ALBOL ~ Four

533 14 0
                                    

Hindi ko alam na pati pala lalaki ma-drama. May nakilala kasi akong isang lalaki kanina na nagda-drama about sa love life niya. Sabi niya, nangako daw siya sa sarili niya na baling araw, darating din daw yung babaeng makakasama niya sa panonood ng sunset. Siyempre, bilang ako ang kanyang kasama nung time na ‘yon ay nailang naman ako! Hello, pinapanood po naming ang sunset. Wish ko lang hindi niya naisip na ako nga yung biglang darating sa buhay niya. Like hello, ang corni. Hindi ko maimagine!

Saka ko pinindot ang “Publish” button.

Matapos sabihin sa akin ni Jeremy yung tungkol dun sa “babaeng biglang susulpot para sabay nilang mapanood ang sunset” eh hindi na ako nakausap. Bigla akong nailang sa moment, plus the fact na guwapo pa siya! Hindi naman kasi ako sanay na makipag-usap sa mga guwapo. Sabi ko nga, hindi naman ako ganun kagandahan. Mababa ang self confidence ko.

Nag-scroll, scroll pa ako sa dashboard ng biglang may um-appear sa notification na may nagcomment. Agad kong tinignan yung blog ko, may nag comment nga!

“Baka gusto niyang sabihin na ikaw na daw yung hinihintay niya.”

Halos nanlaki ang mata ko nung nabasa ko yung sinabi niya sa comment. Una, dahil hindi ko inaasahan na magco-comment siya. Pangalawa, Filipino pala si fartisart! Akala ko taga-ibang bansa siya. Wala kasing description sa kanyang blog, simpleng kulay puti lang at puro re-blog pictures lang ng mga drawings, paintings, masterpieces ng iba’t-ibang artist na hindi ko naman alam kung saan nanggaling. Pangatlo, finollow back niya ako!

Agad akong nagpunta sa blog niya at nagmessage.

“Eh, tingin ko hindi. Siguro trip niya lang sabihin sa’kin ‘yon. Ahm, oo nga pala! Thanks sa follow. Hindi ko alam na Filipino ka.”

Maya-maya, nag-reply naman siya sa akin.

“Walang anuman :)”

Halos limang minuto ko din pinagmasdan yung blog niya. Gusto ko pa sanang mag-message, pero ano naman ang ime-message ko sa sagot niyang “Walang anuman :)” ‘di ba? Kaya bumalik na ako sa dash at nag like na lang ng kung anu-anong pictures na makita ko.

Pero sa totoo lang, gusto kong tanungin kung anong panglan niya, saan siya nakatira at kung lalaki ba siya o babae. Pero parang magiging FC naman ako kung tatanungin ko yon, naisip ko na lang.

“Ano nga palang name mo?”

Hay. Hindi ako nakatiis.

Nag message ulit ako sa kanya. Mga sampung minuto pa siguro ‘yon bago siya nagreply. Nagtatalo pa din kasi ang isip ko kung magme-message pa ba ako o hindi na. Pero wala pang isang minuto ay sinagot naman niya agad ang message ko sa kanya.

“Secret.”

Halos mapaismid naman ako. Secret? Pa-mysterious effect pa!

“Oh hello Secret, ako nga pala si M.”Type ko naman na medyo natatawa pa. Magets niya kaya?

“I know, nakalagay sa description mo.”Sagot naman niya.

Sa mga oras na ‘yon, napasimangot ako. “Aba! Pilosopo! Malamang nakalagay ‘yon sa description ko!” bulalas ko pa. Madali pa naman akong  mainis. Hindi naman ako mababaw na tao pero…sobrang nakakainis kasi parang wala siyang kuwentang kausap. Pero bakit ko pa siya kinakausap?

Taga saan ka?” tanong ko ulit. Abnormal ako, naiinis ako, kinakausap ko pa.

Pero siyempre, ang sagot niya ulit ay… “Secret.”

“Secret ulit?” Ano ‘yon? Medyo naiinis na ako, wrong, inis na pala ako. “Ako na nga itong nagiging friendly!” Pero sino ba kasing may sabing maging friendly ka? Sagot naman ng utak ko. “Tch. Makapag log out na nga lang!” Pero siyempre hindi ako nag log out.

Hindi ko na lang siya minessage pa. Nakakawalang gana eh. Ang ginawa ko, kinuha ko naman ang cellphone ko. As usual, ako’y nag group message na naman. Ito lang naman kasi ang madalas kong gawin kapag wala akong magawa. Blog, GM, blog, GM, repeat the cycle. Parang nasabi ko na yata ‘yon?

“Nakakainis.

Good night na nga!

*GM”

Sabi ko na lang sa GM. May dalawa namang nag reply, wow! May dalawang nagreply! Minsan kasi wala talaga. Tinignan ko naman yung nagmessae. Si Leila yung isa at yung isa si Roy. Una kong binuksan yung kay Roy.

“Bakit naman naiinis? ;)”

Napangiti ako ng mabasa ang reply ni Roy. Bihira lang kasi siyang magreply at magparamdam sa text eh. At… nasabi ko na bang crush ko itong si Roy? Pero nung college lang. Ngayon wala na, iba kasi ang type niya eh. Hindi naman ako masiyadong martyr para magkagusto pa sa isang taong hindi naman ako gusto. Ehem.

“Wala nman, sige matulog ka na. Gabi na oh.” Reply ko naman sa kanya, medyo kinikilig-kilig pa ‘ko. Pero after kong ma-send ‘yon, medyo naghintay ako ng reply kahit na alam kong hindi na siya magre-reply. Umaasa ako kahit konti na magrereply pa sya. Pero hindi na. Ano pa bang aasahan ko? Isang tanong, isang sagot ‘yong si Roy eh!

Binasa ko naman yung reply ni Leila. “Bakit na nman dude? May kaaway ka na naman?” sabi niya. Napangiti din ako.

 Palagi na lang niya ‘yon sinasabi kapag nag-GM ako ng naiinis ako. Kasi alam niyang palagi kaming nag-aaway ng kuya ko dito sa bahay. Kaya sa blog at GM ko nilalabas ang lahat. Siya lang naman ang nakakaalam ng pag-aaway namin, wala naman care sa akin yung iba kahit pasabugin ko na ng group messages yung inbox nila eh.

“Wla, wla aqng kaaway. Nkkainis lang ung kausap q sa blog ko kanina. Gnda sumagot eh!!!!” dinamihan ko na yung exclamation point para exaggerated.

“Wehhh, sure ka dude? Bka nagbubugbugan na naman kayo ng kuya mo jan ah. :P” biro pa niya. Natawa naman ako, tumingin pa nga sa akin yung kapatid kong babae na parang sinasabi ‘nababaliw ka na’ kasi tumatawa na lang ako bigla.

“Huy ndi ah. Good gurl na ‘to dude. Nga pla, kamusta ang interview mo?”

“Ay, bukas ko ikukuwento! Kita tayo sa D.E. good nyt na! Matulog ka na! Huwag ka nang magpuyat sa pagbBlog ha! Nyt dude! :*”

“Sige, goodnight dude!”

Napanguso na lang ako, hinagis ko na din yung cellphone sa tabi ng kama. Papatayin ko na sana yung laptop ng makita kong may nag message na medyo nagpa-abnormal sa tibok ng puso ko.

Good night, M.

Si Secret! I mean, si fartisart. Pero bakit kailangan mag react ng ganon ang puso ko?

“Good night din, S” reply ko sa kanya -- nagbabakasakali na maiisip niya kung bakit letter ‘S’ yung sinabi ko – at pinatay ko na din ang laptop. Nahiga na ako sa kama at nag-isip. Then I realized…

Ang weird ng mga nangyari ngayong araw. Bukas kaya magiging weird din?

A Little Bit of Love [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon