“Dude!” agad kong sigaw kay Leila nung makita ko siyang naglalakad papalapit sa akin. Kakapasok niya lang ng Dan Eric’s, ang favorite ice cream shop naming. Maski nung high school dito na kami madalas tumambay lalo na kapag gumagawa ng homework. May ilang tables kasi na nasa loob, pero maliit lang talaga siyang shop, siyempre puro ice cream at sweets ang tinda.
“Yo dude!” umupo na siya agad sa upuang kaharap nung akin. “Um-order ka na?”
“Hindi pa. Hinihintay kita eh, ‘di ba lilibre mo ako?”
“Hello, kailan pa ako nanlibre?” nanlaki naman ang mata niya. Never pa kasi siyang nanlibre kahit nung high school kami at kahit nung college! Palagi na lang ako.
“Hi, ngayon ka manlilibre dahil nakapasa ka sa interview!” sigaw ko naman.
Ngumiti siya ng nakakaloko. I knew it, nakapasa nga siya! “Okay, okay, anong flavor ng sa’yo?”
“As usual, ube saka cookies and cream.”
“Aba eh bakit dalawa?”
“Kasi nakapasa ka sa interview at ikaw ang nagsabing magkita tayo dito?” nakangisi kong sabi sa kanya.
Inikot naman niya ang mata niya ng 360 degrees bago tumayo. “Fine, fine. Hintayin mo ako.”
And yes! Sa wakas maililibre na din ako ni Leila! Medyo tumalon-talon pa ako sa upuan ko. Halos 5 minutes din bago siya bumalik sa lamesa namin kasi ang tagal niyang pumili ng flavor ng ice cream niya.
“Ang tagal mo, cheese din naman pipiliin mo sa huli.” Kinuha ko na yung ice cream sa may lamesa. Dalawang malalaking scoop yun ng ube and cookies and cream flavor.
“Gusto ko kasi matikman yung ibang flavor kaso parang ayokong tikman kasi parang hindi masarap.” Mahaba niyang sabi.
“So ano na?” tanong ko habang nakasubo yung kutsara sa bibig ko.
“Ayun, na-interview ako. Bukas magpapasa na ako ng requirements. Kakakuha ko lang ng NBI kaninang umaga eh. Grabe ang haba ng pila! Alas tres na nga ako umalis ng madaling araw nasa pang 100th pa ako!”
“Talaga?” ganon ba kahirap kumuha ng NBI?
“Oo, muntik pa nga akong umabot sa cut-off eh. Mabuti na lang hindi ako umabot.” Sumubo na din siya sa ice cream niya. “Eh ikaw? Kamusta naman ang paghahanap mo ng trabaho? Bakit hindi ka makapasa sa mga interview? Ikaw eh, aalis-alis ka sa dati mong work eh.” Umiling-iling pa yung ulo niya na parang nanghihinayang. Heto na naman siya sa pagpapagalit sa akin…
“Eh wala eh. Ikaw kaya ang gumawa ng bagay na hindi ka na nasisiyahan, tingin mo maipagpapatuloy mo pa ‘yon?”
“Hmm, depende. Kung kailangan ko ng pera siguro mapagtiya-tiyagaan ko na yung trabaho mo dati kahit na mababa ang sahod. Pero mukhang hindi mo naman kailangan ng pera eh…” sabi niya pa. “Sabagay, nasa ibang bansa naman ang mama mo.”
“Tsss, hindi ‘yon. Kahit na sabihin mo pang nasa ibang bansa si Mama, eh siyempre kailangan may work pa din ako. Alam mo namang ‘domestic helper’ lang siya dun ‘di ba?” in-emphasize ko talaga yung salitang domestic helper.
Minsan kasi, naiisip ng mga tao kapag may kamag-anak kang nasa ibang bansa ay mayaman ka na. Kung pwede nga lang sabihin sa kanila na… “hindi naman sila namumulot ng pera don para may maipadala lang sa amin” ay gagawin ko. Kaso huwag na lang, hindi naman ako tinatanong.
“Eh anong plano mo? Bakit kasi magca-call center ka? Mag-apply ka ng trabahong related sa course mo.” Suggestion ni dude.
“Dude, yung mga graduate nga ng 4 years sa ganong kurso ay mahirap makahanap ng trabaho, tayo pa kaya?”
BINABASA MO ANG
A Little Bit of Love [On Going]
Genç KurguSi Meryl Alvarez ay isang introvert at antisocial na babae -- pero nagbago lahat 'yon nang makita niya ang isang lalaking nagpipinta sa lakeside, nang makilala niya si Jeremy, nang makausap niya si Stanley sa internet at nang matupad ang pangarap ni...