CHAPTER 34 [Bitterness 5]

737 38 0
                                    

CHAPTER 34 [Bitterness 5]

(TRINITY'S POV)

Higit isang linggo mula nun, nakabalik kaagad si Ryler sa pagkakahospital. Actually, hinilot at tinapalan lang naman ng cold treatment yung injury. Sabi ko sa kanya magpahilot na lang sya sa manghihilot eh. Tapang neto =_= hayaan na natin sariling buhay na yan.

Wala kaming pasok ngayon. Kaya hinayaan ako ni Kuya na magpachill chill ngayon. Nung nakaraan ang weird nila kasi pagpasok ko lahat sila nakatingin sa akin. Yung sila, sila na mga kaibigan ko.

*ONE WEEK AGO~

Kasalukuyang may klase kami ngayon sa Filipino subject namin. Nang biglang pumasok si Ma'am Adviser at kinausap yung teacher namin ngayon oras.

"Trinity, come here" tawag sa akin ng adviser namin. Lumapit naman ako rito =_= may ginawa na naman ba ako?

"Ano po yun?" tanong ko rito.

"Nagpalabunutan ako ng mga pangalan nyo, ang mabubunot sya ang maaasign para sa music doon sa Recording room" nakangiting pagkwento ni Ma'am. Anong kinalaman ko riyan? "And then unexpectedly ikaw ang nabunot Trinity, so ikaw na ang bahala ah don't worry may kasama ka naman sa room. Madali lang anman ang gagawin, Mamimili ka lang ng mga magagandang kanta at iplay yun on air"

Bakit ang malasmalas ko talaga pagdating sa mga bunutan na ganyan ah!? Anong bang ginawa ko sa palabunutan na yan at sa akin binubuntong ang lahat.

Meron kaming radio rito sa school pero ang naka ereng station at produce mismo ng school. Sa recording room sila nag gaganon.

"Ah?"

"Yeah! Ngayong tanghali lang naman eh kaya kumain ka na ng maaga ah"

"Ah?"

"Good luck!" sabi ni Ma'am at naka thumbs up pa.

Tulala akong bumalik sa kinauupuan ko. Habang nagtataka naman sila Agi at Ryler na nasa tabi ko. Please! Please! Please! Hwag kayong magtanong!?

"Anong nangyare?" sabay nilang tanong sa akin.

Ayan na nga! Mga hindi mapigilan ang bibig.

"Wala yun! May pinapagawa lang sa akin. Mauna na kayo mag lunch hindi ako sasabay mamaya" paalam ko sa kanya.

"bakit?" sabay nilang tanong.

"basta... mahalagang importante!"

"babantayan moba ang president ng pilipinas ha?" hula ni Ryler.

"O baka naman ipapapunta ka na naman sa office" hula naman ni Agi.

"Hindi! Mahalangang importante wala kayo kasi manggugulo lang kayo" reklamo ko at napahalumbaba.

Binilisan ko lang ang quiz namin at nagpaalam sa teacher namin na ako muna ang mag aasikaso sa recording room. After ng isang mabilis na lunch dumeretso agad ako sa room at kaagad na binuksan yung pinto.

Nakita ko yung mga staff sa room na nakatayo at akmang aalis.

"Ah? Anong ginagawa nyo?" tanong ko sa kanya. Habang hawak nila yung kanya kanyang mga lunchboxes. "=_= Anong gagawin nyo pala?"

"Sakto! Nandyan na pala yung papalit sa atin eh!?"

"nagkakamali kayo! Nandito ako para lang tumulong" sagot ko sa kanila pero hindi sila nakinig sa akin nagpatuloy lang yung iba sa pag alis sa kwarto.

[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon