CHAPTER 41 [Do you want to try?]
(ACE'S POV)
Sa isang gabi na yun, naayos namin ang lahat. Bumalik na sa dati yung buhay ko pero hindi pa lahat...
"I'm sorry Ace"
Kasalukuyan kong kaharap si Lolo. Napadalawa kasi sya sa akin sa bahay na binigay nya sa akin. Sya nga ang nagbigay nito para lang matuloy yung plano na ipakasal sa akin si Janine buti na lang at nagkausap ang dalawa. Tapos ngayon humihingi ng tawad si Lolo sa akin.
"I'm so sorry nagipit lang tayo nun. I'm sorry"
"hindi mo na mababago ang lahat. Pwede ba tigilan nyo yung pagmamakaawa sa akin ng ganyan" sagot ko sa matanda. Napatingin ito sa akin at bigla rin naman napayuko.
"Sorry Ace, kung nabago ko yung ugali mo. Sorry kasalanan ko!" sabi nya habang na ngangatog ang boses. Lumapit ako rito at tinapik yung balikat nya.
"O sige na... galit ako sa'yo pero hindi ibig sabihin nun hindi kita gusto. Tao ka pa rin" sagot ko rito para mapakalama sya. Ganoon rin yung sinabi k okay Janine dati. Ganun na ganun mismo. "Hindi naman ako nagbago eh"
"I'm sorry Ace"
"=___= Tigilan nyo na yan okay na nga eh" sagot ko rito at napamot pa ng ulo.
May inilabas si Lolo na isang sulat mula sa bulsa ng polo nya. Iniabot nya ito sa akin habang pinupunas ang luhang namuo sa paghihingi nya ng tawad.
"Ano yan?" tanong ko at kinuha yung sulat. Binuksan ko yung sulat at binasa.
"Batch reunion" banggit ni Lolo.
"Uhh? Dati kong school to pero hindi naman ako dito nagtapos"
"Oo alam ko naman pero hindi ako ang kumuha ng invitation na yan. Iniabot sa akin yan ni Ryler. Siguro may kailangan ka lang na harapin?" tanong nya at pinagmasdan yung reaksyon ko.
Kaagad akong napanguso at napakunot ng noo.
"I knew it! Puntahan mo.. Anyway wala ka ng bantay kaya libre ka ng lumabas ng walang nangengealam sa'yo" sagot ni Lolo at tumayo. Inayos nya yung necktie nya para bumalik sa trabaho.
"Hindi! Wala! Ano ba yun!?" tanong ko kay Lolo. Mayhindi sya sinasabi sa akin eh.
"Hwag ka na nga mag maang maanggan dyan. Ace... lahat ng dahilan nasabi mo na para makatakas sa arrange marriage nyo ni Janine"
"HALA! Aba! Paano nyo naman nalaman yan?" tanong ko rito. Lumapit sya sa akin at tinapik yung balikat ko katulad ng ginawa ko sa kanya kanina.
"I knew it because you are my grandson. Katulad ka lang din ng papa mo" sabi nya. "parehas na mapusok, maharot, makulit at easy to read person"
"lo!" tawag ko rito pero hindi ito lumingon sa akin. Derederetso lang ito naglalakad palabas sa sala. "Matanda na kasi eh! Hindi na ko marinig~ Salamat Lo"
Hindi ko inalis yung titig ko sa kanya at kaagad naman syang napalingon pagkatapos kong magsalita.
"I hear it! Don't me! I'm still young"
"You're too old"
"Hay Ace! You're welcome" sagot nya ta kumaway bago tuluyang umalis. Ang layo ng sagot nya sa binanat ko pero tingin ko narinig nya yung sinabi ko.
Ngayon masasabi kong maayos na yung relasyon namin ni Lolo. Tutal ang sabi sa sulat ay 8pm pa ang start. Mas minabuti kong lumabas muna ng bahay para magpalipas oras.
BINABASA MO ANG
[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)
RomanceA life na naging sila na. Sa paglayo ni Ace kay Trinity, maraming mga bagay ang sumubok sa pag iibigan nila. Love conquers all. Mapagumpayan kaya nila ang mga pagsubok sa relasyon nila?