ALBOL ~ Three

553 14 3
                                    

Bored na bored na ako.

Wala akong magawa ngayong araw. Wala yung kapatid kong babae, lumaboy sa kung saan. Wala din yung kuya ko, nasa tambayan nilang magbabarkada. Kaya naman ako lang ang nandito sa bahay, walang magawa.

Pinatay ko na ang laptop. Simula umaga pa iyon bukas nung magising ako. Kinuha ko naman ang cellphone ko at nagsimula na namang mag-GM. Walang nagreply. Kung kelan naman kailangan ko ng ka-text, walang nagrereply.

“Hello dude?” hindi ako nakatiis. Tinawagan ko na lang si dude.

“Oy dude? Napatawag ka?” narinig ko pang medyo maingay yung background.

“Busy ka ba? Teka, nasaan ka ba? Bakita parang ang ingay diyan sa lugar mo?” tanong ko.

“Tange! Nasa biyahe ako. ‘di ba may interview ako? Nagpare-sched kasi ako ng interview, alam ko kasing male-late ako eh.” Sagot naman niya sa akin, talagang ine-emphasize niya ang salitang “late”. Niimagine ko din ang mukha niya ngayon na nakangisi. Paniguradong ako ang pinatatamaan niya sa sinabi niya.

“O siya, good luck na lang sa interview mo!” saka ko binaba ang tawag. Naririnig ko pa ngang tumatawa siya sa kabilang linya bago ko in-end ang call.

Binuksan ko na lang ulit ang laptop at nag online sa blog ko. Tumingin-tingin na lang ako ng mga artblog. May nakita naman akong ilan.

Ang gaganda ng mga likha nila! Wala akong masabi. Ako din kaya makakapag produce ng ganitong klaseng masterpiece? Umiling ako. Siguro oo, kakayanin, kaso nakakatamad.

Finollow ko na lang silang lahat, kabilang na dun yung may url na: fartisart. Sa totoo lang natuwa ako sa url niya kaya finollow ko. Ang astig kasi eh. Naalala ko tuloy si Mr. Painter…

Speaking of Mr. Painter, nandun kaya siya ngayon?

Tumayo na ako at nagbihis saka lumabas ng bahay. Tutal wala naman akong ginagawa dito sa bahay, pupunta na lang ako doon.

Oo, sa lakeside ulit.

Nung dumating ako sa dating puwesto, may mga tao. Ang dami. Sobrang dami. Pero bigla na namang tumibok ng abnormal ang puso ko. May nakita kasi akong lalaki dun sa ilalim ng puno na pinagpuwestuhan ni Mr. Painter noon. Nakatalikod ulit siya sa puwesto ko. Yung damit niya checkered ulit, kaso color blue na. Yung built ng katawan, pareho din.

Baka si Mr. Painter ‘yon!

Dahan-dahan akong lumapit. Naka-ilang lunok pa nga ako ng laway ko bago maglakad. Paano kung siya nga ‘yon? Anong gagawin ko? Pagmamasdan ko na naman siya? Eh kung kausapin ko kaya?

Iniling-iling ko pa yung ulo ko. As if kakausapin ka niya?

“Meryl!”

Biglang natigil naman ang pagtatalo ng sarili kong utak nung may biglang tumawag ng pangalan ko. Tumingin ako sa lalaking nakacheckered na blue na nandun sa may ilalim ng puno, si… si Jeremy pala.

Nilapitan niya ako agad at ngumiti na naman siya. Pero hindi na masiyadong nakakasilaw ang smile niya, halos wala na kasing araw.

“Sabi ko na pupunta ka ulit eh.”

“Ha? Paanong…”

“Eh, hinihintay talaga kitang pumunta. Hehe.” Kinamot pa niya yung batok niya na parang nahihiya.

“Bakit naman?”

“Wala lang. Gusto lang kitang makita ulit.”

Kung maputi siguro ako, kitang kita na ang pagkapula ng mukha ko nung sinabi niya ‘yon. Mabuti na lang talaga at hindi ako maputi.

“So, bakit ka nga pala ulit nandito?” Ang tanga ng tanong ko. Sinabi na nga niya eh!

Pero imbes na sagutin niya na naman ‘yon, ngumiti na lang siya at saka naglakad papunta dun sa may upuan. Umalis na din yung ibang nakaupong mga kabataan dun bago ako dumating.

“Eh ikaw bakit ka nandito?” tanong niya. Naupo naman ako sa tabi niya pero hindi masiyadong malapit. Sakto lang.

“Wala, wala kasi akong magawa sa bahay eh.” Sagot ko. Bigla akong na-awkward. Bakit? Dahil hindi ako sanay makipag-usap sa strangers? Naisip ko na lang.

“Malapit lang ba bahay niyo dito?”

“Isang sakay ng tricycle.”

“Ahh…” nakita ko pang tumango-tango siya.

Bakit nga ba ako nakikipag-usap sa kanya? Eh paano kung masama pala siyang tao? Paano kung mamaya bigla na lang niya akong sunggaban at pagsasak-sakin na lang at itapon ang katawan ko sa—

“Bakit tulala ka?”

“Ha?” napatingin naman ako sa kanya. Natulala pala ako. “Wala, may iniisip lang.”

“Hmmm…” ngumiti siya ulit. Baliw ba siya? Ngiti ng ngiti? “Alam mo ba…” bigla siyang nagsalita.

“Ano?” tumingin ako sa kanya. Mukha naman siyang hindi masama eh. Guwapo, maputi, mukhang mayaman din.

“Alam mo ba, sabi ko dati, na dadalhin ko sa ganitong lugar ang babaeng mamahalin ko?”

“Ahhh…” ‘yon na lang ang tanging nasabi ko. Ang huling pagkakatanda ko ay hindi naman kami close. Pero bakit niya sinasabi sa ‘kin ito? Hindi ako sumagot. Kaya tumingin lang siya sa akin at saka ngumiti na naman. This time, hindi na kita ang ngipin. Nag-close smile lang siya kaya naman kitang kita na ang malalim niyang dimple.

Ang weird niya.

A Little Bit of Love [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon