Chapter XI- Unsettled Business

51 2 0
                                        


OK fine. 2 weeks na ang nakakalipas at akala ko tuluyan na akong nakatakas. Hindi pa pala :'( huhu saklap lang.




Tinawagan ako kanina ni Jace. Ayun, napagtripan daw silang dalawa ni Red ni Lexus. Binugbog daw sila at sinaktan. Hinahunt na pala kasi ako ng loko.



At ayan takot na takot ang pinsan ko dahil nga leader ng frat si Lexus at alam niya na sa susunod hindi na lang pasa at gasgas ang matatanggap niya pero bilang dakila kong pinsan ayaw niya pa din ako magpakita Kay Lexus.




Ngayon, damay na damay na talaga si Jace. 




OK lang naman sa akin na magtago. In the first place bawas gastos at problema kasi. At secondly, this is all because of JACE! ABA DAPAT LANG NA TULUNGAN NIYA AKO DAHIL SIYA TALAGA ANG NAKAWALA NG LETSENG SKATEBOARD NA YUN! Ang mahal mahal akala mo naman gawa sa ginto! Pero syempre nagw-worry ako para kay Jace pati sa mga kaibigan niya. Masyado naman yatang nagc-cross ng line ang physical violence! Lokong Lexus, grrrrrrrrrr!




Ngayon nasa mall kami ni Ky. Ano pa nga ba' t nagsashopping. Namiss ko ito noh! Ilang linggo ba naman akong namulubi.




"So saan na tayo Ron?" tapos na kasi siyang bumili ng dress niya



"Samahan mo na ako sa pagbili ng sneakers."



"Okie dokie!"



Mabilis akong nakabili ng sneakers ko dahil matagal ko na talagang gustong bilhin 'to.



Kumain muna kami bago napagpasyahang umuwi.



"Hayy, I've miss this! Ang tagal na kasi nating hindi lumalabas ng magkasama." sabay cling sa arm ko etong si Ky. Akala mo naman hindi kami nagkikita araw araw.



"Kahit ako namiss kong magkapera."



"OMG Ron look!" nagulat naman ako at bigla siyang sumigaw.



"Ano ba yung . . ?" napatigil na lang ako sa pagsasalita at napanganga.



"Is that ate Cha?" nagulat ako dahil nasa cover ng magazine si ate Cha na binibenta na sa stores

Miss Feign LookMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon