Daffodils.

558 25 5
                                    

Ara's POV

Alam ko na parang padalos dalos ako sa mga desisyon ko kasi ngayon nagddrive ako kasama si Ate Kim papunta sa Quezon City. Anong gagawin namin dun? Simple lang. Susunduin si Mika. Ayoko ng mag-aksaya ng pagkakataon para makabawi kay Mika. Sabi kasi ni Ate Kim hihiramin niya yung kotse ni Sace at siya ang magddrive nun para dalhin yun sa station. Nauna na kasi si Sace sa kanya. Kaya minabuti ko na sunduin na lang siya. Bawi bawi din Victonara. Hahaha. Pero yung kasama ko, ayun naghihilik na.

"Wafs, wag ka malikot matulog dyan sa likod. Baka masipa mo yung bulaklak." Sabi ko kay Kim. 

Dumaan muna kasi kami sa flower shop nila Ate Mich bago kami dumeretso sa radio station kung saan guest si Mika. At ayun si Kimmy, tulog na tulog pa din. Minabuti ko na lang na magdrive thru sa Starbucks para di ako makatulog. Nilagay ko na din yung bulaklak dito sa tabi ko. Syempre baka masira ni Kim sa likod.

Habang nagddrive ako, binuksan ko yung radio at nilipat sa station kung saan maggguest si Mika. "Kung papipiliin ka, sinong pipiliin mo, mahal mo or mahal ka?" Tanong ng DJ sa kanya. I don't know why pero kinikilig ako habang nagaabang sa mga sagot niya. Para bang isa ako sa mga fans niya na nagaabang sa bawat sagot niya.

"Mahal ko." Simple at firm na sagot ni Mika. Ahhhhh! Hindi ko mapigilang kiligin sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Oo, assuming ako. Pero sana ako nga, ako yung tinutukoy ni Mika.

"Talaga? So ano ka, parang ano. Si Mika ay martyr sa pag-ibig." Komento ng DJ sa sagot niya.

"Di naman sa martyr. Siguro mas maganda lang na kapag ako yung nagbibigay. Kesa ako yung nakakatanggap." Sagot niya. Hayy, ayan si Mika. Ganyan na siya sakin ever since. Bigay lang ng bigay sakin. Kahit nasasaktan na siya, ayos lang sa kanya. Pero was ka magalala Mika, hindi ko na hahayaan na mangyari yan ulit.

Naririnig ko yung mga tawa niya sa bawat komento na binabanggit ni DJ Chacha. At ako naman, nandito nagddrive at nakangiti ng parang tanga. 

"Oh eto. Mika Reyes, naniniwala ka ba na love is much sweeter the second time around?" Ano ba naman yang mga tanong sa kanya. Hindi ko alam kung pinapatamaan ba ako o sadyang nagkataon lang na nasasapol ako sa mga tanong.

"Ahh. Hindi ko alam eh.. Kasi hindi ko pa naeexperience yun. So hindi ko pa masasagot." Wag ka mag-alala Ye. I'll make our lovestory much sweeter this time.

"Uhhm, deserving ba ang lahat sa second chance?" Ayan nanaman. Isa pang tanong na hindi ko alam kung para sa akin ba ang sagot.

"Okay naman. Okay lang yun." Yes! So ibig sabihin, I do deserve another chance? Or maybe I don't deserve one.. Pero I'm sure as hell that I will work hard to deserve one.

"Pano yun? Anong level ng kasalanan ang hindi na dapat binibigyan ng second chance?" Follow up question ni DJ Chacha sa kanya. Grabe naman. Parang kelangan ko ata magthank you kay DJ Chacha mamaya ah? Lahat ng katanungan ko sa isip ko, siya na nagtatanong kay Mika.

Narinig ko naman na tumawa si Mika. "Ahh. Ano nga ba?"  Sagot niya. Siguro pinag iisipan pa ni Mika yung isasagot niya depending on our situation. Hayy Ara, wag kang feeler dyan.

Ang dami naman sinasabi ni DJ Cha, may situations na pwede mangyare kay Mika. Syempre ang mahal ko, sinabi na mapapatawad niya. Oh ano ngayon Vic. Yan yung sinayang mo. Yan yung pinakawalan mo.

"Mika ikaw din, hindi ka nagagalit kapag pinagaantay ka ng mga lalaki? Or di kaya ng mga friends mo?" Oo nga Daks. Hindi ka ba magagalit sakin. Ilang taon pa sinayang ko para balikan ka..

Pursuit of Happiness - A Kara FanFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon