Home is with YOU.

730 24 7
                                    


Mika's POV

Nakakapagod yung araw na 'to. Ang dami namin pinuntahan nila Teytey at Alison. Foodtrip, shopping at kung ano ano pang trip nila. Tapos ngayon naman, pagpunta namin kila Ara, may party. Woohoo. Pagoda na ang beauty ko. Madami pang madlang people sa bahay nila Ara. Hayy.


Alison: "Ye, okay ka lang dyan?"

Hindi ko napansin na natutulala ako habang naglalakad kami papunta kila Ara. Ano ba yan Ye. Lutang ka nanaman. Hahaha.

"Uhhm, hindi Ali. Pagod lang ako. Ang dami natin ginawa ngayong hapon."

Alison: "Pasensya na Ye. Hahaha. Namiss ka kasi namin."

"Okay lang. Pahinga na lang ako bukas sa bahay bukas paguwi namin ni Ara." 

Alison: "Nako wag ka magalala, mawawala pagod mo mamaya."

Naka-ngiti ngayon si Alison na parang kinikilig na ewan. Anong trip netong babaeng 'to.

"Nababaliw ka nanaman dyan. Anong pinagsasasabi mo. Hahaha." 

Alison: "Wala. Tara na at nagugutom na ako. Nag-iihaw ata sila tito dun sa harap. Kain na din tayo magdating dun."

"Akala ko sa garden tayo sa likod?"

Alison: "Hindi ba nagtext si Vic sayo?"

"Hindi ko alam. Naiwan ko kasi yung phone ko sa kanila."

Alison: "Ahh okay. Katext ko siya eh. Tara na nga gutom na talaga ako."

Mabilis na naglakad si Alison at hatak hatak ako. Pagdating namin kila Ara, naka set up na dito sa harap yung videoke. Tapos may table din na madaming pagkain. Nandito din yung mga barkada niya at yung mga tito't tita niya pati mga pinsan niya. Nako, mukhang hindi pa kagad ako makakatulog neto. Ang daming tao at ang ingay. Sinalubong din ako ni Ara ng matamis na ngiti at niyakap ako.

Ara: "I missed you Daks."

Hahaha. Ang clingy talaga neto. Pero namiss ko din siya. Halos buong araw din kami hindi nagkasama.

Alison: "Haha. Clingy mo Vic. Isang araw lang namin hiniram, namiss ko kagad."

Ara: "Bakit ba. Ang tagal kaya niya nawala."

 "Ehh, clingy mo Thomsy. Buong maghapon lang naman ako nawala ah?"

Kumalas na siya sa pagkakayap at nagpa-cute. Ayan nanaman siya sa kaartehan niya.

Ara: "Namiss nga kasi kita. Ang tagal kaya nun."

"Nako, naglambing ka pa dyan. Tara na nga. Gutom na ako."

Pumasok na kaming dalawa sa loob at pinaghandaan ako ni Ara ng food. Eto yung namiss ko sa kanya nung nagbreak kami. Yung pagiging sweet and caring niya. Yung mga maliliit na bagay na ginagawa niya for me, eto yung mga bagay na lalong nakakapagpa-fall sa kanya.

Ara: "Ye, kain na oh. Sabihan mo lang ako kapag may kelangan ka pa ha?"

Nilapag niya yung plates sa table. Sobrang daming pagkain. Haha. Para akong bibitayin.

"Thomsy. Sobrang dami naman netong kinuha mo. Mauubos ba natin 'to. Hahaha."

Ara: "Eh alam ko naman that you had a long day. Kain ka lang ng kain dyan"

Pursuit of Happiness - A Kara FanFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon