CHAPTER 16 [RETREAT: It's over but not totally]
(ACE'S POV)
"Ha?" gulat kong sabi sa kanya kahit na nananakit pa ang isa kong braso dahil sa gasgas. Hinawakan ko pa rin yung kamay nya at niyakap uli sya. "Trinity... hindi! Kaya ko naming ayusin yun eh"
"Hindi Ace... Hindi mo kaya" sabi nya sa akin.
"Ba't ba ang bilis mo namang sumuko Trinity?"
"Hindi ako sumuko, pagkakataon na mismo ang humingi ng permiso para itigil na to. Ace hindi mo ba napansin... simula't sapul puro na lang problema ang dumarating sa atin"
"Trinity... kaya may problema para tumibay tayo"
"Sigurado ka ba?" tanong nya sa akin. Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Ano bang nangyayari sa'yo? Ba't nagbago ka na?"
"hindi ako nagbago, pinagtibay lang ako ng panahon na wala ka"
Hindi ko alam yung ginawa ko pero, yung Trinity na kausap ko ngayon mas matigas pa sa purong bato.
"Sorry Trinity" pagiyak ko uli sa kanya. Hindi ko na kayang tiisin yung nararamdaman ko. Lalo na sa mga sinasabi nya.
Sobrang bigat sa dibdib.
"Hwag ka ng umiyak... Isipin mo na lang isang panaginip yung pinagsamahan natin"
"Hindi ko kaya!" sabi ko rito at humihikbi.
"Kaya mo" payo ni Trinity. Sa hindi ko malaman na dahilan dahandahan ko naiipikit ng kusa ang mata ko.
(TRINITY'S POV)
Hindi nagtagal. Napatigil si Ace sa pag hikbi. Kaya iniyugyog ko uli ito.
"Ace kailangan na nating umalis"
"Ace?" tawag ko. Hindi na kasi ito kumikibo sa akin. "Hoy! Ace! Tigilan mo na yung pagtulog dyan!"
"Hindi na nakakatawa yan ah!" sagot ko rito nang natingnan ko ang mukha nya. Namumutla na ito at nanginginig na ang katawan sa sobrang lamig. "Huy! Ace naman eh?!"
Kabado na ako at hindi mapakali kaagad ko syang niyakap para mainitan ang katawan nya. Sobrang pag aalala ang nararamdaman ko ngayon.
"Sorry Ace!" sigaw ko rito at mas hinigpitan pa yung pagyakap sa kanya. "pero kailangan eh!?"
"TULONG!!!!! TULONG!!!!" sigaw ko ng malakas nakarinig ako ng kaluskos sa itaas ng butas na ito. Parang may taong papalapit. "TULONG!!!!! NASA BUTAS KAMI!"
May anino ang tumakip sa makulimlim na sinag ng araw. Hindi ko mamukhaan kung sino yun.
"Nandito kami! Yung kasama ko tulungan nyo!" sabi ko sa taong yun.
"Cress halika rito! Nandito sila! Iabot mo yung lubid dali" utos nung lalaking naka silip sa amin. Kasama nya si Cress?
Unang naihon si Ace sumunod ako. Kaagad kaming pumunta sa medical tent na naka stand by mula sa camp.
Wala akong naging ni isang sugat sa katawan maliban sa naulanan ako. Pero yung kay Ace... Mukhang sinalo nya lahat ng sugat na dapat na nasa akin.
"Ace..." bulong ko mula sa labas ng tent. Biglang may humaplos ng likuran ko.
"Ayos lang sya... Alam ko yun, matigas ang bungo nun kaya buhay pa yun" sabi ni Cress sa akin. "Oo nga pala... sya yung sinasabi kong ka roommate ko. Sobrang bait nyang pero mas sobra ang kakulitan nyan."
BINABASA MO ANG
[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)
RomanceA life na naging sila na. Sa paglayo ni Ace kay Trinity, maraming mga bagay ang sumubok sa pag iibigan nila. Love conquers all. Mapagumpayan kaya nila ang mga pagsubok sa relasyon nila?