ALBOL ~ One

897 26 3
                                    

“Rose Meryl Alvarez?” agad akong napatingin sa tumawag ng pangalan ko. “Ikaw na ang next.” Ngumiti pa siya bago pumasok sa isang room.

Tumayo na ako. Breathe in, breathe out. Kaya mo ‘yan Meryl! Naglabas ako ng isang mahabang buntong hininga. Inayos ko pa yung medyo nalukot kong slacks bago tuluyang naglakad papasok doon sa kuwartong pinasukan nung babae kanina.

“Good morning, ma’am.” Agad akong ngumiti sa kanya.

Ngumiti din siya pabalik at tinuro yung upuan na nasa kanyang harapan. “Have a seat.” Dahil masunurin ako, umupo na ako.

“So, Rose Meryl is your name?” tanong nung nag-iinterview.

“Yes ma’am.” Sagot ko naman.

“18 years of age, already a vocational graduate.” Tumingin pa siya sa akin kaya naman tumango-tango na lang ako habang nakangiti. “So, why are you applying in our company as a call center agent?”

And the interview goes on.

***

“Thank you for applying. But I’m sorry to infrom that you didn’t pass the Call Simulation blah blah blah....”

Nage-echo pa din sa tenga ko hanggang ngayon yung sinabi nung interviewer sa akin. Hindi. Ako. Makapaniwala. Ang hirap pala!

“Plaza?” tanong ng driver.

“Meron po.” Sagot ko naman. Agad niyang hininto ang jeep sa may tapat ng plaza at saka ako bumaba. Muntik pa ngang sumabit yung takong ng sandals ko sa jeep kaya naman muntikan na din akong masubsob. “Leshe!” sigaw ko na lang. Naglakad na ako papunta dun sa may center nung plaza, madalas akong mag short cut dito kasi ang layo pa ng iikutan ko kung doon ako sa kabilang way dadaan.

Naisipan kong maglakad na lang kahit na… Ang sakit na ng paa ko kakalakad!

Napabuntong hininga na lang ako. Pagod na pagod na ako. Gutom na gutom pa! And I realized… Ang hirap palang maghanap ng trabaho! Pero actually, hindi naman ito ang unang beses na naghanap ako ng trabaho. Pero sabihin na lang natin na ito ang unang beses na sobrang nahirapan ako sa paghahanap ng trabaho.

Nagkaroon naman na ako ng work before, isang layout artist sa isang photobooth sa kalapit naming bayan. Tumagal ako ng mahigit kumulang kalahating taon sa trabaho na ‘yon.

Masaya naman ako noong una. Keyword: noong una. Hindi ko alam kung bakit habang tumatagal ay parang nagsasawa na ako sa ginagawa ko. Pakiramdam ko, kailangan ko ng ibang trabaho. Yung mas mag-iimprove ako, yung mas may matututunan ako, yung mas thrill. Kaya ang next na ginawa ko? I resigned.

I was aiming to be a call center after, kasi may background naman ako sa pagkausap sa phone. Ang daming nagsisitawagang call center companies sa akin. So that’s it, nag-apply ako.

But unfortunately, hindi pala ganon kadaling matanggap sa isang call center. Hay.

Nadaan ko na yung street na papunta dun sa bahay naming pero naisipan kong huwag muna umuwi. Kaya naman nilagpasan ko na siya. Gusto ko kasing dumaan muna sa lakeside, isang lugar kung saan maraming tao – pasyalan kasi – at lugar na mayroong masarap at preskong simoy ng hangin.

Actually, madalas ako sa lugar na ‘yon. Kapag malungkot ang mood ko, doon ako nagpupunta. Kapag masaya, doon din ako nagpupunta. But this time, neutral lang. Hindi naman ako malungkot at hindi din ako masaya. Nauupo na lang ako sa isa sa mga benches. Nakakatuwa, wala naman kasi dating masiyadong upuan sa lakeside. Ngayon, sobrang dami na. Ang laki na din ng in-improve nung lugar.

Nang makarating na ako, pinagmasdan ko na lang yung ulap. Medyo mataas pa yung sikat ng araw pero hindi naman masiyadong mainit dahil sa hangin. Isa pa, marami ding puno sa paligid kaya presko talaga.

Naupo na lang ako sa isang bench na medyo malapit sa isang puno dun. Nilabas ko na ang cellphone ko at nagsimulang magtype.

“Shemay, ang hirap palang maghanap ng work ano?

Anyway, have a good day! Kahit yung akin medyo hindi na good.

*GM”

Sabi ko na lang sa text. Mahilig akong mag send ng group messages. Minsan nga nagiging diary ko na ang inbox nila eh. After kong ma-send sa halos lahat ng nasa contacts ko yung message na ‘yon, tinago ko na ang cellphone ko sa bag. The fact is, mahilig akong mag send ng group messages, pero hindi ako mahilig makipagtext.

Bumuntong hininga ako. It’s not that I have problems. it’s just a sign that I am tired for the day. Nakaka-haggard kayang mag-apply! I was looking at the setting sun when I saw a guy, not farther from me sa may gilid. Nakatalikod siya sa akin kaya naman kitang kita ko yung ginagawa niya.

Halos mapanganga ako sa ganda. Super ganda nung painting! Yes, he’s painting!Simple lang yung painting, color orange lang and then may konting blue na nagsasabing ulap ‘yon but still, ang ganda! Tumingin pa ako sa paligid ko, wala ni ibang nakakapansin sa kanya, nasa may gilid kasi siya eh. Pinagmasdan ko lang… kung paano niya igalaw ang kamay  niya, kung paano niya paghaluin ang mga kulay.

And the next thing I knew, naglalakad na ako papalapit sa kanya. Hindi ko kasi maiwasan. Ang ganda talaga ng painting! Pinipinta niya ang sunset! Sobrang. Ganda.

Well let me tell you (again) something about myself. The thing I love the most is drawing.

Ever since I was a kid, sabi ko sa sarili ko dati na kailangan kong maging magaling sa pagdo-drawing. Nasabi ko pa dati na kapag kukuha ako ng course sa college, it would be Fine Arts or Architecture or Interior Designing. Pero fate is really funny, kasi nauwi ako sa Computer Programming.

Gusto ko din naman ang computers. Actually second choice ko siya nung pinapili kami ng courses nung high school. Pero dahil ayaw ni Mama na mapunta ako sa malalayong school, pinag-enroll niya ako sa isang college na malapit sa amin (isang sakay lang) na nago-offer ng 2-year-computer courses. And that’s why I ended up being a 2-year-computer programming graduate. Ang nakaka-stress lang na part ay wala akong work ngayon.

“Ang ganda.” Sabi ko ng mahina. Siguro hindi niya ako narinig kasi hindi naman siya tumingin sa direksiyon ko. Patuloy lang siya sa pagpinta ng sunset.

Seeing him move that paintbrush bring me back to the old days. Number one sa bucket list ko ay ang magkaroon ng chance na maipinta ang sunset sa beach. But since malayo naman ako sa beach at alam kong hindi na ako magkakaroon ng chance na makahawak ng paint brush (dahil wala akong pambili), tinanggal ko na siya sa listahan.

Pero nung makita ko siya, parang nagbalik lahat. Ngayon lang ako nakakita ng isang taong nagpipinta sa labas (pangarap ko din ‘yon!). Minsan kasi naisip kong nakakahiya na may dala-dala kang malaking canvas at maraming acrylic paints at brushes. Lalo na kung ilalabas mo na sila at magsisimula kang magpinta in public. That is one thing I cannot do. Hindi ako nakakapag concentrate lalo na kapag may nanonood sa akin sa ginagawa ko.

Napatigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano ng bigla siyang tumigil sa pagstroke ng brush niya dun sa canvas. Para siyang nakikiramdam. Siyempre, pinagmasdan ko lang siya.

Nakasuot siya ng black checkered na polo, nakatupi yung bandang baba kaya mukhang three-fourths na lang ito. Naka-cap din siya na color black. Ternohan mo pa ng faded jeans and red chuck taylor. Maporma siya, mukhang guwapo.

Pero hindi pala mukha. Kasi guwapo talaga siya, pero hindi naman siya super guwapo. But for me guwapo na siya. How did I know?

Humarap kasi siya bigla na siya namang naging dahilan ng pagkabog ng husto ng puso ko. Heh, hindi ako mahilig sa mga guwapo dahil hindi naman ako maganda. Oo, nagsasabi ako ng totoo, hindi nga ako maganda. Pero…

Shemay, hindi lang siya magaling magpinta. Ma-appeal pa!

A Little Bit of Love [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon