AAKFKD 32

483 12 8
                                    

Author
BTW guys forget about the "engineer thingy" basta ang tinake na course ni Zackrey kay Business Ad. Okay?

Alexandra's POV

Lumipas ang ilang linggo. Naicelebrate na din namin ang birthday ni Xander without Zackrey, Dahil hindi na daw sya pwedeng mag absent dahil halos linggo-linggo nalng daw sya nagleleave at nagagalit na ang director at ibang staff dahil sa pag absent nya. Nahuhuli kasi sa pag eedit.

Nakakalungkot man pero iniintindi ko nalng sya dahil parte yun ng trabaho nya. At tumutupad ako sa pangakong susuportahan ko sya kahit anong mangyari.

Katulad nalng ngayon nandito ako sa tapat ng TV at nanonood ng teleserye nya kasama si Cess na kain ng kain ng mangga. Di pa talaga sya tapos sa paglilihi stage.

By the way, bago pa man kami umalis papuntang Malaysia ay nakalipat nadin sila ni Joaquin rito sa bahay namin ni Zackrey. Masaya naman silang kasama atleast may nakakausap na ako dito sa bahay di tulad noon.

"Xandra!!! Ayan na oh! Si Lenette Juanson pala ang kaLT nya!!!" Sigaw ni Cess nakapagpabalik sa wisyo ko.

Napatutok naman ako sa TV.

Lenette Juanson, ang ganda nya kumpara saakin. Successful at disenteng tignan. Buti pa sya nakakasama nya ang asawa ko halos araw-araw. Nakakadown man isipin pero ang layo nya sakin. Para pang level 5 lang ako talaga sya level 50.

Iniisip ko palang na baka ipagpalit ako ni Zackrey sakanya ay nasasaktan na ako. Alam kong maling magisip ng ganto pero hinaharap ko lang ang katotoohan na pwedeng mangyari yun lalo na't lagi silang magkasama.

"Oy! Xandra? Okay ka lang?" Sabi nya sakin

"Oo okay lang ako. May iniisip lang ako"

"Nako! Wag mo nang isipin yan. Tara mag luto nalng tayo ng hapunan. Tapos na rin naman tung teleserye nya" sabi nya sabay hila sakin dala-dala ang patitong pinaglagyan ng mangga nya.

"Ano naman ang lulutuin natin?"

"Giniling nalng! Ako na magluluto paki tulungan mo nalng ako ah. Nananakit na kasi ang balakang ko"

"Ilang month na ba yan?"

"Kaka 4 lang bakit?"

"Sure ka bang isa lang yang laman nyan? Bakit parang ang laki naman masyado nyan at parang kambal pa"

"Lalaki kasi siguro kaya mabigat at malaki." Sabi nya habang nag hahanda ng paglulutuan

Tumango nalng ako at tinulugan sya sa pagluluto.

"Cess, matagal mo na bang kabarkada si Zackrey?"

Ang Asawa ko Fangirl ko din!?! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon