AAKFKD 48

432 12 24
                                    

Zackrey's POV

Hindi ko alam kung ilang araw ako nakahilata dito sa kama ng ospital.

Ang sakit...

Hindi sa pagkakasalpok at pagkakatilapon ko kung hindi sa pag alis ni Alx.

Hindi ko kayang mawala sya. Sa pagkakataon na to hinding-hindi ko na kakayanin pang maiwan at mawalan.

Agad akong tumayo sa pagkakahiga ko.

"Zackrey! Wag ka munang tumayo" saway sakin ni Lenette na hinawakan pa ang braso ko.

Nakasemento ang leeg ko at ang kaliwang braso at ramdam kong may nakabenda pa sa may noo ko.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko at natulak ko sya

"S-sorry" nauutal nyang sabi at bakas na maluluha na sya.

"Wag kang magpakita sakin na ikaw pa tong nakakaawa! At wag kang magtaka kung bakit naging ganto ang pakikitungo ko sayo! Sa simula palang naman ikaw na ang may kagagawan nito! Bwisit! Lumabas ka dito!" Sigaw ko sakanya

At maluha-luha syang lumabas agad.

Naiyak na lang ako nang maalala ko muling wala na ang asawa ko at nagiging ganto ang buhay ko.

"Zackrey!" Rinig kong pasok ni Mom sa kwarto ko.

Agad ko syang niyakap ng makalapit sya sakin.

"Mom! Iniwan na nya ako ng tuluyan. Umalis na sya at nag padala sya ng annulment papers."

"Zackrey, Siguro di lang talaga kayo para sa isa't isa. Sorry dahil nagkakaganto ka nang dahil sa pag aaranged married namin sainyo. Sorry anak" sabi sakin ni Mom

"Mom! Help me! Help me to bring her back to me! Hindi pwede!" Sabi ko
Niyakap nalng nya ulit ako ng mahigpit at hinagod ang likod ko.

10 months later...

Naging okay naman ang lahat pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari 10 months ago.

Hinding-hindi ko pa din tanggap ang pag iwan nya sakin.

"Sir, Nandyan na po pala kayo paki bantayan na muna si Andrew" Sabi ni Yaya pagkadating ko galing trabaho.

Si Andrew, Sya ang nagpabago ng pananaw ko sa buhay simula ng iwan ako ng asawa ko, Sya ang anak ko kay Lenette.

Until now hindi ko pa din tanggap si Lenette bilang nanay ng anak kong si Andrew. Mahirap lalo na't mahalaga ang nawala sakin.

"Shhhh Baby Andrew stop crying na. Daddy is here" pagpapatahan ko sakanya habang buhat ko sya.

"Hmmmm" pagpapatulog kong muli sakanya.

Ang Asawa ko Fangirl ko din!?! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon