AAKFKD 26

594 14 4
                                    

Zackrey's POV

Nagising ako ng maaga dahil nasanay na din siguro tong katawan kong gumising kahit na kulang pa ang tulog. Gusto ko nga sanang tawagan si Alx kaso madaling araw pa eh. Napastrech strech ako ng katawan. Napansin ko ang dumi na pala ng condo ko. Wala pa man akong ilang linggo ditong natutulog ang gulo na sa condo ko.

"General Cleaning! Aja!!!" Napa fist ako at tinaas ito

Sinimulan ko muna dito sa hinihigaan ko na halos malunod na pala ako sa mga dami ng damit na nakapalibot sa kinahihigaan ko kanina. Hinagilap ko muna yung laundry basket ko at dun pinaglalagay lahat ng mga madudumi kong gamit. Pagkatapos ko sa kwarto sa sala naman na di na arrange ang mga gamit tapos susunudin ko ang kusina at cr.

Fastforward...

Natapos din sa pag gegeneral cleaning sa bahay. Nakinang na ang buong condo ko. Napatingin ako sa wallclock ko. Maaga pa naman pati di pa nag tetext sakin si Joaquin kung anong oras checkup ni Cess. Maliligo muna ako.

"Asan na ba yung tuwalya ko?" Sabay kamot ko sa ulo

"Masyado ko atang naiayos ang condo ko kaya pati mga ginagamit na itabi ko. Tsk tsk" tuloy pa din ako sa paghanap ko

Ayun! Nakasabit lng pala sa may likod ng pinto ko.

Time check: 7:12am

Di naman ako matagal sa cr.
Binuksan ko na yung gripo sa bathtub para makapagipon ng nang pangligo. Nang tama na yung ipon ng tubig sumalampak na ako sa bathtub. Hayyyy nakakarelax talaga to. Napapikit nalng ako sa relaxation na naramdaman ko. Pampatanggal stress sa trabaho.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Nako! Nakatulog ako sa bathtub. Ano na kayang oras?!?! Nagpadali akong magbanlaw. Paglabas ko ng cr napatingin ako sa wallclock. Shet! 10:59am na! Nako! Baka naghintay sakin si Joaquin magreply at si Cess. Nako!

Madali akong nagbihis at napatingin ako sa phone ko. Tsk tsk ito na nga ba sinasabi ko eh!

FROM: JOAQUIN

Bro! 11am appointment ni Cess sa OB nya. Sunduin mo nalng sya sa bahay nila nasabi ko na rin naman kila Tita na ikaw ang ipapasama ko sa kanya. Pati alam mo naman na bahay nila diba?

Di ko na sya nireplayan kasi alam ko namn na bahay nila pero Like shet! Aabot kaya kami sa appointment nya! Hay! Madali akong kinuha ang wallet at susi nng kotse sabay takbo sa parking lot nitong condominium na tinitirhan ko.

Buti nalng at di gaano trapik pero late parin kami sa appointment nya. Nasa tapat na ako ng bahay nila. Bumaba na ako ng kotse at nagdoorbell. Si Tita ang nagbukas. Barkada na rin naman kasi namin tong si Cess noon pa kaya kilala na din ako ng magulang nya lalo na eh bestfriend ako ng boyfriend nito.

"Zackrey, Ikaw ang sasama kay Cess magpacheck up?" Sabi ni Tita habang binubuksan ang gate nila

"Ah opo, di po ba nabanggit ni Cess sainyo. Si Joaquin po kasi-----"

"Di pa kasi nya tanggap."

"Ah tita di naman po ganon....... Marami lng inaasikaso si Joaquin ngayon kaya napagbilinan nya ako na baka ako muna po ako sumama kay Cess sa checkup nya"

Tsk tsk nako Joaquin pag nakita tayo. Babatukan kita ng marami sa kabayaran ng pagtatanggol ko sayo. Ayaw pa kasing tanggapin na magiging tatay na.

Lumabas na si Cess ng bahay nila.

"Hi Cess, Tara na? Baka late na tayo masyado sabi kasi ni Joaquin 11am check up mo pero mukhang mareresched kasi late na tayo."

Ang Asawa ko Fangirl ko din!?! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon