Right the wrong.

643 19 18
                                    


"Let me talk first...... Alam ko last night nagspeech na ako sayo. Hahaha. Pero this time, gusto ko magsimula ulit tayo.  Kaya ibabalik ko sayo yung necklace. You know what the necklace symbolizes right? It means yung pagbibigyan ko  nun, yun yung forever ko. At kahit na ilang taon man yung lumipas, wala akong ibang pinagbigyan neto. At wala akong ibang balik pagbigyan neto kundi ikaw lang."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Kasi ngayon nakatitig lang siya sakin. Tapos bigla siyang lumuhod para maging kelevel na nung mukha ko yung mukha niya.

"Kasi Daks, ikaw yung forever ko eh. Kaya magsimula ulit tayo. Ayusin natin yung mga problema natin dati na tinakasan lang natin."

Ano bang gagawin ko? Ano bang dapat kong sabihin sa kanya? Hindi ko alam. Speechless ako sa mga sinabi niya. 

"I don't think na ganun kadali for you para mapatawad and pagkatiwalaan ako. And I get it. Don't worry. I swear I get it. Pero hayaan mo akong tulungan ka na ibalik yung tiwala mo sakin na nawala dahil sa kapabayaan ko. Hayaan mo akong tulungan kang maayos lahat at kalimutan na."

Hinawakan niya ang kamay ko at tumitig sa mga mata ko. Teary eyed na si Ara pero nakangiti pa din siya. That same comforting smile na pinapakita niya sakin dati tuwing may doubts ako. At ngayon, damang dama ko yung sincerity sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"Again, I can't promise you anything Ye. But I assure you that I won't ever leave you again. I made my mistakes in the past and I'm sure that I won't ever do that again."

Tuluyan ng bumagsak yung mga luha ni Ara at napatingin na lang siya sa sahig. Alam kong nasasaktan din siya sa nangyayare. Kaya hindi ko na din napigilan na umiyak.

"Alam kong matagal ko na dapat 'to ginawa pero natakot din kasi ako. Natakot ako na kapag lumapit ulit ako sayo, masaktan pa kita. Natakot ako na kapag lumapit ako sayo, layuan mo ako lalo. Natakot akong mareject ulit Mika. Kasi after the accident you started making walls around yourself and I just couldn't reach you anymore. Kaya natakot ako.."

Iyak na ng iyak si Ara kaya niyakap ko siya. Oo inaamin ko na after ng incident na yun, lumayo ako sa kanya dahil hirap na hirap na ako. Pero hindi ko alam na ganun din pala siya. Na baka parehas lang din kami na nahirapan.

"Bago ko pa man malaman yung totoong nangyare sayo, matagal ko ng sinisisi yung sarili ko kung bakit ka lumayo sakin. Kasi Mika, hindi naman mangyayare satin yung parehas kung simula pa lang, nakinig na kagad ako sayo. Kung sana nung simula pa lang na sinabihan mo ako tungkol kay Kat, sana nakinig na ako. But I was a fool to believe her instead of believing you.

Then that night came, when Kuya Perry finally told me everything that happened that night. God Mika, hinding hindi ko mapapatawad yung sarili ko!"

Nagsimula na magbreakdown si Ara. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Yung sobrang hina. Yung sobrang vulnerable.

"Ara, kahit kelan hindi kita sinisi sa mga nangyare. Kaya wag ka mag-isip ng ganyan." 

Kumalas ako sa pagkakayayap ko sa kanya at ngayon at tinititigan siya. Nasasaktan akong makita siya ng ganyan. Dahil hanggang ngayon, hindi pa din tumitigil ang mata niya sa pagluha.

"Nung lumayo ako sayo, hindi ko ginawa yung dahil galit ako sayo o dahil sinisisi kita. Lumayo ako kasi gusto kong ayusin yung sarili ko. Gusto kong buohin yung sarili ko. Kasi pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko, nagbago ako. Hindi lang ako nagbago sa pakikitungo ko sa team, sa pamilya ko, sayo kundi nagbago din ako sa sarili ko. Kasalanan ko din naman kung bakit nangyare satin yun eh. Kaya wag na wag mong sisisihin yung sarili mo. Kaya nga hindi namin sinabi kaagad sayo dahil ayokong mag-isip ka pa ng kung ano-ano. Ayokong mas mahirapan ka sa situation ko. Kasi Ara, diring diri ako sa sarili ko. Hindi ko din kayang makasama ka knowing na sa araw araw na makasama kita, nagsisinungaling ako sayo."

Pursuit of Happiness - A Kara FanFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon