To love is to risk.

793 22 18
                                    

Mika's POV

Nagising ako ng may dalawang ulong nakapatong sa balikat ko. Grabe nakakangawit. Kaso ayoko naman gumalaw kasi baka magising silang parehas. Basang basa na din yung balikat ko kasi nagtutulo yung laway ni Kianna. Hahaha. Ano ba yan, amoy laway na ako.

Nakakagulat naman na bigla biglang nalaglag yung ulo ni Kianna mula sa balikat ko. Weirdo talaga 'to. Hindi naman malubak sa himpapawid pero para siyang rakista na nagrarak en roll dahil sa paggalaw ng ulo niya.

"Kianna, gising ka muna. Umayos ka ng sandal dito."

Nahimasmasan naman siya at sumandal ulit sa balikat ko. Pero bigla din siyang napa-upo ng maayos.

Kianna: "Basa naman balikat mo Ate Ye eh." Tsaka siya nagpout at nagkusot ng mata. 

Sa totoo nyan, nakikita ko yung sarili ko sa kanya. Malaking taong sobrang bully pero isip bata. Hahaha.

"Reklamador ka pa eh laway mo yan."

Napatakip siya ng bibig at dali daling kumuha ng wipes sa pouch na hawak niya at pinunasan yung balikat ko.

Kianna: "Omg Ate Ye, sorryyyy." Habang aligaga siyang nagpupunas ng balikat ko.

Sa sobrang pagkataranta niya, nagising na si Ara. Tawa na din kasi ako ng tawa dahil sa priceless na reaction ni Kianna.

Ara: "Ano bang nangyayare dyan?"

Nakatingin siya samin habang nagkukusot ng mata at halatang panget ang pagkakagising niya.

"Nako baby. Sorry ang ingay namin. Si Kianna kasi eh. Hahaha."

Tumalikod lang siya samin at nakapangalung baba tsaka pumikit ulit. Nako, masama talaga yung gising ng mahal ko.

Kianna: "Nako Ate Ye, nagalit ata si Ate Vic."

"Ako na bahala. Haha. Punasan mo na lang yung tuyong laway dyan sa gilid ng bibig mo."

Hahaha. Hindi ko maiwasan na matawa kasi kanina pa priceless yung mga facial expressions ni Kianna. Kahit na sobrang bully nyan, hindi niya pa din mapapantayan ang mga trip ko. Haha. 

Teka nga, si Ara pala nagtatampo!

"Baby, sleep na ka ulit dito sakin."

Dahan dahan kong hinilig yung ulo niya sa balikat ko at naramdaman kong yumakap siya sa balikat ko. Nagthumbs up na lang ako kay Kianna sinyales na okay na. Tsaka ko tinitigan si Ara.

Hindi nagtagal ay nag-announce na yung mga flight attendants na maglalanding na yung eroplano sa Osaka International Airport. 

"Ara, mahal. Gising na. Maglalanding na daw tayo in a while."

Tinanggal niya yung pagkakayakap niya sakin pero nakapikit padin siya.

"Kabit ko na seatbelt mo ha?"

Hindi niya pa din ako pinapansin kaya kinabit ko na yung seatbelt niya.

Paglanding namin, kanya kanyang stretch yung mga teammates ko. Kinuha na ni Ara yung hand carry namin pero hindi pa din niya ako pinapansin. Pahirapan nanaman ako sa pagsuyo sa kanya neto. Nagsibabaan na kami sa eroplano at kanya kanyang picture ang mga teammates namin. 

Cyd: "Vickyloo, ngiti ka naman dyan! Puro nakasimangot ka sa selfies natin eh. Baka magalit sakin fans mo."

Nag-shy smile lang siya at tsaka sinuot yung shades niya. Nauna na din siya maglakad at sumabay kila Coach Ramil.

Pursuit of Happiness - A Kara FanFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon