Jelly Mika.

611 20 11
                                    

Mika's POV

Nagising ako dahil sa tawanan ng mga teammates ko. Teka, anong ginagawa nila dito. At bakit ba sila tawanan ng tawanan? 

Pagbukas ko ng mata ko, madaming cellphone and nakatapat sakin. Kaya naman napatayo ako bigla. Hindi ko napansin na may katabi pala ako. Teka, sino ba 'to? At bakit parang may nakayakap sakin?


"ARA??!!" Hindi ko sinasadyang mapasigaw pero bakit siya nakatabi sakin??

Nagising si Ara at nagkukusot lang ng mata.

"GOOD MORNING LOVERS FROM PARADISE!!" Sigaw ni Kianna.

"A..anong ginagawa niyo dito sa kwarto ko. Umalis nga kayo!" Pagtataboy ko sa kanila.

"Anong kwarto mo? Hoy Ye baka nakakalimutan mo, satin 'to!" Sigaw ni Kim. Ata aba mukhang buong team and nandito sa kwarto ah?

Tumayo na ako at lumapit sa kanila. "Ano bang meron at nandito kayo? Ang aga aga tapos nanggugulo kayo."

"Wala lang Boss Yeye. Nakikichismis lang kami sainyo. Hehehe." Sabi ni Eli habang busyng busy sa phone niya.

"Ano ba yan ha?" Pag-uusisa ko. Lumayo naman silang lahat at ngumiti ng pagka-laki laki.

"Wala Ye. HAHAHAHAHA. Tara na guys. Iwan na natin sila. Kain na tayo." Sabi ni Carol habang tatawa tawa.

"Bye Ate Ye. Gisingin mo na si Ate Vic. Para makakain na kayo. Hehehe." Sabi ni Dawn. Aba pati siya nakikisali dito.

"Wag kayo gagawa ng kung ano ano ha?" Dagdag ni Kianna. Teka hindi ko magets.

Pinalayas ko na sila at pinagtulakan palabas ng kwarto. "Chupi chupi. Magsi-alis na nga kayo dito."

"HAHAHA. Check mo kagad messenger mo Ye ah? Labyu." Pahabol na sigaw ni Kim. 

Napailing na lang ako. Pagkalabas nila ay dumeretso na ako sa CR para gawin yung morning routine ko. Pagkalabas ko ay nadatnan kong natutulog pa din si Ara at mahinang naghihilik. Tumabi ako sa kanya at marahan ko siyang ginising.

"Uy Ara, baba na tayo. Kakain na daw." Hindi pa din siya gumigising. Kahit kelan talaga napaka-batugan neto. Judgmental Mika, baka naman puyat lang? Teka, ano nga bang nangyare kagabi? Sabay naman kami natu...SHIT! 

ANO BA YAN! 

NAAALALA KO NA. 

OMG HALAAAA.

So totoo nga... Yan yung suot niya... Dito siya natulog.... Hindi panaginip lahat... Edi.... 

"AHHHHHHHHHH" Tinakpan ko ng unan yung mukha ko at tsaka nagsisigaw. So totoo.. Nangyare yun.... Yung staring contest... Yung nakita niya akong nakatapis ng tuwalya at higit sa lahat...

YUNG KISS!

"AHHHH ANO BA YAN MIKAAAAA!" Kausap ko sa sarili ko. Ano bang pumasok sa utak ko at ginawa ko yun?! Ughh. Nababaliw na ba talaga ako?! 

"Huy Daks, okay ka lang?" Hala si Ara yun ah. OMG ANONG GAGAWIN KO? ANONG SASABIHIN KO?

"Ah eh. Oo. Tara na. Baba na tayo." Tama yan Mika. Iwan mo siya dyan. Umiwas ka na lang. Mahirap na at baka magtanong pa yan or worse, MAALALA NIYA YUNG NANGYARE KAGABI.

Pagbaba ko, naabutan kong kumakain at nagtatawanan yung teammates ko. Shit hindi ko pala na-check phone ko. Baka kung ano ano nanaman yung ginawa ng mga 'to. Patay ka Ye! Kaso naman kung aakyat pa ako para kunin phone ko, baka maabutan ko si Ara. Huhu ano na ba!

Pursuit of Happiness - A Kara FanFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon