Chapter 4 - Boy?? or Girl??

367 14 4
                                    

NOTE: Hello sa inyo!! Eto na naman ako! Hehehe. Read nyo po tapos mag-vote at mag-like po kayo kung Like nyo ang story ko. Kung hindi naman sige gorah na kayo..Hahahaha. Pasensya na kayo kung minsan bitin akong magsulat kasi minsan tinatamad talaga ako eh. Hehehe.

yung guy sa side yan si Jiro. Isipin nyo nalang blue mata nya hehehe. Kaloka humanap nang blue eyes na hottie eh..heheheh

_____________________________________________________________________>>>>

Jiro's POV

Aish. Ang tagal naman nang babaeng yun! Kanina pa ko dito sa kotse. Ang tagal nya grabe. Ganito ba talaga mga babae? Matagal mag-ayos. Akala mo naman nag-iba itsura di naman. Aish. Magna-nine na wala parin. Badtrip naman talaga tong si mama eh. Alam nyang ayoko sa mga taong katulad ng babaeng yun eh, ako pa pinasasama. Asar.

After 30 minutes lumabas na sya. Haiiii sa wakas!!

" Sakay." yun lang sinabi ko kakapagod magsalita pag sya eh.

Narinig ko syang binuksan yung pinto tapos sumakay na. I start the engine then drive nako palabas nang BF. Di ko sya kina-usap wala akong panahon mag-aksaya ng laway sa kanya. After 15 minutes nakarating na kami sa school.

Pinasok ko yung sasakyan ko sa school. Tilian na naman yung mga babae. Ang iingay talaga. Pssh. Pinark ko yung sasakyan tapos bumaba na'ko. Lingunan mga tao tapos ang daming tumitiling mga babae. Mahilig talagang tumili mga babae.

" Ang gwapo talaga nya may bonus hotness pa!! Akin ka na lang JiroOO!! " tili nung isang babae. 

" Sino yung kasama nya? Yaya nya? Mukhang taga bundok. " sabi nung isa. Natawa ako. Yaya? Mukha pala syang yayang taga bundok. Hahaha.

" Shhhhh. Wag kang maingay baka marinig ka ni Jiro. " sabi nung isa pa na nag-hand gesture.

Kanina ko pa kayo naririnig. Mga chismosa. Huminto ako tapos nilingon ko si Ry.

Muntik pa kong matawa sa suot nya. Taga-bundok nga.

" Pumunta ka nalang sa Admin para i-confirm transferee mo tapos mag-enrol ka sa faculty. "

?__?

" Hindi mo'ko sasamahan? Di ba sabi ni Tita samahan mo ko? " sabi niyang nakataas ng kilay.

" Kaya mo na yun mag-isa. Hindi ka na bata para samahan. Sige na. Kung mawawala ka magtanong-tanong ka na lang. Bye. "

Talikod nako nung hilahin nya shirt ko.

" Sandali!!  San ka pupunta? " sabi niya na worried ang mukha.

Ry's POV

Paksyet. Ano ba tong ginagawa ko? Hinila ko pa talaga shirt nya ha. Ano ba'ko bata? Kaya ko naman mag-isa na mag-enrol eh. Kaso iba pakiramdam ko sa mga tao dito. Lalo na yung mga babae nanlilisik kasi mata nila parang gusto nila akong kainin. Yikes!! Ayoko!! 

" Mag-e-enrol din. Bitiwan mo na'ko. " sabi ni Jiro.

Woaah. Yun lang pala. Kala ko uuwi na sya. Ayokong ma-iwan. 'Di ko pa kasi masyado kabisado tong lugar at wala akong kakilala!  

" Ahh..ok.."

Pagkabitiw ko sa shirt nya walk mode na sya. Bye-bye. Tumalikod narin ako para hanapin ang admin para makapag-pass na nang transfery form. Nahanap ko naman agad yung admin. Swerte! Hehehe. Natapos kagad ako sa admin. Sabi nung babae sa counter punta daw ako sa faculty para ibigay yung form ko.

Habang hinahanap ko yung faculty di sinasadyang may nabangga ako tapos natapunan ako nang juice. Malas.

" Naku sorry miss. Di ka kasi tumitingin sa daan eh. Ayan tuloy.  Sorry talaga. " sabi nung nakabangga na boses lalaki. Tch. Sinisi pa talaga ako. Walang kwenta sorry nya. Nabasa nako! Bwisit.

" Anong ako--?? "

=*O*=

Woaaah..Ang ganda nya!! Kahit boses lalaki sya ang ganda parin nya. Ang tangkad din!! Shocks!

" Okay ka lang? Miss?? " sabi niya. Amazing. Wala akong masabi sa beauty nya.

" Ay! Sorry pasensya na. O-okay lang ako Miss. Dont worry. " Ano bang nangyayri sakin? Ako na nga yung naa-grabyado. Hahaha. Ang gulo ko talaga.

?__?

Bakit ganun reaction nya? Parang na-confused saglit.

" Ano ulit yung sinabi mo? Paki-ULIT nga. "

Hala. Bakit ganun sya kung magsalita? Dini-inan nya talaga yung Paki-ULIT? Imagination ko lang siguro. Baka nabingi lang.

" Uhmm. Sabi ko ' Ay! Sorry pasensya na. O-okay lang ako Miss. Do--"

" STOP! "

Ano bang nangyayari sa babaeng to? Ang gulo. Mas magulo pa yata kesa sakin eh. Bumuntong hininga sya tapos hinawakan magkabilang kamay ko tapos nilagay sa dibdib nya. Gosh! Ano ba to nabaliw na ata tong babaeng to. Hindi porque't flat chested sya pwede na nyang

ilagay kamay ko sa dibdib nya. Nag-blush tuloy ako!

O///O <--- Ry's face

" Uhm. Miss kahit flat chested ka hindi mo dapat nilalagay kamay ko sa dibdib mo. Saka hindi ako tomboy!! "

O.o

Nanlaki yung mata nya. Nagulat ata? Tapos bigla syang tumawa ng malakas. Nakakagulat naman tong si ate tumawa na lang bigla. Ano bang nakakatawa? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah. Nakakahiya pa nga eh.

" Anong...nakakatawa miss?? ". Tanong ko sa kanya pero tawa parin sya nang tawa. HALA! Si ate mukhang nabaliw na!! After nyang tumawa tumikhim sya. Pero nakangiti parin. Weird nitong babaeng to. Naloka na yata.

" Sorry ha. Pasensya na kung napatawa ako masyado. Kaw kasi. "

" Anong ako? Eh ikaw nga tong tawa ng tawa nang walang dahilan eh. Ang weird mo naman. "

Naka-pout nako. Sya kasi!! Ka-inis.

" Ang cute mo!! " sabi nya tapos kinurot pisngi ko.

Ngeee. May topak nga yata talaga tong si ate. 

" Tara. Ili-libre kita sa canteen. Maraming masarap na food dun. Tyak magugustuhan mo. "

Hinila na nya ko. Ano bang problema nang taong to? Kung wala syang magawa wag na niya ako idamay. May gagawin pako. Hinila ko kamay ko tapos lumingon siya. Parang slow-mo yung paglingon niya. Na-mesmirize na naman ako. Sigh.

" May problema? " sabi niya while nakangiti.

" Uhh..eh kasi may gagawin pako. Hahanapin ko pa yung faculty para ibigay form ko. "

"Saglit lang naman tayo sa cafeteria. Apology ko narin to sayo."

" Hindi kasi..,kailangan ko na talag tong ipasa tong form ko. Baka iwanan ako nung kasama ko.

Salamat na lang. Apology accepted narin."

Sayang ang limbreng pagkain pero baka iwanan ako ni Jiro eh. Tiningnan niya wrist watch nya. 

" Hmm. Ganito na lang. Tutulungan na lang kita mamaya i-pass yan sa faculty pagkatapos nating mag-lunch kasi 11:20 narin oh. Hindi ka ba nagugutom? "

Ako?! Hindi gutom?! Kanina pa'ko gutom kaso kailangan kong magmadali. Si Jiro kasi. Kaasar.

" H-hindi pako gutom. Sige alis nako. " 

Hmmph. Gutom na talaga ako pero titiisin ko para sa complete enrolment ko. Naman kasi! Sana nagbaon ako. Hahakbang na sana ako nang bigla tumunog yung tiyan ko.

*BRrrrrrrrrrrkk..brrr.*

O//O <-- Ry's face

Nakakahiya!! Aish. Bwisit na tiyan talaga. Tumawa na naman si ate. Ang lakas pa.

" Halika na nga. Hindi pa daw gutom. Hahahahaha " tapos hinila nya'ko.

Can't say &quot; I Love You&quot;[ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon