“San ka pupunta?” Inaayos ko yung buhok ko nung nagtanong sa akin ni Rina.
“As usual, maga-apply na naman.” Sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at saka ngumiti.
“Well, goodluck!” nugmiti din ako pabalik sa kanya saka siya lumabas ng kuwarto.
Si Rina, gaya ng sabi ko, siya ang bunso naming kapatid. Halos dalawang taon lang ang pagitan namin at sa iisang paaralan kami nag-aral. Mas nauna nga lang ako palaging guma-graduate. Sa lahat ng kapatid ko, siya lang ang pinaka-close sa akin. Yung tipong siya lang ang mas madalas kong kausap; madalas na makasama; at madalas na makasundo kahit na minsan nag-aaway kami. Siguro dahil sa hindi nagkakalayo ang edad naming kaya ganon. Pero alam niyo bang sobrang magkaiba kami?
Kung ako introvert, siya extrovert. Mahilig siyang lumabas ng bahay, mahilig akong magstay sa loob ng bahay. Marami siyang kaibigan, bilang lang yung akin. Palagi siyang may lakad, ako naglalakad lang pabalik-balik sa refrigerator. Magastos siya, ako hindi. Basta, magkaiba kami.
“Alis na ako.”
“Anong oras ka makakauwi?” tanong niya.
“Hindi ko alam eh. Pero maaabutan ko ang dinner.” Sabi ko na lang. Hindi naman siguro ako aabutin ng hanggang gabi sa paga-apply ‘di ba?
Hah, ito na naman ako sa pag-a-apply. Actually pangatlong beses pa lang naman ito at parang tinatamad pa ako. Kung hindi na lang kaya ako tumuloy? Ako’y napailing. Hindi pwede, kung gusto kong mag-aral, kailangan makaipon muna ako!
Ang destination ko ngayon ay Makati. Take note: ito ang first time kong pupunta don. Paano kung maligaw ako? Oh well, bahala na…
Halos isang oras at kalahati din ang tinagal ng biyahe ko. Halos isang oras din akong naghintay ng masasakyan. Bihira lang ang FX na pa-Makati ng mga alas dies ng umaga. Puro puno na siya at ang tagal pang dumating. Luckily for me, may dumaang FX na may space pa. Nakipag-unahan pa nga ako dun sa lalaki. Mabuti na lang hindi ako nakaheels, may heels pero maliit lang. Kung hindi, malamang siya ang makakasakay don. Hindi siya gentleman! Palibhasa hindi ako maganda. Tsss.
Pagkababang pagkababa ko naman sa Makati ay napanganga ako. Ang. Daming. Malalaking. Buildings! Hindi pa naman ako sanay na ganoon ang environment. Feeling ko ang laki kong tanga sa lugar! Argh!
Ang dami din palang nangharang sa akin – yung mga nagbibigay ng flyers na sabing mag-apply sa company nila. Kaya naman pinatos ko na. Sayang ang punta ko kung hindi ko itatry.
“Just wait for our call. Thank you for applying!”
“Okay, thank you.” Ngumiti pa ako bago tumayo at naglakad papalabas.
“Hay,” buntong hininga ko. Umiling iling pa ako na parang natalo sa lotto. Ayan naman sila eh, pagmamaktol ko. Sabing tatawagan tapos hindi naman tatawagan. Malaking paasa!!!! Kung pwede nga lang sumigaw ako ay ginawa ko na. Kaso, hindi naman puwede ‘yon. Kaya ang ginawa ko, nagbuntong hininga na lang ako ulit.
Uuwi na nga lang ako!
Love, love, love, loveeeee ♫ ♪
“Hello?” sinagot ko yung phone.
“Hi dude! Musta?” Si Leila pala. Hindi ko man lang tinignan sa screen kung sino yung tumatawag.
“Heto, bito again.”
“Ha? Paanong bigo?” nagtataka niyang tanong.
“Haaay, nag-apply ako dito sa Makati. Pauwi na nga ako eh. Parang wala namang interesado sa akin.” Nakasimangot kong sago sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Little Bit of Love [On Going]
Novela JuvenilSi Meryl Alvarez ay isang introvert at antisocial na babae -- pero nagbago lahat 'yon nang makita niya ang isang lalaking nagpipinta sa lakeside, nang makilala niya si Jeremy, nang makausap niya si Stanley sa internet at nang matupad ang pangarap ni...