Happiness...doesn't exist

475 13 4
                                    

**Back to the game. Napanalo ng LS ang last and final game nila Cyd, Carol, Mowky, Mika at Ara. Si Kianna ang hinirang na finals game MVP. At naging maayos naman ang laro ni Mika at Ara. Balik na nga sa Taft and korona ng UAAP Womens Volleyball**

(Lady Spiker's dug out)

Coach Ramil: Ladies. Congratulations. You all played well. You showed the real heart of a champion. Credits sa lahat kasi sobrang collective effort 'to.

**Lahat ng LS ay naiiyak dahil sa sinasabi ng coach nila at dahil eto na ang huling beses na makakasama nila sa court sila Mika at Ara**

Coach Ramil: Salamat sa inyong lahat. Lalo na sa inyo Cyd, Mowky, Carol, Mika at lalo na sayo Ara. Cyd, ikaw yung laging nagsstep up sa tuwing lahat ng mga kasama mo ay pinanghihinaan na. Salamat kasi saakin mo pinagkatiwala ang college career mo. Salamat dahil naging matyaga ka sa pagiintay na dumating yung opputunity mo. Salamat sa lahat Cyd.

(naiiyak na si Cyd at speechless dahil sa sinabi ng coach niya sa kanya)

Coach Ramil: Mowky, sa sobrang dami nating pinagsamahan, sa lahat ng mga naranasan mo sa team na 'to. Isa lang ang masasabi ko. Ika sa mga pinaka-magaling na players na nahawakan ko. Yung patience mo, sa pagiging magaling na setter at kapatid sa mga teammates mo. Naaalala ko pa yung unang taon na nahawakan kita, Rookie of the Year ka nun. Hinding hindi lumaki ang ulo mo. Napatunayan mo sa kanila na kahit setter ka, kayang kaya mong makipagsabayan.

(umiiyak na si Mowky at ganun na din ang buong team)

Coach Ramil: Carol, wala na akong mahihiling pa dahil isa ka sa mga nahawakan ko na tahimik lang pero sa bawat oras na ipapasok kita, alam kong ginagawa mo lahat ng magagawa mo sa court. Ikaw yung pumalit kila Den para maging sparks plug. Sana yung puso mo sa laro maipamana mo sa mga nakababata mo pang teammates. Salamat din dahil nagstay ka kahit na hindi na tinapos ng kambal yung playing year nila. Mahirap man harapin na magkalayo kayong dalawa, pero pinili mo pa din magstay. Salamat anak!

(lahat sila ay niyakap si Carol habang nagaabang sa sasabihin ng coach nila para kay Mika at Ara)

Coach Ramil: At sa inyo Mika at Ara. Hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong sabihin. Sobrang dami kong dapat ipagpasalamat sa inyo. Sa pagtiwala sa programa ko, sa pagtyaga sa bawat payo at pangaral ko. Hinding hindi lumaki ang mga ulo niyo. Hindi niyo ako nabigo. At salamat at naibalik na sa atin ang korona bago pa man kayo mawala sa team. Mamimiss ko yung tandem niyo sa court. Yung pagsuporta niyo sa isa't isa. Sa mga happy moments sa team at sa mga malulungkot na moments na nakuhaan nating lahat ng magandang leksyon. Hinding hindi ko makakalimutan kung paano kayo nagsimula, yun mga pinagdaanan niyo, lahat ng hirap simula ng maaksidente kayo, hanggang sa mainjured si Ara. Hindi kayo nawala sa likod ng isa't isa. Alam kong madami na kayong napagdaanan, pero bilang tatay niyo, sana wag kayo umalis sa team ng hindi kayo nagkakaayos. Sa huling pagkakataon sana makita niyo ang pag-asa na maayos kayo.

**Nakatingin lang si Mika sa sahig samantalang nakatingin si Ara sa kanya. Nakikiramdam naman si Carol at Kim.**

Coach Ramil: Sa inyong lahat, salamat. Ayoko man na dumating tayo sa ganitong situasyon pero kelangan natin tanggapin. Hinding hindi kayo makakalimutan ng team. Maraming salamat!

Kianna: AWWWW!! GROUP HUUUUUG!!!

**Nagyakap ang team at nagiyakan. Pare-parehas silang masaya. Dinadama ang huling sandali na magkakasama sila bilang isang buong team. Di lubos na makapaniwala ang lahat na dadating din sila sa panahon na mawawala na sila sa team

Umalis na si Coach Ramil at Coach Noel. Nagsi-ayos na din sila para sa kanilang team dinner. Tahimik lang nun sila Mika at Ara... Si Kim at Carol naman ay kausap ang kambal sa telepono, ibinabalita ang nangyare.**

Pursuit of Happiness - A Kara FanFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon