ALBOL ~ Eight

423 12 1
                                    

Just wanna dedicate this part to ate Sars (Sarah) for sharing such a wonderful story, Bruises and Scars, a must read guys! :))) 

***

Love, love, love, loveeeee  ♫ ♪

Kinapa ko yung cellphone kong tumutunog. Umagang umaga, sinong tatawag ng ganito kaaga? “Hello?”

“Dude!!!!!” halos maitapon ko naman na yung cellphone ko sa sobrang lakas ng boses nung nasa kabilang linya.

“Dude! Bakit ka sumisigaw?” dilat na tuloy ako. Tsk!

“Eh kasi dude, may good news ako!” masayang-masaya niyang sabi sa akin, hula ko din nagtatatalon na din siya sa kung nasaan man siya ngayon.

“Aber ano naman?”

“Eh kasi, mags-start na ako next week! Ang saya-saya ko!”

Napairap naman ako sa ere. Ang ganda ng bungad niya. Heart broken pa nga ako nang dahil sa pag-aaply ko sa Makati na wala namang nangyari tapos may ibabalita pa siyang ganoon sa akin. Na-pa-ka-un-fair.  “Congrats dude!” medyo bitter kong sabi. Nag-inat pa ako at tumayo na mula sa pakakahiga.

“Ito naman, ang bitter naman ng pagkaka-congrats mo sa akin!”

“Heh, alam mo naman kasi tapos… aisht! Basta I’m happy for you. Teka nasaan ka nga pala ngayon?”

“Nasa daan pauwi. Daan ako diyan sa inyo mamaya. Lilibre ulit kita ng ice cream! Sige, see yah!”

“Hm, ingat.” Saka niya in-end ang call.

Napatingin naman ako sa orasan na nagsasabing alas otso na ng umaga. Bumangon na ako’t naghilamos. Kakain na lang ako all day.

***

Kakatapos ko lang maligo nang maisipan kong buksan yung laptop. As usual, nag log in ako sa FB at nakibalita sa iba. Tinignan ko din yun group naming sa FB nung college, may ibang mga posts na nagtatanong kung saan daw pwedeng mag-apply. Napangiwi na lang ako. Ang hirap pala talagang maghanap ng work. Bakit kasi umalis-alis pa ako sa dati kong work? Umiling ulit ako. Hindi puwedeng manghinayang. Nakaalis na ako.

Hindi nagtagal, nag-log out na din ako sa FB. Wala namang magawa eh. Nag log in na lang ako sa blog ko. Automatic na ngang tumingin ako dun sa message icon, nakita kong may mga nagmessage sa akin kahit papano. Pero wala sa kanila yung gusto kong mag-message sa akin. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hinahanap-hanap ko na yung pangalan nung Secret na ‘yon eh.

Binuksan ko ang blog niya’t nakita kong may mga bagong re-blog pictures. Siguro nag-online siya kagabi.Ang pinagtataka ko lang ay bakit hindi niya ako minessage. Ime-message ko na sana siya pero bigla namang tumunog ulit ang cellphone ko. Muntikan ko pa ngang masagi yung kape na nasa gilid ko kasi nagulat ako sa vibrate. Nasa bulsa ko kasi siya.

Mama calling…

“Hello, ma?”

“Oh hello, mag skype tayo bilis.” Saka niya in-end ang call. Napakunot noo naman ako, nag-sayang lang ng load. Naisip ko din na wala yung amo niya kaya mags-skype siya.

Nag log in ako sa skype at naghintay na tumawag siya. Agad ko naman pinindot yung “Answer with video” nung tumunog na.

“Hello…” medyo natawa pa ako nung sinabi nya ‘yon. Para kasing nasa phone lang.

“Oh ma, musta?” ganyan kami mag-usap.

“Ito mabuti. Wala yung mga amok o kaya nakakapagg-skype.” Saka siya tumawa. Sabi ko nga wala yung amo niya eh. “Oh anong inalmusal niyo?” tanong niya.

“Wala, tinapay lang saka kape. Tulog pa sila eh.” Since bakasiyon, super late ng magising yung mga kapatid ko. What an unhealthly lifestyle.

“Ahhh…” tumango-tango pa si Mama.

“Eh bakit nga pala?” tanong ko sa kanya. Alam ko namang may sasabihin siyang importante. Hindi naman siya basta-basta tumatawag eh.

“’di ba sabi mo gusto mong mag-aral?” nung binanggit niya ‘yon, medyo napanganga pa ako. Pero hindi ko na lang pinahalata na medyo nagkakaroon ako ng pag-asa.

“Oh why?” casual kong tanong.

“Gusto mo ba talagang mag-aral?” seryoso niyang tanong. Lalong tumataas ang pag-asa ko. Pero ayokong umasa kasi baka hindi naman yung inaasahan ko ang sabihin niya.

“Oo naman po. Bakit niyo natanong?” hindi ko din maiwasang hindi mapangiti.

“Nag-iisip kasi ako…”

“Nag-iisip na?” lumalapad na yung ngiti ko. Hindi ko mapigilan.

“Nag-iisip kasi ako kung kakayanin ko ba kung sabay kayong mag-aaral ni Rina.”

“Oo naman! Siyempre kakayanin! Hindi naman ako aasa lang sa’yo eh. May plano naman akong magtrabaho habang nag-aaral. Kakayanin ko ‘yon, basta suportahan niyo lang ako. Promise, pagbubutihan ko. Hindi ako magloloko, hindi ako lalaboy, hindi ako magbabarkada,” hindi naman talaga ako ganon. “promise, promise, promise!!”

Nakita ko pa siyang ngumiti sa camera. “O sige, mag inquire ka na sa school. Saan mo ba gustong mag-aral ulit?”

Medyo nag-isip pa ako. “Ah, hindi ko pa alam. Pero titignan ko. Hahanap ako ng school na medyo malapit lang para tipid sa pamasahe.” sabi ko pa.

“O sige, mag-inquire ka na bukas. Tapos text mo ako kung ano yung mga kailangan. Tatawagan na lang ulit kita. Baka biglang dumating yung amo ko eh. Ingat kayo jan, labyu!”

“Labyu too ma! Ingat din! Thank you po!!!” saka niya in-end ang call.

“Waaaaaaahhh!!!” nagsisigaw pa ako pagkaputol na pagkaputol nung tawag. Napapasok pa nga ng hindi oras yung kuya ko sa kuwarto.

“Anong nangyari??” nakakunot noo niyang tanong.

Natigil naman ako sa kakasigaw at saka ngumiti. “Hehe, wala lang.”

“Sus, kala ko naman kung ano na. Nakakabulahaw ka, tumigil ka nga.” Medyo galit niyang tugon.

“At least nagising kayo. Tanghali na kaya,” umirap na lang ako pero hindi pa din nawawala sa mukha ko yung ngiti. Kailangan kong ishare ang kasiyahan ko!

Nagpunta ako sa dashboard at nagsimulang magtype.

Eh ang saya! Haha, grabe, ang saya ko talaga. Makapunta nga muna ng favorite place at baka nandun si Mr. Painter ;)

Saka ko pinindot ang “Publish” button. Hindi ko na din hinintay na may magcomment o may magreact dahil wala naman kareact-react doon sa sinabi ko.

Agad akong tumayo at nagpalit ng pants at saka lumabas ng bahay. Medyo mainit pero gusto ko lang makita ang paborito kong lugar ngayon. Ang sarap ng magaan ang feeling. Pero bago ko pa man tuluyang patayin ang laptop ko eh may nakita akong nagcomment sa post ko kanina.

Ingat. ;)

Ewan, napangiti ako bigla. Si fartisart kasi biglang sumulpot eh sa dash ko eh. Ayun, naudlot tuloy yung pag-alis ko bigla. Nag-usap pa kasi kami.

A Little Bit of Love [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon