"Hello?"
"Hello dude! Nasaan ka? Papunta ako sa inyo eh."
"Hala dude eh wala ako sa bahay. Kasama ko si Jeremy nga--" pero hindi pa ako tapos magsalita ay bigla na lang siyang tumili.
"Ayeeee," napasimangot naman tuloy ako bigla. Siguro kung magkasama kami ni Leila, malamang sinusundot sundot na niya yung tagiliran ko.
Agad ko din tinakpan ang bibig ko kasama yung cellphone at bumulong. "Hoy Leila anong ina-ayeee, ayeee mo diyan."
"Walaaa langsss. Eh kasi magkasama kayo ng Jeremy mo!"
"Tsss, sabi niyang hindi ko Jerem--" napatigil naman ako bigla kasi nakita kong papalapit si Jeremy sa akin na may dala-dalang dalawang baso ng juice. "Oy dude, later na lang ha?"
"O sure! Enjoy your date! Hihihi"
Saka siya tumawa na parang mangkukulam. Magsasalita pa sana ako at sasabihin kong hindi kami nagde-date ni Jeremy nang bigla niyang in-end ang call. Isa pa, hindi ko na din sinabi kasi biglang umupo si Jeremy sa tabi ko.
Bigla na naman akong na-conscious kasi biglang nasa amin na ulit yung tingin yung ibang tao dun sa loob ng campus.
Paano ba naman kasi, sikat naman pala itong so Jeremy sa school na pinuntahan namin. Take note, isang taon pa lang siya dito sa school na ito pero sikat na siya! Iba talaga kapag guwapo ka eh. At kaya naman pala sabi niya na doon na lang daq mag inquire ay dahil doon din siya nag-aaral.
Ngiting ngiti nga siya nung nalaman ko yun eh. Parang timang lang 'di ba.
"Ikaw, bakit nga hindi ko sinabi na dito ka pala nag-aaral?" Tanong ko.
"Hindi mo naman kasi tinatanong." Nakangiti niyang sagot sa akin.
Natigilan naman ako nung sinabi niya 'yon. Oo nga, ako'y napaisip. Hindi ko nga pala siya natanong. Parati na lang kasing siya yung nagtatanong at nagdadala ng usapan tuwing nagkikita kami sa lakeside.
Ngayon ko lang narealize, na marami na siyang nalalaman tungkol sa akn samantalang kaunti pa lang ang nalalaman ko tungkol sa kanya.
"Teka, ano nga palang course mo dito?" Tanong ko.
"Yung gusto mong kunin na course."
"Talaga?" Ako'y nagulat. "Mahilig ka din don o napilitan ka lang?" Tanong ko ulit.
Ngumiti siya ulit at tumingin sa harapan niya. Ah, nasa third floor nga pala kami at tanaw namin ang garden sa ibaba. Katatapos lang namin mag inquire at nilibot niya ako sa buing campus.
"Siyempre gusto ko. Ito talaga yung gusto ko eversince. Ayaw ko kasing gumawa ng bagay na hindi ko naman gusto." Bumalik siya ng tingin sa akin nang nakangiti na naman.
Uy, halos pareho kami ng pananaw sa buhay.
"Hmmm, I see."sagot ko habang tumatango-tango pa. "Pero anong year ka na?"
"Third na."
Ngumuso pa ako bago mag react."Ow." At parang mali yata yung tono ng pagkakasabi ko nun.
"Pero don't worry," Tumingin ulit siya sa akin at inakbayan pa ako. Nakakagulat nga eh. Napatingin din ako sa paligid kasi baka may makakita. Usually kasi sa mga napapanood kong ganito ang sitwasyon (yung sikat yung friend mong boy at hindi ka ganun kagandahan) ay may susugod sa'yong fan girls niya. But fortunately wala naman. And hopefully sa pasukan wala din.
"Magiging 2nd year irreg ka kung mag eenroll ka dito. Parehong panghapon ang sched natin kung magkataon kaya mababantayan kita." Sabi niya. If makapasa ako sa entrance exam nila sa school, magiging panghapon ako kasi yun ang schedule ng mga second year irreg at third year.
BINABASA MO ANG
A Little Bit of Love [On Going]
Teen FictionSi Meryl Alvarez ay isang introvert at antisocial na babae -- pero nagbago lahat 'yon nang makita niya ang isang lalaking nagpipinta sa lakeside, nang makilala niya si Jeremy, nang makausap niya si Stanley sa internet at nang matupad ang pangarap ni...