AAKFKD 37

444 15 9
                                    

Zackrey's POV

Bullshit!!! Naunahan nanaman ng init ng ulo kaya ko nasumbatan si Alx.

Nilabas ko lahat ng galit sa pagsuntok ng manubela.

Nang biglang may kumatok sa pinto at pilit na pinapabukas.

Si Kuya Xandro...

Kaya naman binuksan ko at kinagulat ko ng halakin nya ako sa kwelyo.

"Bakit mo pinaiyak ang kapatid ko huh?!"

Di ako sumagot kaya naman sinuntok nya ako at napaupo ako sa sahig sa lakas ng suntok nya.

Patuloy nya lang ako sa pagsuntok at ako naman di na gumanti dahil alam ko kasalanan ko din at lasing din sya.

"Tarantado ka!"

Nagdurugo na ang labi ko at may mga ilang pasa na din. Pero hinayaan ko lamang sya.

"Sir Xandro!!!" Awat nya sa dumating na guwardya nila sa bahay.

"Ano di ka gaganti?! Duwag ka Zackrey!" Rinig kong sabi ni Xandro

Oo duwag na kung duwag. Noon na akong naduwag para sa mahal ko pero di ko alam hanggang ngayon duwag parin pala ako.

"Manang Helen! Yaya Cecil! Yaya Linda!!! Tulong ho!" Sigaw ng guwardya

Nang dumating si Manang Helen ay pinatawag niya kay Yaya Cecil si Alx.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang boses ni Alx.

"Kuya! Tumigil ka na!"

Yun na huli narinig ko sakanya at hinimatay na ako dahil na rin siguro sa pagod at sa pagkakasuntok saakin ng Kuya nya.




Alexandra's POV

Sa pagiyak ko rito sa kwarto ng sandali ay nakarinig ako ng maraming katok sa pinto.

"Mam! Mam Xandra!!! Si sir Xandro po sinusuntok si Sir Zackrey sa labas! Di po namin maawat si Sir!"

Sa narinig ko ay bigla nalaman akong napatayo at tumakbo papalabas at nakita ko si Kuya na panay ang suntok sa asawa kong nakahandusay na sa may sidewalk.

"Kuya! Tumigil ka na!" Sabi ko sabay takbo sa kinakaroonan nila.

Hinatak ko ang braso ni Kuya at pinaalalay sya sa guwardya namin at pinapasok sa loob.

At tinuon ko ang pansin si Zackrey na maraming pasa at nagdudugo ang labi.

"Shet! Zackrey wake up!"

Ginigising ko sya baka kasi na bagog yung ulo nya at di sya pwedeng matulog.

"Yaya Cecil patawag si Kuya Pat! Ihanda nyo ang kotse bilis!"

Tumakbo na si Yaya Cecil.

"Zackrey! Gumising ka!" Iyak na ako ng iyak

"Zackrey!" Niyuyugyog ko na sya para magising

Napayakap nalng ako sakanya at umiyak...

Ilang sandali sa pag kakayakap ko sa kanya at naramdaman ko nalng na may humaplos ng buhok ko. Kaya naman napatuwid ako at nakita ko syang gising.

"Zackrey!" Niyakap ko sya at umiyak

"Bakit ka umiiyak? Di pa naman ako patay"

"Tumigil ka! Di nakakatuwa. Alam mo bang muntikan ka nang mamatay? Bakit di ka lumaban?"

Ang Asawa ko Fangirl ko din!?! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon