CHAPTER 9 [Comfort]

1.3K 59 0
                                    

CHAPTER 9 [Comfort]

(APPLE'S POV)

Yes! Pumayag uli sya. Piipilit lang namin kasi sya para sumama sa amin tuwing dumadalaw kami. Pero bago yan... mukhang may sasabihin sa amin si Ma'am.

"Ano po yun??" tanong ni Trinity. Tumingin kami rito. Mukhang tuwang tuwa kasi si Ma'am

"Na solve na ang case ni Cress. Napaamin na si Mike na sila ang na una at detalyadong sinalaysay yung nangyari" sabi ni Ma'am

"Ano po ba yung nangyari?"

"Sabi ni Mike... ang gusto lang daw naman nila ay ang gumanti kaya nung nabalitaan nilang pumasok ito kaagad nila sya nilapitan. Kinuha nya yung kwintas na suot ni Cress. Nung una raw lumalaban daw ito pero nung binantaan nya si Cress na hindi nyan ito ibibigay sa kanya. Pumayag ito na magpabugbog" pagsasalaysay ni Ma'am. Kahit kalian talaga hindi na nagbago si Cress. Feeling hero pa rin kaya napapahamak eh.

This time ang lala na ng nangyare sa kanya. Dahil doon. Hindi na sya makakapaglaro ng baseball. Sigurado akong napakalaki ng dahilan nyang yun.

"Eh? Ma'am hindi kop o alam na nagsusuot yun ng accessories. Hindi naman po gusto ni Cress yung mga ganong bagay. Ba't kaya nagsuot yun??" tanong ni Andrey. Tumango tango lang ako.

Tama tama! Hindi nga sya nagsusuot ng ganon.

"Hindi naman kasi sa kanya yung kwintas... Kay Trinity iyon. Tama ba??" tanong ni Ma'am.

Napatingin kami kay Trinity na kasalukuyang napatulala sa sinasabi ni Ma'am.

"Kahit kailan! Nakakainis sya!" sabi ni Trinity. Hindi rin nya pala alam ang nangyare.

Tumayo ito at umalis. Sinubukan ni Andrey na pigilin sya ang kaso tumutol ako.

"Hayaan na lang nating magusap sila" sabi ko sa kanya. Tumango lang ito saka umupo uli.

"Sige na nga" pagsang ayon nya.

(CRESS' POV)

Halos mag iisang buwan na ako naka stay sa hospital. Nilulumot na ako rito. -_- pinaglalaruan ko yung bola ng baseball sa kaliwang kamay ko. Parang stress ball ko na rin.

"Good news Cress..." sabi ng doctor na pumasok sa room ko. "Makakalabas ka na mamayang hapon. Inabisuhan na kita kahapon na hwag munang umasa pero ngayon. Pwede na."

Nagunat ako ng kaunti.

"Yes! Labas na sa kulungan!" sabi ko at napabuga ng hangin.

"... and the bad news is nabanggit ng mga teacher mo na isa kang athlete... I'm sorry to say pero I strictly warning you in playing baseball. Hindi mo kasi pwedeng gamitin ang braso mo lalo na't hindi pa lubusang gagaling yan. Kung makapaglaro ka naman pero hindi na katulad ng dati maraming pagbabago ang mangyayari sa'yo"

"Hehe! Alam ko naman! Ba't sinasabi mo pa?!" tawa kong sabi rito. Napakamot ako ng ulo. "Makakaalis na rin ako sa wakas! Wala namang bad news eh haha! Umalis ka na nga!! Magpapakasaya pa ako" taboy ko rito.

"Mukhang okay ka naman... Sa loob ng isang buwan walang dumaan na kamag anak mo ah maliban sa mga kaibigan mo at guro. Nasan pala ang guardian mo?" tanong ng doctor.

"Si Apple pinsan ko sya. Hindi pa ba sapat na relative yun? At saka doctor ka nasabi mo na yng dapat mong sabihin" sagot ko rito. Hindi naman napikon sa akin yung doctor.

Umalis na lang to na walang salita. Saka ko lang nilabas yung sa loobin ko. Kaagad kong tinapon yung unan ko. Tumayo at pinagsisipa yung kama.

NAKAKAINIS!

HINDI KO NA MATUTUPAD YUNG PANGARAP KO!

[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon