Chaper III -I'm a Guy

82 2 0
                                    


As expected, natalo ang Javelin Air Crew. Sobrang laki ng nabawas na point sa kanila dahil sa pagkalaglag ni Jace. Nakakahiya ang panira ng pinsan ko.



Tinawagan ako kanina ni Jace. Nagso-sorry dahil nakalimutan daw niya ako. Kasama niya kasi gf niya kanina, edi sila na magsama pakialam ko. Badtrip talaga ako. Sheez!



Ayun, gusto ni pinsan sumabay ako sa pag-uwi sa mga naiwang mga ka-crew nila. Problema, may atraso ako kay kuya (di ko alam pangalan niya eh), pupunta kami sa mall at mamimili ng skateboard.



"Hoy! Ang bagal mo, mahal ang oras ko kaya bilis." ang bossy ni kuya nahiya naman ako


"Kalalaki mong tao ang bading mo kumilos." pang-aasar pa niya



Whatever di ako affected. Babae naman kasi ako eh, bahala siyang pagkamalan akong lalaki. Bleeeeh :P


Akala ko magko-commute lang kami, yun pala may motor din ang loko.


Sumakay na siya. Ako naman nakatayo lang pinapanood siya.


"Hoy! Aangkas ka ba o hindi?"


"Eto na po." umangkas na ako sa likod niya at  kumapit  sa kanya


Tinitigan niya ako ng masama.


"B-bakit?"


Tinitigan niya yung kamay ko sa pagkakakapit sa kanya.


Shet!


O/////////////////////////////////////////O


Lalaki nga pala ako!


Tinanggal ko na agad yung kamay ko. Nakakahiya mamaya kung ano pang isipin niya. 


Pinaandar na niya ang motor at bigla kong naalala . . .


nato-trauma pala ako sa motor!



* * *


Buti na lang maayos-ayos siya mag-motor. Hindi ako napasigaw at natakot dahil maingat siya di tulad ng pinsan kong gusgusin XD


Tumigil kami sa parking lot, bababa na ako pero sheez ang hirap bumaba sa motor. Sanay akong inaalalayan ni Jace.


Nauna na siya bumaba at nakatingin siya sa akin ng masama.


Miss Feign LookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon