CHAPTER 31 [Bitterness 3]

809 38 1
                                    

CHAPTER 31 [Bitterness 3]

(RYLER'S POV)

Grabe! Natapos ang klase namin na nasa labas silang dalawa. Paano ba naman nagpakabayani si Trinity kaya buong period ng subject nasa labas sila.

Nung oras ng P.E. namin, saka lang sila pumasok. Then agad agad din namin kami lumabas dahil may outdoor game kami. Umupo ako sa wala masyadong tao sa bleachers. Nung mapansin ko na nakita kung nakatingoin si Trinity lumapit ito sa akin.

"=_= Umalis ka nga!" sabi ko sa kanya still galit pa rin ako.

"=___= Bakit ka ba galit?" tanong nito sa akin. Kaagad kong higaan yung buong bleachers para hindi lang sya makatabi sa akin.

"Chu~ Alis! Alis!""

"Ano ako langaw?"

"Bakit hindi ba?"

"Sungit nito! Hindi naman bagay sa'yo. Hindi ikaw yan?"

"Nagsalita? Parang ikaw lang din naman!" sagot ko rito at bumangon. Ayun nakaupo na sya. "Ano ba yun? Ba't ka ba nandito?"

"Sorry na agad galit ka eh!?"

"Buti alam mo!" asar kong sabi rito. "Oh? Kumusta kayo?"

"Sinong kayo?"

"Kayo ni Ace? Wala na talaga?"

"I'm fine!!!" sabi nya at nakangiti. Oh? Ayan na naman sya! Ang layo ng sagot sa tanong ko. Kanina ko pa nahahalata to. Sobrang bitter ni Trinity! Kala mo nasapian ng namatay na ampalaya eh!? "Wala na sa akin yun?"

"Uh? Ha? Ano?" tanong ko na gulong gulo sa babaeng to.

"Tsssk~ Wala na yun! Past is past!" sabi nya na parang binabaliwala lang ang nangyare.

"Agad agad? Hindi ka man lang kita nakitang nag emote? Basta umabsent ka lang kahapon tapos ngayon okay ka na?" gulat kong sabi rito at napakamot ng ulo. "Seriusly? Pero tingin ko para ka talaga may sapi."

"Don't me! Wala na sa akin yun? Oo nalungkot ako ng una pero after that okay na agad para nga akong nabunutan ng tinik eh" sabi ni Trinity at kumikilos na parang chill na chill lang sya. "Siguro nga mas okay na rin yun di ba? Atleast sya masaya na sya roon, Ako! Masaya na ko sa buhay ko? Para wala nga lang eh"

[Hindi ako bitter stage: Kapag may nagtanong tungkol sa break up or etchetara, Ipaparamdam ng mga ampalaya na hindi sila affected. Yung parang wala lang sa kanila ang nangyare. Kung baga parang bagong panganak lang balik sa pagiging inosente.]

"Susme! Nilalagnat ka ba?" tanong ko rito. Seryoso akong nag aalala sa babaeng to. Marami na rin kasi akong naririnig na marami raw ang nababaliw dahil sa lalaki.

Ace! Ginawa mong sira ulo si Trinity. Hindi ko kinaya yung panay pagngiti ng taong to. Hindi talaga sya, natatakot na ko baka mamaya may hawak na pala to ng kutsilyo tapos saksakin ako!

O kaya may nakatanim pa lang upuan sa kinauupuan ko kaya lumapit sa akin para tingnan na sumabog yung lamang loob ko.

O di naman kaya nag hire siya ng gunman para barilin ako.

Bigla akong napalingon sa paligid at nagmasid masid sa bawat kanto ng field. Totoo kaya? Kinikilabutan na ko.

"Ikaw? Move on AH I mean Ayus ka lang?" tanong nya sa akin.

Tumingin ako ng masama rito at kinuha yung bag nya. May sabit sabit kasi tong bag sa likod. Nagtataka naman syang nakatingin sa akin habang kinakalikot ko yung bag nya.

[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon