ALBOL ~ Six

453 7 0
                                    

Love, love, love, loveeeee  ♫ ♪

Bumuntong hininga muna ako bago sagutin ang aking cellphone. Love, Love, Love ni Hope ang aking ringtone. Wala lang, nagagandahan kasi ako sa ringtone na ‘yan. Halos ilang years ko ng ringtone ‘yan eh.

Your love’s a permanent distraction, a perfect interaction, a feeling so extreme ♫ ♪

Pinagmasdan ko pa ng ilang segundo yung screen ng cellphone bago ko siinagot. “Hello, ma?”

“Oh kamusta naman?” sagot pabalik ni Mama. Kinakabahan ako! Paano, nagtext kasi ako kagabi (tatlong araw na ang nakakalipas nung sinabi ni Leila na kausapin ko daw si mama) at sinabi kong may sasabihin ako sa kanya kaya tawagan niya ako. At ngayong kausap ko na siya, parang ayoko ng sabihin yung sasabihin ko.

“Okay naman po kami. Kayo diyan?” tanong ko muna pabalik.

“Ok lang din naman ako. Oh bakit ka nagtext? Ano ba yung sasabihin mo?”

Ayan na… nagtatanong na siya. “Ah eh…” napakamot pa ako sa ulo. “Mamaya na lang. Tawag ka na lang ulit.”

“Bilis na kasi, sabihin mo na. Marami pa akong gagawin.” Halata na din sa boses niya na medyo naiinis na siya. “Ano bay un? Busy ako bilis…” pero hindi naman siya galit. Alam ko naman kasing busy siya kaya wala siyang masiyadog oras makipag-usap.

“Ah kasi ano… nahihiya ako eh.” Once in a blue moon lang kasi ako mag open-up.

“Ano ba ‘yon?”

“Eh ano… kasi.. gusto ko kasi ulit mag-aral.”

Katahimikan. Medyo nagkaroon ng panandaliang katahimikan.

“Ha?” sabi ko nay un ang ire-react niya.

“Sabi ko gusto ko ulit mag-aral ng college. Kaso… ibang course naman.” Sabi ko. Sobrang kinakabahan din ako habang kausap si Mama. Parang may humahabol pa sa akin na mga kabayo sa sorbang kaba! Hindi siya nag-react kaya nagpatuloy ako ng pagsasalita. “Ahm, kaya ano—“

“Anak, alam mo naman na hindi ako nagtatae ng pera. Kung gusto mo, maghanap ka muna ng trabaho tapos mag-ipon ka saka ka mag-aral kung gusto mo talaga. Bahala ka… Alam mo namang magco-college na ang kapatid mo kaya hindi ko kayo mapag-sasabay blah blah blah…” sabat niya bigla kahit hindi pa ako tapos magsalita.

Oo, alam ko na ‘yon. Alam ko na din na ito yung mga sasabihin niya sa akin kapag sinabi ko na gusto kong mag-aral ulit.  Alam ko naman na magco-college na din yung bunso kong kapatid (kakagraduate niya lang nitong buwan) at hindi niya kakayanin na pagsabayin kaming dalawa. Ang akin lang, sana pinatapos niya ako sa pagsasalita. Gusto ko naman sabihin na okay lang sa akin kahit na hindi siya pumayag na paaralin ako ulit – I mean yung sa gastos. Gusto ko lang hingin ang approval niya sa plano ko. Magulang ko kasi siya, kailangan kong marinig ang side niya sa plano ko. Pero mukhang negative, sa pagkakasabi niya pa lang. Mabuti sana kung sinabi niya ay… “Ay maganda ‘yan! Sige payag ako, pero anak intindihin mo na hindi ako magbibigay ng pera sa pampaaral mo.” Pero hindi gaun eh, sinabi niya ang salitang… “BAHALA KA.”

Ang isa sa pinaka-ayaw kong salita kapag nagsasabi ako ng gusto kong gawin. Kasi parang sinasabi niya, “wala akong pakialam.”

“Sana maintindihan mo anak.” Saka niya in-end ang call. Napabuntong hininga na lang ako.

Negative talaga, sabi ko sa’yo eh!

Pero try mo! Yung iba nga wala talagang pera pero nakakapagtapos dahil sa sariling sikap eh!

Negative nga eh! Buti sana kung may approval kay niya nagsasabing… “I will cheer for you! Go! Go! Go!” Kaso wala!

A Little Bit of Love [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon