KaRa in Pampanga

812 18 12
                                    



Ara's POV

Nandito kami ngayon sa kotse ko and nagddrive ako pauwi sa Pampanga. Yung kasama ko naman, kain lang ng kain sa tabi ko with matching kanta kanta pa! Hahahaha. 

"Ye, kanina pa kumakain dyan. Baka pagdating natin sa bahay, hindi ka na makakain ng luto ni lala."

Sinamaan lang ako ng tingin at tinaasan pa ko ng kilay. Kahit nagtataray ka, ang cute cute mo pa din Ye!

"Do you underestimate the power and the capacity of my stomach?" Nakangisi niyang sabi.

Tinabi ko muna yung sasakyan at tinitigan siya.

"Oh? Bakit ka tumigil? Anong problema?" Nagtataka niyang tanong pero busy pa din siya sa pagkain. Hayy nako Ye, bakit ba ganyan ka? Lalo ka lang nakakainlove.

"Wala lang. Ang cute mo kasi eh. Gusto muna kita titigan."

Nakita ko naman na nagblush siya tsaka niya tinakpan ng kamay niya yung mukha niya at yung isa naman ay pinang facepalm sakin.

Mika:"Eh ano ba yan Thomsy! Ang corny mo! Ang hilig hilig mo magpakilig out of nowhere!"

"Hahaha. Ang cute cute mo kasi Daks eh. Tsaka namiss kong pikiligin ka."

Mika:"Eh kahit na! Magdrive ka na nga dyan. Kakain na lang ulit ako."

Nginitian ko na lang siya at nagdrive ulit. Hindi nagtagal ay nakadating na din kami sa Pampanga. Nauna akong bumaba kay Mika at pinagbuksan siya ng pinto. Pero parang may mali? Naiiyak ba siya?

"Daks, tara na?" Nilahad ko yung kamay ko sa harap niya pero parang naiiyak pa din siya. "Are you okay? Is there something wrong?"

Umiling lang siya at tumingin ulit sa bahay. Tsaka ko lang narealize na ngayon lang pala siya ulit babalik sa bahay simula nung aksidente.

"You don't have to worry Daks. We're safe now. And I won't let anything happen to you."

Inabot niya na sakin yung kamay niya at hinawakan ko yun. Marahan kong pinisil para malaman niyang nandito lang ako para sa kanya.

Bago kami pumasok sa bahay ay nagstop kami sa harap ng gate.

"Tara na Daks?" 

Hindi siya sumagot pero tumango siya. Nakikita ko pa din sa mga mata niya yung takot kaya niyakap ko siya.

"Hindi ko na hahayaan na may mangyare pa ulit sayo. Andito na ako and hinding hindi na ulit kita pababayaan."

Nginitian niya ako at hinawakan yung kamay ko at sabay na kaming pumasok sa bahay.



Mika's POV

I don't know why I'm feeling this. Pero natatakot ako, kinakabahan. Hindi niyo naman ako masisisi kasi ngayon na lang ako ulit makakabalik dito. Dito nagsimula ang lahat. Dito unang nawala sakin si Ara.

Papasok na kami sa ka bahay nila Ara. Hindi ko alam kung paano ako magrereact dahil matagal tagal na din simula ng nakita ko ang daddy ni Ara. Dumeretso kami sa dining area at naabutan namin silang kumakain.


"Oh Vic! Nandito na pala kayo? Mangan ta na!" Aya samin ni Kuya Jun. Nakita kong nagulat yung Daddy ni Ara dahil sa pagkakita sakin.

Pursuit of Happiness - A Kara FanFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon