My future with you.

742 21 8
                                    

Mika's POV

After ng Pampanga visit namin ni Ara, dumeretso kami sa Bulacan. Pagkatapos nun, balik na din kami dito sa dorm. That was the most perfect break that I could ever ask for. Sorbrang nakakatuwa kasi ang consistent niya sakin. From that night in Pampanga na sabi niyang babawi siya, bumawi nga talaga siya.

Effort kung effort ang lola mo. Lahat ng guestings ko and lahat ng lakad ko, sinasamahan niya ako. Hatid sundo pa nga eh. Kahit na may class siya and ibang appointments, nasusundo pa din niya ako. Tapos walang mintis yung breakfast in bed. Matutulog ako na nakatitig siya sakin, magigising ako, nakaktitig pa din and may breakfast na kagad na naka- ready. Hindi ko nga alam kung natutulog pa 'to eh. Hahaha. And now, busyng busy siya sa pag-check ng gamit namin for our Japan trip. Mamaya na kasi flight namin.

Ara: "Baby, bakit ka nakangiti dyan?" sabi niya habang pino-poke yung cheeks ko. Hindi ko namalayan na nandito na pala siya sa tabi ko.

"Wala baby. May naalala lang." Sagot ko sa kanya at tsaka ko siya nginitian. 

Ara: "Kung ano ano nanaman siguro iniisip mo." Ngumiti siya at napailing sakin tsaka tumayo at bumalik sa pag-check ng laman ng maleta namin. "Share mo naman."

"Hahaha. Sorry, wala 'to. Masaya lang talaga ako." Tumayo ako at tumabi sa kanya sa floor habang nagaayos siya ng damit na susuotin namin mamaya. 

Ara: "Nako, ano ba yang nagpapasaya sayo. Nagseselos na ako ha. Ako kasama mo tapos may naaalala kang nagpapasaya sayo." Patuloy pa din siyang nagtutupi ng damit pero kitang kita yung pagkunot ng noo niya at pagpout ng lips niya. 

Haha. Selosa nanaman yung baby ko. Oo na possessive na kahit di pa kami. Bakit ba?

"Baby naman eh, wag ka na tampo dyan." Pumunta ako sa kanya at nagback hug habang naka sandal yung ulo ko sa likod niya.

"Ikaw lang yung iniisip ko. Hindi pa din kasi ako makapaniwala na okay na tayo. Hindi ako makapaniwala na totoo 'tong nangyayare. Na nandito ka na ulit. Na maayos na lahat. Masaya lang ako."

She chuckled, humarap  sakin at ngumiti. Tinawanan ba naman ako.

"Anong tinatawa tawa mo dyan?" Pagtataray ko sa kanya at lumayo ng onti sa kanya.

Ara: "Wala lang. Sarili ko lang pala pinagseselosan ko. Haha. Tsaka kasama mo na ako, ako pa din iniisip mo. Lakas talaga ng tama mo sakin Reyes!" Tumatawa siya at kinindatan ako habang nagpapapogi.

"Hahaha. Sige na nga. Oo na. Dyan ka masaya eh. Suportahan kita dyan mahal." Natatawa ako kasi sobrang nagpapapogi siya at kung ano anong pose pa yung ginagawa.

Bigla naman may kumatok sa pinto at sumilip si Kianna.

Kianna: "Ate Ye, Ate Ara, kain na daw po sabi ni Kaftain."

Ara: "Sige Kianna, sunod na kami."

Kianna: "Sabi din po ni Kaftain wag na daw po mag-labing labing. HAHAHA." Pahabol pa niya.

Natawa na lang kami ni Ara at umalis na si Kianna. Tumayo na din si Ara at inalalayan niya din akong tumayo. Sobrang caring talaga niya. Yung small gestures na ganito ni Ara yung mga nakakakilig at nakakainlove eh.

Ara: "Anong ngini-ngiti mo dyan baby?" Tanong niya sakin na parang naweweirdohan na sakin. Lately kasi lagi akong napapangiti sa mga actions na ginagawa niya for me eh.

"Wala po. Hehe. Tara na. Baba na tayo?"

Nagnod na lang siya at hinawakan yung kamay ko. Oo na, ako na mahaba hair! Bababa na lang ng hagdan may escort pa. Haha. Syempre, automatic na nung pag-upo namin, kami na sentro ng asaran. Haha.

Pursuit of Happiness - A Kara FanFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon