Make or Break.

600 15 6
                                    


Ara's POV

I'm now on my way back to our dorm.. Drained and tired about everything that happened today. Alam kong tama lang na tapusin na yung samin ni Bang. Because she deserves someone who can give his all to her.. Someone better. Now, I only have to worry about Mika and Mika alone...

**Pagdating ni Ara sa dorm, umupo siya sa sofa sa sobrang pagod at antok.. Hindi na niya namalayan na nakatulog na siya**

(Meanwhile kay Mika nung umakyat siya sa kwarto nila ni Kim)

Kim's POV

Bumukas yung pinto habang kausap ko si Cienne sa Viber. Bakit basang basa si Ye? Teka. Umiyak ba 'to?

"Mahal, tawag na lang ako sayo tomorrow. Sleep na ako ha?" Sabi ko kay Cienne. Pumayag naman siya dahil aalis din naman sila ng mom niya.

"Oh Ye. Bakit basang basa ka? Anong nangyare sayo?" Hindi man lang ako nilingon ni Mika at dere-deretso siya sa aparador niya at naghahanap ng damit.

"Wala Kim. Naghugas lang ng plato." Sagot naman niya. Pero kilala ko 'to si Mika. At alam kong may tinatago siya sakin."

"Eh bakit namamaga mata mo? Ye, umiyak ka ba?" Tumayo na ako para lumapit sa kanya. Pero bago pa man ako makalapit sa kanya ay pumasok na siya sa banyo.

"Hindi Kim. Okay lang ako. Sige bihis lang ako."

Alam ko na may dinadamdam 'to. Pero hindi pa siguro siya handa na pagusapan. Hayy nako Ye. Kelan kaya maayos lahat ng problema mo?

**Hindi na naintay ni Kim ang paglabas ni Mika sa banyo dahil nakatulog na din siya. Paglabas naman ni Mika at dumeretso na din siya sa kama niya at tumitig sa kisame.**

Mika's POV

Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan lahat ng sinabi mo Ara. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Natatakot ako sa mangyayare kapag minahal kita ulit.. Kahit alam kong hindi naman ako tumigil sa pagmamahal sayo. Ara, di ko alam kung kakayanin ko pang masaktan ng ganun.. Sorry..

**Nakatulog na si Mika sa kakaisip. At ganun din si Ara dahil sa sobrang pagod. Kinabukasan, maaga sila nagising dahil buong araw silang guest sa ABSCBN. Naunang nagising si Kim kaya ginising na niya si Mika.**

Kim's POV

Hayy. Anong oras na ba? Makabangon na nga. Gisingin ko nga muna 'to si damulag. Kita mo nga naman oh. Magang maga pa din yung mata niya..

"Ye.. Ye..." Alog ko sa kanya. 

"Hmm??" Aba tinalikuran pa ako.

"Gising na. Maligo ka na. Gisingin ko na sila." 

"Okay.." Bigla naman siya bumangon. Masama ata ang gising. Baba na nga ako at baka ako pa ang pagbuntunan ng init ng ulo niya.

**Ginising na ni Kim yung ibang Lady Spikers at bumaba na siya kasama si Cyd para magluto. Naabutan naman nila si Ara na nakahiga sa couch at natutulog.**

"Kimmy, anong ginagawa ni Vic dito?" Napatingin naman ako sa gawi ni Cyd at nakaturo siya sa sofa kaya nilapitan ko siya.

"Hindi ko alam eh."

"Teka, ano ba nangyare kagabi?" Nagtatakang tanong ni Cyd.

"Ewan. Diba iniwan natin sila ni Ye na naghahapunan??" Nagkibit balikat na lang ako sa kanya. Maski kasi ako walang ka ide-idea sa nangyare kagabi.

Pursuit of Happiness - A Kara FanFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon