The truth behind the pain pt. 2

498 20 15
                                    


Perry: We owe her the truth Kim..


Ara: Thank you Kuya Perry..


*Nakatingin lang si Kim kay Ara. Nakikiramdam. Umupo naman si Perry sa tabi ni Ara.**


Perry: Vic, after telling you everything, I expect na madaming magbabago. Pero sana, please, think of Mika muna bago ka gumawa ng decisions. Isipin mo siya. Okay? My sister had been thru hell and now that she's kind of getting better, ayoko na siya bumalik sa dati. Hindi ko na kakayanin na bumalik siya sa dati.

(Tahimik lang na nakikinig si Ara at nakatitig sa sahig.)

Perry: I witnessed every pain, every sleepless nights, every teardrop shed by my sister. And I promised her that I won't let that happen again. So please, promise me. Don't make irrational decisions. Maaasahan ko ba yan??

Ara: Okay po Kuya Perry...

Perry: Good. Saan mo ba gustong simulan?

Ara: Ano pong nangyare sa factory nung araw na yun Kuya Perry?

(Nakatingin si Ara kay Perry at nagiintay ng sagot)

Perry: Naalala mo ba nung gabing nakausap niyo si Kat? Naaalala mo ba yung huling sinabi niya kay Mika?

Ara: Opo Kuya. Pero hindi ko naman po maintindihan. Magready daw siya.. Pero magready para saan??

Perry: Ganito kasi yun. Bago ka pa man makidnap, nakakatanggap na si Mika ng death threats. Hindi lang siya kundi yung buong pamilya namin. Kung hindi ako nagkakamali, nabanggit pa ni Mika  yung dahilan kung bakit tumigil si Thomas at Mike sa panliligaw sayo.

Ara: Opo.. Pero bakit kelangan pa umabot sa ganun?

Kim: Kasi nabulag na si Kat sa pagmamahal niya sayo.

Perry: At dahil hindi ka naniwala nung sinabi ni Mika yun, minabuti na lang niyang wag sabihin yung mga pagbabanta sa pamilya namin at sa kanya. Madami siyang tinago sayo dahil ayaw niyang magalit ka pa. Ayaw niyang mag-away pa kayong dalawa. May mga pagkakataon na pauwi si Mika sa dorm niyo at mayroong nakaabang sa kanya na mga lalaki, haharangin siya at pagbabantaan na layuan ka na kung hindi ay masasaktan lang siya. Kung minsan kila mommy at daddy naman may nanghaharang at nagaabang. Kaya sobrang pagbabantay ang ginawa namin kila Mikko, Mickole at Mika. Nalagay sa pahamak yung pamilya namin. 

Ara: Kuya Perry, hindi ko po alam.. Wala akong kaalam alam na may ganun na nangyayare.

Perry: Alam kong malaki ang pagkakamali ni Mika dahil tinago niya sayo lahat. Kaya siguro umabot pa sa ganung sitwasyon.. 

Kim: At ginawa niya lang yun dahil alam niyang magagalit ka lang kapag sinabi niya sayo yun. Alam niyang kahit anong paliwanag niya, kay Kat ka pa din maniniwala at kakampi..

(Tahimik pa din si Ara at hindi nagsasalita)

Perry: Nung gabing naisipan niyong kausapin na si Kat, nasa labas kami ng bahay niyo, nagaabang. Alam na ni Mika na may hindi magandang mangyayare kaya kinausap na niya kami nila daddy at ng kuya mo na bantayan kayo.

Ara: May alam si Kuya Jun?

Perry: Oo Ara. Alam niya lahat. At alam din ng buong pamilya mo..

Ara: Pero bakit hindi nila sinabi sakin?! Bakit ni isa man lang sa kanila walang nagsalita?!

(Napatayo si Ara)

Kim: Kumalma ka Ara. Makinig ka muna samin. Nakiusap at nagmakaawa kasi si Mika na wag na sasabihin sayo. Ayaw niyang magalala ka pa.

Pursuit of Happiness - A Kara FanFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon