"So anong plano niyo?" mataray na nakatingin si Ky sa aming dalawa ni Lexus
"Anong plano?" confused na tanong ni Lexus
Huminga muna ako ng malalim. "I'm planning na maglayas right after ng klase, no dapat nga before mag-end ang class dahil for sure nasa labas na sila Mom and Dad or si Janus."
"What? Saan ka naman pupunta?" -Lexus
"Anywhere, basta yung hindi ako makikita nila Mom and Dad."
"She's going crazy Lexus. Hindi na siya makaisip ng matino! See." galit na galit na si Ky, I can tell.
"I can't stay in our house! Ky, you don't know how it feels kasi maayos yung trato sayo ng parents mo, hindi ka nila pinipilit na ikasal sa anak ng family friend nila. Yung feeling na sila sure na sure na sa future mo, planado na lahat-lahat pero eto ako hinahanap pa din kung sino ba talaga ako." umiyak na ako
Hinug ako ni Ky "I'm sorry, I'm sorry if I'm being stupid here. Sa lahat ng tao dapat ako agad ang makakaalam ng nararamdaman mo. I'm sorry."
"Ron, Ky is right. I don't think that that's the best na gawin mo sa ngayon. It will make things worse or even worst. Wag kang tumakas, please." malungkot na sinabi ni Lexus
"What are you trying to say Lexus?" hindi makapaniwalang tinanong ko.
"Face them. Tell them the truth how you feel and what you think."
"Sinubukan ko na p-per "
"Nang maayos? Yung hindi ka galit?" tanong ni Ky
"No." sagot ko at natahimik ako
"Alam mo Ron the best way to face your fears and problems is to be honest with yourself while being calm. Malamang sa malamang talagang away ang kakahinatnan ng usapan ninyo ng parents mo if galit ka na nage-express ng feelings mo." advice ni Ky
"That's true. And also iwasan mo ang magbitaw ng mabibigat at masasakit na salita. I know that I'm the one who told you that it's alright to rebel sometimes pero you still have to give respect to your parents. Words have an eternal impact. Once na nabitawan mo na ang isang salita, hinding-hindi mo na yan mababawi kaya don't be carried away by your emotions too much." dagdag ni Lexus

BINABASA MO ANG
Miss Feign Look
Fiksi RemajaVeronica Lim,a 15 year old girl, is born from a rich family. Her parents decide to arrange a fixed marriage between her and her childhood friend, Janus Chui. To be able to escape, she thinks of a plan together with her bestfriend Kyra and cousin, Ja...