CHAPTER 24 [Gone]

898 42 2
                                    

CHAPTER 24 [Gone]

(TRINITY'S POV)

Sinimulan na nila yung umaga ko. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang kaagad na bulungan na ang naririnig ko.

Kaya kinausap na ako nila Agi, Ryler, Cress at Apple. Talagang nag sanib pwersa silang lahat. Hindi na raw kasi biro yung nangyayare sa amin. Seryoso na yun!? Hindi ko pa naman nababanggit sa kanila yung deal namin ni Janine.

"Ano bang nangyare?" panimula ni Cress. Nasa field kami doon kami tumatambay eh. Medyo mapuno kasi roon kaya may silungan kami sa sinag ng araw.

"Alam mo kasi Trinity? Hindi na kami nagbibiro ah!? Seryoso na to.... Kumakalat kasi sa school na may ginawa ka raw kay Janine sa locker room" pag oopen naman ni Apple.

"Alam naman namin na hindi mo magagawa yun? Hanggang titig ka lang naman eh!? Kaya imposible talaga" pagtatanggol naman sa akin ni Agi.

"Ay Ewan!? -.- Obvious naman eh. Si Janine ang may gawa nun no" paghihinala ni Ryler. "Kung ako ang tatanungin nyo... ayaw naman ni Ace yung babaeng yun eh. Para ngang baliw yun eh!?"

"Uy!? Ano Trinity? Hahayaan mo lang ba kami mag salita? Magsalita ka rin" sabi ni Cress na kanina pa nakatingin sa akin.

"Oo nga pagtanggol mo naman sarili mo!" sabi naman ni Agi.

"Hwag mo hahayaang mag karoon ka ng maling issue rito sa school Trinity!?"

"Hayyy! Nako! Tikom ang bibig lagi" reklamo ni Ryler.

"Puro naman kayo ganyan =___= Hindi ko maipagtanggol yung sarili ko kasi lahat kayo nagsasalita. Nakakahiya naman kung sisingit pa ako?" sabi ko sa mga to nanahimik sila at napatingin sa isa't isa.

"Kasalanan mo Apple! Ano ano kasi yung pinagsasasabi mo?" pagsisisi ni Cress sa pinsan nya.

"Anong Ako? Si Ryler malakas mang asar" pagtanggol ni Apple sa sarili.

"Ako pa ngayon? Kayo nga itong madaldal hindi makasingit si Trinity" sabi naman ni Ryler.

Ayun nauwi sa turuan nila sa isa't isa yung usapan namin. Makita ko pa lang silang nagtatalo talo. Natatawa na ako. Kaya kahit puro issue na ang kinakaharap ko ngayon. Nakakalimutan kona rin kahit papaano dahil sa kanila.

"Ikaw kasi Cress hwag mo ng ligawan si Trinity!? Kay Ace yan eh!?" sabi ni Ryler.

"Ano? Ako? H-Hindi! Hindi ah! Nagkakamali ka! Hambog nito!?" namumulang sabi ni Cress hindi sya sanay sa usapang ganito.

"HahaXD Cress nakalunok ka ba ng sili? Namumula ka?" tawa ni Apple sa pinsan nya.

"Trinity... Mahiyain pala si Mr. Bad Boy oh!? Kung makamula ng pingi kala mo naisampal yung Blush on sa mukha nya." Tuwang sabi ni Agi.

"Nakakakilabot kayo! Tigilan nyo yan ah! Iba na agad yung atmosphere nyo! Atsaka wala namang kinalaman yung mukha ko rito ah in born na akong ganito kaya wala na kayong magagawa" sabi ni Cress. Lumapit si Apple para guluhin yung buhok ni Cress. "Hoy! Bagong wax yan! Alis!!!! Teka! Si Trinity... may problema. Hwag kang magulo"

Pfffft~

Natatawa ako sa kanila. Pinigilan kong tumawa sa pinaggagagawa nila.

"Trinity!" napalingon kami sa taong tumawag sa pangalan ko. Natahimik kami ng makita namin yung nakatayong lalaki. Si Ace yun. "Pwede ba tayong mag usap"

"Guys! Alis muna tayo" pag aaya ni Ryler.

"Hindi dito lang ako!" matigas na sabi ni Cress at nakacross arms pa.

[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon