Chapter I - Knowing the True Me

181 2 0
                                        

KRIIIINGGG! KRIIIINGGG! 



Argggh! Tumunog na ang alarm ko. Ang bilis naman ata magpakita ng araw ngayon.



Kailangan ko nanamang gumising, sobrang inaantok pa ako. Paano nga naman kasi ako di aantukin? Wala pang 3 oras ang tulog ko dahil buong magdamag kaming magkausap ng bestfriend kong si Kyra. Wait, take note the word "bestfriend". Kyra is my bestfriend not my girlfriend okay! Nagkukunwari lang kami sa school na gf ko siya para mas kapanipaniwala na isa akong lesbian ( tomboy in other words).



I know it's so disgusting but kailangan kong gawin yun. Minsan naaawa nga ako sa kanya dahil pati siya nawawalan ng lovelife dahil sa kabaliwang plano na ito. 



Oo nga pala bago ko makalimutan, ako nga pala si Veronica Lim. Korean si Dad at Pinay naman si Mom, so in short I'm half-Korean pero dito ako pinanganak sa Pinas so di ko ganoon na sinusunod ang culture ng koreans. Never kaming tumira sa Korea, nagbabakasyon lang kami palagi doon. 15 years old na ako at kasalukuyang 4th year high school. Galing ako sa isang mayaman na pamilya and I'm so ungrateful for it, I have reasons for it so don't judge me right away. Hindi lahat ng mayaman maganda ang buhay.



Anyway, going back dun sa pagpupuyat namin. Ang pinagusapan lang naman namin buong magdamag ay kung paano ko mapapaturn-off ang parents ni Janus. Janus is my childhood friend actually apat kaming childhood friends kasama doon si Kyra at Jace (ang pogi kong pinsan ^_^). Since business partners ang parents namin ni Janus super close ng family namin napagkasunduan ng mga baliw naming mga magulang na ipa-fix marriage daw kami, to think na 7 years old pa lang kami nung time na iyon pagpapakasal na agad ang iniisip nila.



As if naman noh! Syempre di ako papayag >.< It's like I'm seeing Janus' face everyday at nakakaumay na kaya :P 



That's why my cousin Jace and my bestfriend Kyra helped me to think a plan para matakasan ko ang pagpapakasal. And we came up to these weirdest idea which is me pretending to be a lesbian.



I know it sucks! But we couldn't think of a better idea. Kaya simula noon ipinapakita ko na ang fake side ko which is so boyish. Sobrang hirap sa una pero buti na lang nandyan si Jace na sumusuporta sa akin.



Tinuturuan niya akong maglaro ng basketball, soccer, video games at iba pang laro na kadalasang kinaadikan ng mga lalaki. Di naman nagtagal naka-adapt na din ako kahit papaano eto nagmumukha na akong lesby. Pati taste ko sa pananamit pinalitan ko pati na rin ang hairstyle ko. Palagi ng maikli ang buhok ko. Minsan napagkakamalan na nga akong lalaki sa labas dahil sa porma ko at dahil na din flat-chested ako >.<



Sinabihan lang naman ako ni Kyra na magpaka-wa poise bukas. Bukas kasi magdi-dinner kami sa bahay ng Chui family. Janus is from the Chui family, thrice a year kasi nagkakaroon ng bonding time ang families namin at ang first bonding time ay bukas. Basta sobrang dami ko ng plano para bukas sana kumapal ng sobra itong mukha ko para magawa ko talaga ang mga iyon.



Maaga ako gumising ngayon dahil kailangan kong pumunta kanila Jace. Malayo na kasi ang bahay nila sa amin kaya kailangan maaga akong umalis para maabutan ko yung competition nila mamaya. Hay, kung sumama lang kasi sa akin yun si Kyra edi hindi lang ako nag-iisang inaantok. Ang daya talaga nun!



 * * * *


Syempre dahil isa akong pasaway na bata, umalis ako ng walang paa-paalam. Basta takas na agad habang hindi pa nagigising sila Mom and Dad. Nagiwan na lang ako ng instruction sa mga kasambahay at driver namin na sabihin na hindi nila ako nakitang umalis ng bahay para hindi sila mayari. Over protective kasi ang parents ko, eh sa only child daw ako at babae ako di nila ako pinapayagan umalis mag-isa. Tssss. Kung alam lang nila kung hanggang saan ako nakakarating kapag kasama ko ang pasaway kong pinsan na si Jace.



Tumunog ang phone ko.


May tumawag. Tssss. Buti na lang nakapag-ninja moves na ako palabas ng bahay.



"Hello?"

"Uy, Ron san ka na?" ( tinatawag lang akong Ron ng mga close kong tao)

"Kakalabas ko lang ng bahay eh."

"Ahh ganun ba? Malapit na ako dyan hintayin mo na lang ako."

"Ehh bus na lang ako para masaya!"

"Wag ka nga pasaway, susunduin na nga kita para safe. Kapag may nangyari pa sayo yari ako kanila tito."

"Panira ka talaga!"

"Ganoon talaga kapag pogi. Sige na bye baka mahuli pa ako na nagce-cellphone habang nagmo-motor."

"Hoy Jace! Baliw ka talaga. Ibaba mo na nga!"

"Ok po princess."



Hay pang-asar talaga si Jace. Minsan nakakaloko ng utak! Ang kabaliwan talaga ay nasa genes XD


Maya-maya ay dumating na si Jace dito sa tapat ng bahay namin..



"Tagal mo ah. Akala ko ba malapit na?"

"Baka traffic."

Binigay na niya yung helmet.

"Wala ka bang tulog?"

"Wala. Di halata ang laki ng nga ng eyebags ko." sabay pout

"Nagtelebabad nanaman kayo ni Ky."

"Pano mo alam?"

"It's man's instinct."

"Sus. daming alam tara na nga. Nang makatulog pa ako sa bahay niyo." umangkas na ako sa likod ni Jace

"Kapit ka ng mahigpit."

"Opo boss Jace."

Nag-smirk siya sa akin.  Ang pogi lang naman niya. HUHU kung hindi ko lang talaga 'to pinsan matagal na ako na-fall sa kanya. Landi level 9999 whoooo! 


Pinaandar na niya ang motor at naramdaman ko nanaman ang worst feeling . . .



pakiramdam ko humihiwalay na sa katawan ko ang aking kaluluwa T.T



Somebody help!

Miss Feign LookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon