"Dara, ikaw ba yan?"
Gulat na gulat yung ekspresyon ng mukha ni Yeol. Tumayo siya para lapitan si Dara.
"Oo, Ken. Ako 'to. Remember yung tawagan natin dati? Barbie and Ken haha"
YUCKKK!!!
Barbie-Ken pa kayo dyan!!! Argh!!!! #BitterDoray
"Yes ofcourse! Barbie!"
Pagkasabi niya non ay niyakap niya si Dara.... ng sobrang higpit. Halos hindi na nga ito makahinga eh. Sige lang higpitan mo pa Yeol hanggang mag kulay violet yan! Hahaha! Joke....
Alam niyo bang sobrang bagay sila para sa isa't isa???? :((( Nakakalungkot isipin na pasimple pa din akong umaasang sana kami nalang. Sana. Hindi pa ko makutento na naging magkaibigan kami... bakit ganon?
"Oh! Baka langgamin kayo sa sobrang sweet niyo! Upo ka muna, Dara. Alam mo bang kinukwento ka sa amin ni Chanyeol? Ang ganda mo pala talaga sa personal." sabi ni Suho.
My heart is breaking argh nakaakbay pa si Yeol sakanya habang papaupo sila sa tabi ko shet bakit kayo ganyan sakin why are you doing this to me?! Nakakatorture ng puso this huhu
"Haha nakakatuwa naman. Ikaw talaga, Yeol! So guys, ako nga pala si Dara. Childhood friend ko si Yeol hayy nakakapanibago na talaga kasi ang tangkad niya sobra!"
Edi ikaw na may kilala kay Yeol! Bitter ako :((((
"At mas pumogi ako diba?" — Yeol
Nakatingin lang siya kay Dara habang nagsasalita then he ruffles her hair.
Buset wag kayo maglandian sa harap ko huhu
"Oo na nga sige na! Alam niyo bang ang taba ni Yeol nung bata? Haha and where's the eyeglasses huh?" — Dara
"Bakit? Hindi ba bagay sakin na wala?" — Yeol
"Bagay naman! Namiss ko lang!" sabi niya sabay kurot sa pisngi ni Yeol.
"Uhm bago kayo langgamin dyan, magpapakilala muna kami." — Kyungsoo
"Aww no need! Haha! Kilala ko na kayong lahat. Except...... her." sabay tingin sakin.
Pag hindi ako nakapagpigil dudukutin ko yang mata mong babae ka. Wag mo kong tingnan!!!
"Uhm. Dara, she's Doray, our friend." — Yeol
"Oh I see, nice to meet you Doray!" — Dara
*usap usap*
Ako naman halos gusto ko na umalis dito kasi naiinis na ko sa pinagkkwentuhan nila. Kaso nakakahiya naman. I'll try to be mabait.... kahit durog na durog na ko. Tandaan niyo, babangon ako at matitikman nila ang ganti ng isang api! :(((
"Uhmmm... Dara, magkwento ka naman tungkol sa boyfriend mo." — Yeol
Biglang lumungkot yung tono ni Yeol. Si Dara naman natawa lang. Aba loka lokang babae na 'to!!
"Gosh! Sino yang sinasabi mo Yeol?" — Dara
"May nakita akong yumakap sayo dati nung tangkain kong makipagkita na sana sayo...." — Yeol
Huli ka balbon!!!
"OH MY!!! Sabi ko na ikaw yun eh!! Ikaw yung nakita kong nakajacket at cap na black nung araw na yon. Yeol... he's my ex, and nakikipagbalikan siya sakin that day. It's already 2 years na ang lumipas nung magbreak kami, pero ayoko na talaga." — Dara
"Pero bakit di mo ko hinanap?" — Yeol
"Yeol.... I'm not even sure kung ikaw nga talaga yon. Pero nung malaman at sure na akong dito kana nakatira, nagmadali kaagad akong nagpunta dito. That's why I'm here." — Dara
"Bakit mo 'to ginagawa?" — Yeol
"Bakit ko 'to ginagawa? Yeol, hindi pa ba malinaw sayo? Umalis ako dati hindi dahil gusto ko, gusto yon ng pamilya ko. At isa pa, mga bata pa tayo non. Magiging honest ako sayo, I tried na maghanap ng iba para makalimutan na kita, but I was wrong. Yeol, I have feelings for you. I still have...."
"AYIIIIIIEEEEEE!!!!" — silang lahat except me.
Nakita kong naluha si Yeol at niyakap niya si Dara.
OUCH
MY POOR, CUTE HEART!!!
ARGH
YEOL, YOU'RE NOT CECILIA BUT YOU'RE BREAKING MY HEART *crying blood
Hindi ako makapagdrama kasi ayokong malaman nila yung nararamdaman ko. Nakakahiyang aminin sakanila na may pagtingin ako kay Yeol. Tsaka isa pa..... hindi kami bagay. Baka pag naging kami (baka lang) tapos magkasama kaming maglakad, mapagkalaman pa akong P.A. niya. Sad life, Doray.
*******
Edi yun na nga! Nagkaaminan na! Ayoko na nga ikwento 'to kasi emotional pa rin ako huhu. Ang sakit talaga sa bangs, I swear! Pero kailangan ko pa rin ikwento para sainyo. Hekhak.
Alam niyo ba kung nasaan ako ngayon? Syempre hindi, kaya sasabihin ko na. Nandito lang naman ako sa loob ng bahay, tinatanaw sila sa labas habang nagsstargazing. Sabi nga ni Yeol, yan daw madalas nilang gawin dati at take note! Magkaholding hands pa sila habang nagtatawanan! Kainis diba? O ako lang naiinis? Kasi naman eh :((((
Hindi ako iiyak. Hindi talaga ko iiyak. Kahit ang bigat bigat na ng pakiramdam ko sa dibdib ko (kahit wala ako non).
Mapapakanta nalang ako dito ng "That Should Be Me" ni Justin Bieber. THAT SHOULD BE ME HOLDING YOUR HANDS THAT HSOHBNNKKKLKSGAH!!!!! Mababaliw na ko dito huhu.
Nagpapamartyr nalang ako dito. Kahit masakit, pinapanood ko lang sila na parang nagfifilm ng movie dito. Mabagsakan sana kayo ng asteroid dyan!
Napalingon ako ng may biglang magsalita sa likod ko.
"Nagseselos ka sakanila no?"
-----------------------
BINABASA MO ANG
Doray Meets EXO (COMPLETED)
FanfictionMasyadong masalimuot ang magiging kapalaran ni Doray, pero paano kung may makikilala pa siyang mga taong dadagdag sa pagiging masalimuot nito? Nakakaloka, right? Tunghayan kung paano malalagpasan ni Doray ang lahat ng pagsubok sa buhay niya, ang ist...