ALBOL ~ Twelve

257 9 0
                                    

Medyo madami ring nangyari nung araw na 'yon. Nagkuwentuhan pa kami ni Leila ng kung anu-ano at nasabi niya sa akin kung gaano siya ka-excited na magstart sa work next week. Buti pa nga siya magsisimula nang kumita ng pera samantalang ako magsisimula ulit sa umpisa. Pero okay lang, gusto ko naman ang gagawin ko kaya pabor na pabor na sa akin kahit magback to zero pa ako.

Sa dinami ng nangyari, siyempre hindi mawawala yung nag open ako ng aking blog. Para kasing hindi kumpleto kapag hindi ako nakapag log in at nakapagkuwento ng kung anong nangyari. Kinuwento ko yung pagsama ni Jeremy sa akin, yung pagpunta ni Leila sa bahay, pero siyempre hindi na yung pinag-usapan naming, at kung anu-ano pang weird na nangyari ngayon araw.

Nakaupo na ako't kakapublish ko lang ng post ko nung makita kong nagpost din si fartisart (yun pa din ang tawag ko sa kanya dahil hindi pa ako sanay na tawagin siyang S). Medyo nanlaki pa nga ang mata ko at medyo kinabahan din ako nung mabasa ko kung ano yung pinost niya.

"Ang cute niya talaga. ;)"

Hindi ko alam kung bakit ganon ang reaction ko nung mabasa ko 'yon. Pero siyempre dahil sa medyo feeling close ako ay minessage ko agad siya.

"Uyyy, sino naman 'yun? ;)"

-       owmgee

Fan mail na lang ulit para hindi mas madali magreply. At hindi naman nagtagal ay nagreply na siya sa akin.

"Secret. :P"

-       fartisart

Nako, ayan na naman po siya sa secret, seceret niya. Tssss. Pero siyempre hindi naman don agad natatapos ang usapan namin. Kaya nagtanong pa ako.

"Girl or boy? :)"

-       owmgee

Kung ayaw niyang sabihin kung sino, itatanong ko na lang kung anong kasarian nung sinasabi niyang cute. Ngiting ngiti pa nga ako habang naghihintay ng reply niya eh.

Malay natin kung dun ko na malaman ang kasarian niya 'di ba? Hakhakhak. 

Naisip ko pa. Pero ang weird dito ay kumabog ng bonggang bongga yung dibdib ko (mas bongga pa sa naramdaman ko nung nakita ko si Mr. Painter) nung nabasa ko ang reply niya. Kaya naman ngayon (medyo) alam ko na kung ano siya. Ang sabi niya kasi...

"Babae siyempre. :)"

-       fartisart

Kung babae ‘siyempre’ ang tinutukoy niya dun sa post niya, baka lalaki siya? O hindi naman kaya isang tomboy.

"Ay ganun? :)"

-       owmgee

Ang nasabi ko na lang pabalik sa kanya. Medyo may pagkailang pa nga yun eh. Ngayon nalaman kong tama ang sinabi niya sa akin. Baka nga mailang ako kung malalaman ko ang totoong kasarian niya. Tho hindi ko naman totally nalamab eh parang naiilang na ako. Eh kasi, may tendency na lalaki pala siya. Meron din namang tendency na babae pala siya na mahilig sa mga cute na babae. Eh kasi may ‘siyempre’! It means nacu-cute-an lang siya sa mga babae.

Pero kung papipiliin, mas gugustuhin ko na yung una. Mas maiilang ako kung yung pangalawa. Sorry naman. Nakakailang kasi talaga eh.

Nung gabi na 'yon, hindi na siya nagreply. Na feel din kaya niya yung ilang ko? Naisip ko pa. Pero bakit ngayon pa siya maiilang eh all this time alam naman na niyang babae ako.

A Little Bit of Love [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon