Sound mind.

549 17 7
                                    


**After nung buong araw nila sa studio, nagkanya kanya na muna ang Lady Spikers. Madami din kasing sumunod na guestings. Lalo na para kay Mika at Ara. May pagkakataon na silang tatlo nila Kim o minsan si Kianna ang kasama. Pero sa kanilang lahat, si Mika ang pinaka naging busy. Si Ara naman ay nagprepare para sa huling term niya sa La Salle. Samantalang si Mika, nagpapalipas lang ng oras dahil iniintay na lang niya yung graduation kaya't kung ano anong racket at guestings ang pinupuntahan niya.

Gabi na at nasa dorm ang Lady Spikers. Pwede pa kasi silang magstay ang graduating dun dahil may tour pa sila papuntang Japan..**

Ara's POV

Ano na bang gagawin ko? Halos isang linggo na din simula nung makipagbreak ako kay Bang. Pero wala pa din akong ginagawang move para makausap si Mika.. Pero ang hirap naman kasi na magsimula sa wala.. Ang laki na nga ng pinagbago niya. Malay ko ba kung matutuwa pa ba siya sa mga surprise na gagawin ko kasi honestly, I don't know anything that'll make her happy.. 

Hayy Vic, ang tanga tanga mo talaga... Makaalis na nga muna dito sa dorm. Wala naman ako mapapala kung magmumukmok ako dito eh. Walang idea na papasok sa isip ko...

**Pagbaba ni Ara, naabutan niya ang teammates niya na nagpprepare na ng dinner. Palabas na sana siya ng makasalubong niya si Mika sa pinto**

(awkward)

"Uhhm, hello." Ang bobo mo naman Vic! Ano? Hello na lang ba kaya mong sabihin sa kanya??

"Hi Ara. Saan punta mo?" Ayan nanaman yung mga ngiti ni Mika. Parang onti unti akong natutunaw sa mga ngiti niya.

"Huy, sabi ko saan ka punta?" Nagspace out pala ako. Nakakahiya. Ano ba yan.

"Uhhm, magpapahangin lang. Sama ka? Ice cream tayo?" Pag-aaya ko sa kanya. Please Mika, pumayag ka please.

"Ahh. Sige ikaw na lang. Magaayos pa kasi ako." Magaayos ng gamit? Eh kadadating lang niya ah?

"Bakit? Saan punta mo? Kauuwi mo lang ah?" Demanding at pakielamera man pakinggan, pero wala eh, gusto ko malaman lahat ng whereabouts niya.

"Sorry boss. Guest kasi ako ni DJ Chacha tonight eh. Hahaha." Pabiro niyang sagot sakin. 

"Ahh, ganun ba. Sige. Kain ka na muna sa loob bago ka umalis. Nakaluto na ata sila eh." Tumalikod na ako at naglakad papunta sa park. Narinig ko din na sumarado na yung pinto sa likod ko.

**Naglakad si Ara ppapunta sa Mini Stop para bumili ng isang gallon ng ice cream at dumeretso sa park para dun mag-isip isip.**

Author's POV

Habang nakaupo siya sa bench kung saan nanunuod siya ng nagsskateboard, hindi niya namalayan na may umupo sa tabi niya.

"Nandito ka nanaman ah?" 

Napatingin naman si Ara dun sa tumabi sa kanya at nginitian 'to.

"Gusto mo?" Pagaalok ni Ara sa kanya. Iling lang ang sinagot nito at nanuod sa pinapanuod ni Ara.

"Vic, diba dati nagsskateboard ka?"

Nakatingin pa din si Ara dun sa nagsskateboard at tsaka sumagot sa katabi niya. "Oo, dati. Pero matagal ng hindi. Bakit mo natanong?" Tumingin si Ara sa katabi niya.

"Ahh, wala lang. Naisip ko lang bigla."

Natawa naman bigla si Ara at pinagpatuloy yung kinakain niya..

Pursuit of Happiness - A Kara FanFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon