Chapter XIV His Servant

48 2 0
                                        


Taghirap ako ngayon. Anlaki pa ng utang ko. Saan ako kukuha ng pera?



Pagtapos ng matinding pagninilaynilay napagisip isip kong mas praktikal kung papayag na lang ako sa gusto ni Lexus.



Kaya in the end pumayag na din ako.



I am now officially his servant.



Ewww!



First day ko ngayon at medyo kinakabahan ako dahil baka kung anu-ano ang ipagawa niya sa akin.



Kakapasok ko pa lang ng room namin ng may matanggap akong text galing sa kanya.



Ron, puntahan mo ako dito sa may field. Iakyat mo ang bag ko.



Oh ayan. Ang saya. Kaka akyat ko pa lang bababa ulit.



Pagbabag ko nakita ko agad siya sa soccer field kaya nilapitan ko siya."Tssss. What took you so long?" irritated niyang sinabi.



 "SORRY PO BOSS. NASAAN NA PO YUNG BAG NIYO?" GRRRRR! Ganda ng pambungad niya sa akin diba! Sobrang bossy sarap tadyakan! Bigla niyang hinagis sa akin ang bag niya at natamaan ang mukha ko at dibdib ko. Huhu flat na nga lalo pang maf-flat T.T



"Salamat!" he smirked and started to walk.



Pinauna ko na siya. Ayoko naman mahalata ng iba na ako ang tagabuhat ng bag niya.



Nakarating na ako sa room niya. Wala pa siya, saan naman kaya pumunta yun? Anyway nilagay ko na yung bag niya sa upuan niya. As expected hindi naging maganda ang reaksyon ng mga babae niyang kaklase. Nagtataka kung bakit nasa akin yun. Di ko na lang pinansin.



Pumunta na ako sa room namin. Loner pa din ako. Paano ba naman? Nagbakasyon ang family nila Ky sa Italy kaya absent siya. Di ko pa alam kung hanggang kailan sila doon. Huhuhu! Of all the times, ngayon pang kailangan ko ng may mapage-emote-an.



Habang nagkaklase nagd-doodle lang ako sa notebook. Sobrang boring. Occupied masyado ang utak ko sa mga pangyayari ngayon.



Break time, and kasama ko si Lexus ulit. Ako ang inuutusan niyang bumili ng pagkain niya. Kakainis lang at pabalik balik ako at tayo ng tayo. Kung magpabili ba naman di ipagsabay sabay. Halatang nanadya sa akin.

Miss Feign LookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon