ALBOL ~ Ten

379 12 1
                                    

Bumuntong hininga ako at medyo nanginginig na din yung kamay ko't nararamdaman kong basang basa na yung lapis na aking hawak. Siguro nga'y lukot na yung isang pirasong papel na hawak ng kabila kong kamay.

Pumasol ako sa room. May nakita akong isang babaeng nakaupo sa may gilid. Ngumiti siya sa akin nung makita niya ako. Syempre ngumiti na din ako sa kanya.

"Ikaw ba si Rose Meryl?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. "Hmm, maupo ka dun oh," tinuro niya yung isang bakanteng upuan at lamesa na katapat ang isang basket ng mga prutas.

Sinunod ko naman siya. Naupo na din ako at bumuntong hininga ulit. Sumilip pa ako sa may bintana at nakita ko si Jeremy na ngumiti sa akin kaya nginitian ko siya pabalik.

"So, para sa last test," tumayo na yung babae at naglakad papalapit sa akin. "Kailangan ko munang makita ang drawing mo before we accept you in this school." Paliwanag niya.

Ganito daw sa school na pinuntahan namin. Kailangan makita ka muna nilang magdrawing, ng kahit na ano, tapos saka nila sasabihin kung pasado ka. Bukod sa general exam may ganitong step pa bago ka nila tanggapin sa school nila.

Public school lang ito pero may ganun pang process. Hindi ko nga alam na may ganon pang process kapag FA ang kukunin mong course eh. Ang alam ko kasi wala naman.

"Ido-drawing mo lang naman yung basket na nasa unahan mo. It's up to you kung paano mo mabibigyang buhay yung basket. Pwede kang magdagdag ng subject. A girl, a table, anything. Basta dapat makita ko yung basket na may prutas sa drawing mo." Paliwanag niya. Tumango tango naman ako. "Sige, pwede ka nang magstart." Ngumiti ulit yung babae at saka bumalik dun sa pwesto niya kanina.

And again, nagbuntong hininga na lang ako.

Nagsimula na din akong mag-drawing. Nakangiti pa nga ako habang ini-stroke yung lapis sa papel. Lapis lang talaga ang kailangamg gamitin. Ikaw na daw ang bahala kung paano mo mabibigyang buhay yung drawing mo. Pero ang pinagtataka ko lang habang ginagawa ko yung drawing ay kung bakit ako lang mag-isa? Hindi ba dapat may kasabay ako kahit dalawa lang?

O baka nakapag enroll na yung iba?

After half an hour, natapos ko din yung drawing. Hindi pa nga ako kuntento pero wala ng oras. Isa pa, test lang naman ito. Pero kahit na test lang, binigay ko pa din ang 101% effort ko.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa nakaupong babae at inabot ang drawing ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin bago niya tinignan yung drawing ko.

Ngiting ngiti naman ako sa kanya. Alam kong hindi ako masiyadong magaling pero papasa naman ako sa pagdodrawing. Alam kong makakapasa ako at makakapag aral ako sa school na ito. Pero nawala yung pag-asa ko nung bigla kong nakita ang ekspresiyon ng mukha niya.

"Ahm..." sambit nung babae.

"Ah eh. Bakit po? May problema po ba?" Medyo nag-aalangan kong tanong. Yung itsura kasi ng mukha niya hindi maipinta eh.

"Uhm, are you sure you want to take this course?" Nakangiwi niyang tanong.

"Of course. Bakit niyo naman po natanong 'yan? Hindi po ba pasado yung..." pero hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang bigla niyang iniharap sa akin yung papel na hawak ko. "Hala... anong nangyari?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Miss, alam kong art din na maituturing ito but... this isn't what I expected you to draw." Sabi niya.

Medyo hindi ko na mga naintindihan yung mga sinabi niya sa akin dahil nakatingin na lang ako sa papel na nasa harapan ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi naman ganon ang ginuhit ko kanina.

A Little Bit of Love [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon