Chapter XXIII- What's the Point?

18 0 0
                                    


Binalik na sa akin ng parents ko lahat ng gadgets ko. After ko mag-charge nakita ko ang mga messages and sandamakmak na missed calls na galing lang naman sa ta-tatlong tao na sila Ky, Lexus at Jace. 



Hayyy. Bakit ganoon? After seeing all their sweet messages and motivations, I feel nothing. Nakakapagod din palang magkunwaring malakas ka at okay ka. Kasi in this point of my life, I feel so useless and tired. Tama na self.


Because let's just face it, I don't have the courage to face it.


After akong kausapin kahapon nila Mom and Dad saka na din tumigil ang mga mata ko sa pagluha. Napagod na silang tuluyan. Napagod ng umasa na baka, baka may chance pa na maging malaya at masaya na ako. Kasi in the end wala pa din. Kailangan ko ng tanggapin na may fixed marriage talagang magaganap. The freaking hell!!!!



Kanina pa ako nakahiga dito sa kama kong tulala. Inabot na ako ng umaga at kailangan ko pang pumasok sa school. But for what? Paano ko haharapin sila Ky at Lexus? After everything that happened sobrang nahihiya akong magpakita sa kanila. Ayokong kaawaan nila ako. Dahil ako umay na umay na ako sa pagkaawa sa sarili ko.


I don't want to be pitied. I don't need it because I have enough pity for myself. Poor me.



"Ron, gising ka na papasok ka pa." pangatlong balik na ito ni Yaya sa room ko.



Finally I had the urge to stand up at pagbuksan siya ng pinto. Hindi ko siya dapat idamay sa pagkainis ko sa buhay ko. Yaya is the only one who truly cares for me in this house.



" Yaya, I'm sorry but can you tell Mom and Dad that I'm not feeling well. Ayoko pong pumasok ngayon." I said timidly.



"Hala bakit ano ang masakit sayo? May lagnat ka ba?" Masakit? Oo, may masakit sa akin. Masakit ang puso ko, sobra.



"Yaya don't worry kaya ko pa asikasuhin at alagaan ang sarili ko."



"O sige, tatawagan ko na lang ang parents mo. Maaga kasi silang umalis ngayon. Kung may kailangan ka Ron tawagin mo lang ako, ha?"



"Opo Yaya thanks a lot." paalis na siya yaya ng bigla kong hinug ang likod niya. Hindi siya gumalaw for a second pero humarap siya at niyakap ako ng mahigpit.



"Ron, kakayanin mo yan ha. Maniwala ka. Darating at darating din ang tamang panahon na maiintindihan ka nila. Siguro hindi pa sila handa sa ngayon kaya wag kang mapapagod na intindihin sila."


Feeling ko secured na secured ako sa yakap ni Yaya. Ayokong pumiglas at gusto ko ganito lang kami. Pero hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang mga sinabi niya. Wala na akong maramdaman. I feel like I'm already dead inside. My emotions and feelings are failing me now. Siguro masyado ko nang nagamit lahat ng pakiramdam ko kaya ito, manhid na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss Feign LookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon