ALBOL ~ Nine

445 15 9
                                    

Dedicated to Kim, coz I simply love her as a friend and I love Kalye (miss ko na siya, gawan mo naman ng side story, please? hehehe :*)

*** 

Nice, so problem solved?

-       fartisart

Reply niya sa akin dun sa kinuwento ko. Nakuwento ko kasi na medyo masaya ako dahil sa sinabi ni mama. Pero hindi ko sinabi sa kanya yung totoong dahilan.

Yes. Medyo. Salamat sa advice mo ha? Kahit na wala namang naitulong. Haha!

-       owmgee

Literal naman akong tumatawa nung tinype ko ‘yon. Sa totoo lang wala naman talagang naitulong yung advice niya. Medyo umayon lang sa akin ang tadhana kaya nagbago ang isip ni Mama.

NP.

-       fartisart

“Ang tipid magreply.” Sabi ko na lang. Tapos naalala ko, ni hindi ko pa din pala alam ang pangalan niya.

Teka, bago ang lahat, ano nga palang pangalan mo?

-       owmgee

Halos mag-iisang linggo na kaming nag-uusap pero hindi ko pa din alam ang pangalan niya. Hindi ko nga alam kung lalaki o babae siya eh. Wala naman kasing nakalagay na information about sa kanya sa blog niya. Ang tanging nakalagay lang ay... “fart is art.”

Hindi nagtagal ay nagreply na din siya.

Secret. :P

-       fartisart

Sumandal ako sa upuan ko nung mabasa ko yung sagot niya. “Andugaaaaaa…” sabi ko pa. Ang duga talaga! Samantalang ako alam niya kahit papaano. Ahm medyo, kasi alam niya ang Initial ko.

Ang duga mo. Kahit initial mo lang, hindi pwede? :(

-       owmgee

May sad emoticon pa para maawa siya.

Sinabi mo na nga nung nakaraan eh. :P

-       fartisart

Nanlaki ulit ang mata ko. Sinabi ko na? Nung nakaraan? Agad agad akong nagtype. Bigla nga din akong kinabahan eh.

Sinabi ko? Alin? Saan? Kailan? :O

-       owmgee

Pagkapindot na pagkapindot ko ng send… umikot pa yung icon na ibig sabihin eh nagloloading. Ngayon pa bumagal ang internet! Inilapit ko pa yung mukha ko sa monitor ng laptop ko at nagdasal n asana bumilis kahit konti ang internet.

Medyo epektib naman yung dasal ko at nakita ko nang na-sent yung message ko sa kanya. Makalipas ang ilang sandali, nakita kong nagred ulit yung inbox icon ko.

Nag good night ka sa akin. Binanggit mo yung initial ko.”

-       fartisart

Nanliit pa yung mata ko nung mabasa ko yung sagot niya sa akin. “Nag good night ako sa kanya? Binanggit ko ang initial niya?” nagtataka kong tanong. At hindi pa nagtagal, parang nagflashback sa isip ko yung araw na unan ko siyang nakausap. Alam kong nag good night siya sa akin nun at sumagot naman ako.

“Good night din, S.”

Agad agad akong nagtype.

S ang initial mo? Ibig sabihin Secret talaga pangalan mo???

A Little Bit of Love [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon