Chaper IV -New Family

98 2 0
                                    

  _____________________________________________________

Nakasakay na ako ngayon sa car namin. Kasama ko si Mom, si ate Martha (yung yaya ko) at si Mang Cesar (yung driver namin). As usual, binubunga-ngaan nanaman ako ni Mom.



"Sinabi ko naman sayo Veronica huwag na huwag ka ng magpapaabot ng gabi kung saan. Napag-usapan nanaman natin ito ng Dad mo diba!Yaya Martha did you bring my medicine? I think I'm having a headache. Sakit sa ulo talaga itong batang ito."



Binigay ni Yaya Martha ang gamot ni Mom. Hindi ko talaga sila maintindihan ni Dad, kahit na kanila Tita na mismo ako nakikitulog to think na kamag-anak ko sila, ay hindi pa din nila ako pinapaayagan. Kanina napansin ko na nagalit si Mom kay Tita kahit wala namang ginagawang masama si Tita, minsan ang bipolar talaga ng nanay ko. Tapos ang over protective niya sa akin minsan nakakasakal at nakakainis na eh!



"Mom, what's the problem with that? Wala namang masamang mangyayari sa akin if I'm staying at their house. Don't you trust you sister?"



She gave me that don't-talk-like-you-know-something look niya. And swear it gives me chills all the time, kaya hindi na ako naglakas loob na magsalita pa ulit. After that, wala na kaming narinig except for the deafining silence inside the car.



Nakarating na kami sa bahay. As I expected galit na galit si Dad sa akin. Pero alam ko naman na worried lang siya sa akin but still, it's irritating when parents always limit me.


"Yaya Martha, can you please assisst Veronica." utos ni Mom


"Yes po Ma'am."



"And also, I want you to choose the dress that she will be wearing. Don't let her decide for herself she would just look pathetic. I don't want to be embarassed in front of the Chui's."



"Yes ma'am."



Tchh. Look pathetic pa siyang nalalaman. Whatever! Bahala silang mapahiya mamaya ni Dad.



Sinamahana ko ni Ate Martha sa kwarto ko, may nakahanda na silang dress na ipapasuot sa akin. Pink dress to be exact. So girly, so not me. After ko maligo, pinasuot na sa akin yung dress with matching purse pa at sandals. Irritating!!!



On the way, I put my headphones on at natulog sa sasakyan. Ayokong mapagalitan nila Mom and Dad ng dahil sa pago-overnight ko kanila Jace. Not now.



Dumating na kami sa mala-mansion na bahay ng Chui Family, no wonder kung bakit gusto ako nila Mom and Dad ipakasal kay Janus. Pagsama-samahin ba naman mga ari-arian ng families namin, naku ang yaman talaga. Wala naman silang ibang inisip kung hindi kung paano lang sila yayaman. Pati akong anak nila ginagamit nila sa pagpapayaman, asaaaaaaaaaaar talaga!

Miss Feign LookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon