Chapter XII - Payment/Punishment

63 2 0
                                        

"Yo - you - you're a g-g-g-girl????"



Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin kaya tinakpan ko na lang ang mukha ko at tumalikod. Mabilis akong tumakbo palayo.



Sheeeeez!!!!! Nakita niya ako. Wala na. Wala na :'(



Lexus' POV


Ok that was unexpected. 



Sobrang nagulat talaga ako ng nakita ko yung magnanakaw na yun na nakasuot ng girl's uniform.



Akala ko nga kakambal niya eh. Sh*t! Sobrang tanga ko naman na hindi man lang nahalata na hindi pala siya lalaki. Ang akala ko lang talaga eh may pagmalambot kumilos yung letseng lalaki na yun, ay hindi babae pala siya. Teka, babae nga ba siya?



Sinadya ko talagang mag-transfer ng school dahil sa kanya. Gusto ko sana siyang pagtripan, resbakan at gantihan dahil sa pagnanakaw niya sa PINAKAMAMAHAL KONG SKATEBOARD AT ANG PAGTAKAS SA UTANG NIYA!!!! Pero wala na! Nasira na ang plano ko! Ang sagwa naman nun na makita ng lahat na nananakit  at pumapatol ako sa isang babae. Pero hindi naman yata siya babae? Damn it!



Sh*t nanggigigil nanaman ako sa kanya. Pero ngayon mas lumalala na. Letse talaga! Bakit ba kailangan niya ding magpanggap na lalaki sa harap ko? Ako talaga ang pinagloloko ng hinayupak na yun? Tignan lang niya. Kaya ko siyang pahirapan kahit hindi ko siya sasaktan physically.



Hindi ko na siya hinabol. Bahala siyang magtago sa akin, kahit ano namang gawin niya magkita't-magkikita pa din kami. Schoolmates na kami ngayon, at wala na siyang kawala >:)



Bumalik na ako sa classroom namin. Ang aga ko kasi natapos kumain ng lunch. Nakakabadtrip lang ang daming babae ang pumupunta sa classroom namin ngayon at pasimpleng padaan-daan. Tsk.



**********************


Ron's POV



Shemay.Shemay.Shemay. Dismissal na namin pero parang ayaw ko pa tumayo sa upuan ko, baka kasi nasa labas na yung lalaking yun inaabangan ako. YAAAAAARIIII AKO!!



"Ron, halika na uwi na tayo!" hinila ni Ky yung bag ko. Di niya pa kasi alam yung nangyari kanina, di ko masabi-sabi.



"Maya-maya na lang kapag wala ng gaanong tao sa school, pleassssse." pagmamakaawa ko

Miss Feign LookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon