ako yung mas matagal na niyang kilala. Pero yung best friend ko ang pinili niya.” Ngumiti na naman siya. Medyo mapakla nga lang. “And that proves na hindi pala talaga nasusukat ang pagmamahal ng isang tao sa kung gaano na sila katagal na magkakilala or magkasama. May mga bagay talaga na hindi sapat para sa isang tao kaya naghahanap pa siya ng kanyang ikakukumpleto.”

Natahimik ako. Hindi ko talaga alam ang sasabihin. May ganun palang kwento si Jeremy! “I guess wala naman talagang contentment ang isang tao eh.” Bulalas ko.

“Yeah. Pero past is past. May dahilan naman siguro kung bakit ganun ang nangyari. Maybe we were not meant to be talaga so… ayos na sa akin. Gusto ko lang malaman kung ano ang mafe-feel ko kung magkita man ulit kami. After kasi nung day na pinili niya yung best friend ko, hindi ko na sila ulit nakita. Sakto, kinabukasan lumipat na kami ng Dad ko ng ibang lugar. So naisip ko na iyon talaga ang dapat mangyari kaya nangyari nga.”

“Pero what if… makita mo nga sila, anong gagawin mo?” tanong ko.

Medyo matagal bago siya sumagot. “Depende siguro sa mararamdaman ko. Kung galit pa rin ako, baka…”

“Baka mapatay mo sila??”

Napansin ko naman na biglang umangat ang ulo niya at saka humalakhak sa kakatawa. Hindi naman nakakatawa yung sinabi ko ah? “Ano ka ba! Siyempre hindi. Hindi ko naman magagawa iyon ano. Ikaw, ang cute, cute mo talaga!” saka kinurot ang akig pisngi.

“Aray ha! Masiyado mo na akong sinasadista. Kurot ka ng kurot!” palo ko naman sa braso niya.

“Anyway, maiba tayo. Kamusta ka naman?” biglang tanong ni Jeremy.

“Hindi ba dapat, ako ang nagtatanong sa’yo niyan kasi ikaw ang nagda-drama?” pang-aasar ko sa kanya. Nakita ko naman ang kanyang makinang na ngiti. Kakasilaw talaga!

“Ano ka ba, hindi ako nagda-drama. Naalala ko lang, pero okay na ako. Ikaw, kinakamusta kita about dun sa pagpasok mo ulit. Ano na ang balita? Nakapasok ka ba?”

“Hmm, ayos lang. Hindi ko pa nakukuha ang result. Siguro mga next week pa.”

“Good, at asahan mo na kapag doon ka na nag-aaral, gagabayan kita. Ako ang bahala sa’yo. Okay ba?” tumingin siya sa akin at saka kumindat. Talaga si Jeremy! Puro pa-cute!

“O shigiii. Sabi mo eh. Pero ayos ka na ah?” tanong ko ulit. Tumango pa siya at saka nag-‘okay’ sign. Kaso halata na hindi eh. Hindi rin pala siya marunong magtago ng true feelings.

***

Since boring, nag-open na lang ako ng blog. As usual, wala na naman magawa sa bahay. Ang boring talaga! Kung may yumayaman nga sa kaboringan, sigurado ako na ang nangunguna sa listahan.

Inabangan ko ang mga inaabangan ko na mag online. Kaso wala eh. Siguro mga busy yung mga palagi kong kausap kaya naisipan ko na buksan isa-isa ang mga blog nila. Nasa blog na ako ni Fartosart nang malaglag sa bibig ko ang tinapay na aking kinakain.

Mula sa dating plain na blog ay nagkaroon na ng sidebar picture, lalaki na nakatalikod! Pero hindi lang iyon! May pangalan na rin sa description niya.

Stanley.

Lalaki si Fartisart. Lalaki siya!

"Ay nuks! May picture at pangalan na siya sa blog niya oh! Tired of being anonymous?

-  owmgee

Sabi ko sa FM ko sa kanya kahit na medyo lumalabas na tinitignan ko talaga ang kanyang blog. Hindi ako umaasa sa sagot, kasi anong oras na rin ng gabi pero hindi nagtagal,umilaw na ng red yung tuktok ng message icon ko.

Nakangiti kong pinindot at binasa ang message. Walang iba kundi galing kay Stanley! Pero agad naman napawi ang ngiti ko ng mabasa ko ang laman.

"Ang liit mo pala sa personal ano?

-  fartisart

And omaygahd, paano niya nalaman na maliit ako? How? When? Maygulay!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Little Bit of Love [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon