CHAPTER 40 [Mr. Hulk 2]
I still hear your voice
When you sleep next to me?
"Anong 'shhhh~' teka? Ikaw ba talaga yung Joker dati?" tanong ko sa kanya. Nung nakapasok kami sa loob doon lang sya humarap sa akin at tumango. Kung ganon sya nga yun? eh sino ba sya? "Ano nga pala yung pangalan mo Joker?"
I still feel your touch
In my dream
Forgive me my weakness.
But I don't know why
Umiling lang ito sa akin at itinuro yung lalaking nasa taas ng malaking hagdanan. Isang lalaki na naka tuxedo rin at may hawak na isang rosas na pula. Naka maskara ito na hulk. Sya yun? sya yung lalaking yun. si Ace nga yun?!
Without you it's hard to survive
Napatingin ako sa paligid ng makita ko yung paligid na parang set up ng dati kong birthday party nung bata ako. Hindi bababa sa sampung katao lang na kaedad ko rin ang nandito at lahat sila nakangiti lang sa akin. Si Joker at si Ace este yung nagpapanggap na hulk lang ang nakamaskara katulad nga ng dati.
'Cause every time we touch
I get this fear
And every time we kiss
I swear I could fly
Itinulak ako ng marahan ni Joker. Kasabay ng paglalakad ko papalapit ay ang pagbaba naman ni Hulk sa hagdan.
Hanggang sa nagtagpo kami sa ibaba nito. Naramdaman ko na lang yung marahan na pagtapik ni Joker sa likod ko at pumuwesto sya sa likuran ni Hulk.
Can't you feel my heartbeat fast?
I want this to last
Need you by my side
Totoo ba to? Si Ace...
Hinawakan nito ang kamay ko para ayain akong sumayaw sa saliw ng awit ng cascada.
'Cause every time we touch
I feel the static
And every time we kiss
I reach for the sky
Ngayon lang ako natulala ng ganito. Simula pa noon nahulog na kao sa kanya. Utang ko sa kanya ang lahat. Mahal na mahal ko na nga yung taong to. Sana nga sya na.
"Hulk! Tanggalin mo na yan" utos ni Joker mula sa likod nito. Napalingon sya at kaagad tinanggal ni Joker ang maskara ni Hulk.
"Ace?" tanong ko pero hindi pa rin sya humaharap sa akin.
"Bakit?" tanong ni Joker at itinanggal ang maskara nya. Teka! Tama ba tong nakikita ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita na si Ace ang nasa likod ng Joker na mascara.
"Teka? Kung ikaw si Ace... Sino sya?" tanong ko. Nakatingin lang ako kay Hulk AY! Sa lalaking ito pala.
"Mr. Hulk! Tinatanong ng prinsesa mo yung pangalan mo" pabirong tapik ni Ace sa lalaki.
Humarap ito sa akin. Nang makita ko ang mukha nya na parang pamilyar. Sya? Sya ba ang lalaking yun?
"Nawala ata ang bibig nito! Anyway... Princess Janie meet your prince, The Incredible Andrew" pakilala ni Ace sa akin. "Nagkataon lang dati na ako ang naabutan mo"
BINABASA MO ANG
[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)
RomansA life na naging sila na. Sa paglayo ni Ace kay Trinity, maraming mga bagay ang sumubok sa pag iibigan nila. Love conquers all. Mapagumpayan kaya nila ang mga pagsubok sa relasyon nila?