Mga 5 a.m. kami nagbyahe pauwi mabuti na nga lang at medyo malapit lang ang bahay nila Janus sa amin kaya hindi sobrang aga kami umuwi. Natulog pa ako habang may ilang oras pang natitira bago ako pumasok. 7 a.m. na nang ginising ako ni Yaya Martha.
Syempre dahil isa akong tamad na bata natulog ulit ako. Na-late na ako sa pagpasok dahil sobrang bagal ko ding gumalaw kanina. Medyo puyat pa sa kagabi.
Pumunta ako sa locker para kunin ang mga libro ko. Sakto naman na nakasalubong ko si Kyra.
"Eyebags mo nagsisilabasan." bati sa akin ni Kyra
"Aga-aga, asar pinang-aalmusal mo sa akin."
"Churi po! Bakit ka ba kasi puyat? Wala naman tayong homework."
"Overnight sa bahay nila Janus."
"Awwtssu. Pinaninidigan mo na ngayon ang pagiging engage sa kanya."
"Loka!" ginulo ko ang buhok niya"Kung ano-ano nanaman pinagsasabi mo."
Tumunog na ang bell kaya dumiretso na kami sa classroom. Sobrang ingay ng klase namin hindi ko alam kung bakit pero parang may hindi ako nalalaman kaya naki-usyoso na ako.
"Anong meron dito?" tanong ko sa buong classroom
"Wag mo na alamin, hindi ka naman interesado dito e." sabi sa akin ni Mary (isa sa mga gossipers and flirts ng room)
Alam ko na kung anong pinagkakaguluhan nila. Poging lalaki na fino-follow nila sa twitter and facebook -_____-
Umupo na ako sa upuan ko at tsaka naghalumbaba. Ang tagal naman ng teacher namin.
"Ron, kamusta pala yung competition nila Jace nung Saturday? Nanalo sila?" tanong ni Kyra
"Pinaalala mo pa, ang fail kaya. Butaw ni Jace nasira performance nila dahil na-aksidente siya."
"Weh di nga? Na-aksidente siya? Ok na ba siya?"
"Tsk. Malay ko doon. Galit ako doon iniwan ba naman niya ako after ng competition. Nakalimutan niya ako porket kasama niya gf niya."
"May gf pala siya?"
Biglang dumating ang teacher namin kaya lahat kami nagsi-ayos. Mukhang bad mood yung teacher namin kaya nanahimik kami agad.
Hindi ko alam kung may pinagdadaanan ba ang teacher namin o kaya may buwanang daloy lang, sobrang sungit niya kasi sa amin.Di lang namin masagot yung tanong niya, papahiyain na kami sa klase at isang oras magsa-sqaut. Buti na lang at matalino akong bata at nakakasagot ako.
Biglang tumunog ang phone ko. May nagmi-miss call yata. Lahat natahimik pati yung teacher namin nagalit

BINABASA MO ANG
Miss Feign Look
Teen FictionVeronica Lim,a 15 year old girl, is born from a rich family. Her parents decide to arrange a fixed marriage between her and her childhood friend, Janus Chui. To be able to escape, she thinks of a plan together with her bestfriend Kyra and cousin, Ja...