Break time namin. Nagugutom na ako sakto naman at nagyayang bumaba sa canteen si Ky.
"Hindi ako nakapag-breakfast kanina, late kasi ako nagising. Ano kaya masarap kainin?" -Kyra
Iniikot na namin ni Ky ang canteen para makapili ng masarap kainin.
"Ikaw Ron? Ano bibilhin mo?"
"Ah lasagna na lang."
"Hmmm. Sige yun na lang din bibilhin ko."
Pumunta na kami sa stall ng pasta. Takte lang! Pag-open ko na wallet ko walang laman.
"Hala?"
"Bakit Ron?" tinignan ni Ky yung wallet ko
"Anyare? Nabutas or nanakawan ka?" tanong ni Ky
"Sadyang taghirap ako ngayon."
"Sige libre ko na lang 'tong Lasagna."
Syempre sa sobrang tuwa ko, niyakap ko si Ky.
"Yan ang gusto ko sayo eh! Nanlilibre."
Grabe wala na akong pera. Yung allowance ko for the month binayad ko na sa utang ko kay Lexus. Tapos ito tumawag nanaman siya, kailangan daw niya ng pera sa Saturday. Nakakabaliw! Saan ako kukuha?
"Ron, free ka ba sa weekend?" tanong ni Ky
"Ahh. Bakit?"
"Wala lang. Shopping tayo kung wala kang gagawing iba."
Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Ky. . . . . . kahit gustuhin ko mang mang-shopping wala akong pera e."
"Ano ba ginagawa mo bakit ang bilis maubos ng allowance mo?"
Syempre hindi naman ako pwedeng mag-sikreto sa best friend ko kaya kinuwento ko lahat simula doon sa skateboarding competition.
"Grabe! So ganun pala ang nangyari. Sino nga bang hindi mamumulubi sa 8000 dollars!?"
"Ky. . . tama na mas lalo akong nai-istress."

BINABASA MO ANG
Miss Feign Look
Teen FictionVeronica Lim,a 15 year old girl, is born from a rich family. Her parents decide to arrange a fixed marriage between her and her childhood friend, Janus Chui. To be able to escape, she thinks of a plan together with her bestfriend Kyra and cousin, Ja...